EM 2

47 1 2
                                    

Chapter 2- Meet the Hawks

"Ano?!"

Okay...may problema ba dun.

"Ahm. Is there something wrong?" takang tanong ko

"Wala naman. Medyo nakakapagtaka lang kasi." sabi ni 'blue-haired-guy'

"Ha? Bakit naman?" muli kong tanong

"Kasi, hindi kami nagdadala o nagpapapunta ng girls dito. Except kay Amber." sabi uli ni 'blue-haired-guy'

Tumango naman ako. Balik na sila sa mga ginagawa.

Yung lalaking color blue yung buhok, nagcellphone na. Samantalang yung lalaking pangit at arogante ay mukhang matutulog ulit.

Nilibot ko yung paningin ko. Hanggang sa may napansin akong natutulog sa isang couch na naka-earphone pa. Sunod namng lumipat ako tingin ko sa lalaking naglalaro ng xbox at naka-headset naman. Di pa siya lumilingon dito simula nung dumating ako, naglalaro lang siya.

"Ahm. Chase." tawag ko sa kambal ko.

"Hmm?"

"Si Asher ba yun?" tanong ko sabay turo sa likod nung lalaking naglalaro.

"Yes." he answered then smile.

Dahan-dahan akong lumapit kay Asher sabay niyakap ko siya. Di ako naiilang dahil in the first place pinsan ko naman siya.

"Shit" narinig kong mura niya bago ako hinarap.

Lumayo naman ako sa kanya. I crossed my arms at inirapan siya.

"Cols?!" gulat na tanong niya.

"Hahaha. The one and only." sabi naman ni Chase.

"Kailan ka dumating?" tanong niya ulit, pero inismidan ko lang siya.

"Haay nako! Nagdadrama ka na naman? Sige na." tinaas niya yung dalawang kamay niya as a sign of surrender. "Sorry na, nagulat lang naman kasi ako. Ililibre na lang kita mamaya ng ramen dun sa noodle house malapit dito. Okay na?"

Nagning-ning naman ang mga mata ko at niyakap siya.

"Talaga? Sige, aasahan ko yan." sabi ko naman sa kanya, magsasalita sana ulit ako ng may marinig akong tumikhim.

"Excuse me. Naa-out of place kami dito." sabi nung may blue na buhok.

"Guys, pinsan ko si Coleen." sabi ni Asher.

Nakita ko namang gumising na iyong isa na natutulog sa couch.
Ang cute niya (*.*).

"Okay. Magpapakilala muna kami. I'm Skyzer Clifford at kami ring lima ang mga star player ng Hawks (basketball team ng University)." sabi nung may blue na buhok, sabay kuha ng kamay ko at hinalkan ng marahan. Tinapik naman iyon ni Chase.

"I'm Travis Shannon. It's pleased to meet you." sabi nung lalaking nakapokerface na kagigising lang, yung cute.

"Tss. Kyle Daryl Chan." pakilala naman nung lalaking panget na mayabang.

"Habang nagpapadeliver tayo ng lunch. Maglaro muna kayo ng xbox, Cols at Asher." sabi ni Chase.

Nagkatinginan naman kami ni Abo (Asher). At sabay na umupo at kumuha ng controler.

"Wait. Para maganda, pustahan tayo kung sino ng mananalo." suggest ni Skyzer.

"Game!" sabay sabi nung tatlo.

"Okay, kay Asher ako." Skyzer, sabay lapag ng 1000 peso bill sa lamesang malapit sa couch.

"Asher. Here." sabi naman nung Kyle Daryl pagkatapos maglabas ng pera.

"I'm also on Asher's side." sabi naman ni Travis at naglapag din ng 1000

Bakit ayaw nila sa akin? Narinig ko namang tumatawa yung kakambal ko.

"Hahaha. Mga dude, mali kayo ng pinustahan. Kay kamabal ako!" sabi naman ni Chase.

Napangiti namn ako at sumulyap kay Abo na mukhang seryoso.

Nagsimula na kaming maglaro. At after few minutes...

"Yes! Nanalo ako!" sabi ni Chase at niyakap ako.

Hahaha. Tama kayo ng nabasa. Ako ang nanalo. Kahit kailan kasi ay hindi nanalo sakin ang dalawang 'to (Abo at Chase) pagdating sa xbox.

Nakita ko namn na binabatukan nung tatlo si Asher.

"Huy! Chase, libre mo ko ha?" sabi ko.

"Oo naman. Magpapakabusog tayo sa pagkain. Uubusin natin tong 3000. Hahaha."

Nakipag-apir naman ako kay Chase. At sa wakas dumating na din yung pagkain. Kumain kami ng sabay-sabay. Natatawa nga ako dahil di nila tinitigilan si Asher.

Pagkatapos kumain, nagpahinga lang ako ng kaunti at nagpaalam na dahil may klase pa ako.

"Bye na. Sa susunod ulit, enjoy kaypng kasama. Thanks nga pla dun sa food." sabi ko.

"Sure kang ayaw mong ihatid kita?" tanong ulit ni Chase.

"Oo nga. Ang kulit mo talaga. Sige una na ako." paalam ko sabay kiss sa pisngi ni Chase at Asher.

"Kami walang kiss?" tanong ni Skyzer.

"Gago!" sabay na sabi ni Chase at Asher.

Tumawa nalang. Ako at kinawayan sila. Sabay sakay sa penny board ko.

"Ang cool mo Coleen!" rinig ko ng sigaw ni Skyzer.

Pagdating ko sa room. Wala pang prof kaya kinuha ko muna yung phone ko at headset. Nakinig muna ako ng music hanggang sa naging 'Time Machine' na yung tugtog.

I wanna go back to way we use to be,
I wanna feel your skin, your lips so close to me,
I wanna go back when I called you mine all the time, every smile and every momment.

If only I had (If only I had)
a Time Machine.

Pinatay ko na yung music ko ng makita kong nandyan na yung prof namin.

Nagdisscuss lang siya saglit, tapos ay may pinanood siya sa aming powerpoint at pinag-sulat kami ng mga inpostanteng reminders.

"Class dismissed." sabi niya tumayo na ako at lumabas ng room.

Naglakad ako patungo sa likod ng isang building at may nakita kong puno doon, naka-bermuda grass din ang paligid. Kumuha ako ng blanket sa aking bag at nilatag sa ilalim ng puno. Nilagay ko sa tabi yung bag at humiga na. Nilagay ko nalang ulit yung headset sa may tenga ko at pumikit.

If I could take it all back,
I still want you by my side,
If only I could bring you back to me,
If I could go back in time,
Promise me...won't say goodbye,
I never really moved on,
No not in time.

Kasabay ng mga linyang yun sa kanta ay ang tuluyang pagbagsak ng nga traydor kong luha at ang tuluyan kong pagka-iglip.

----
04-26-16

Guys minadali ko lang 'to kaya maiksi, nabura kasi yung una kong ginawa. Mahaba pa naman yun. Sorry for the wrong grammar and typos. Please bare with my works. Thanks pala sa mga bumabasa at nagbo-vote. Love you all.

Ps: Happy 100 reads











Except Me: Officially MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon