Chapter 16.1

16.4K 285 7
                                    

Lorabelle slowly opened her eyes as soon as her senses has awakened. Kaagad siyang sinalubong ng mabango at malamig na hanging ibinubuga ng aircon. Then she remembered that she fell asleep on the bed inside the guest room. She was still wearing the blouse and the jeans that she wore while they were travelling this morning. Kasalukuyan silang nasa ancestral house ng mga Monterossa.

Habang naka-confine si Steven sa ospital nang nakaraang linggo ay sinabi nitong uuwi ng Señora Carmen upang pormal na sabihin sa mga magulang ang tungkol sa kanila Jackie. Kaagad siyang pumayag dahil naging malinaw na rin naman ang lahat sa kanila ng lalaki. They still loved each other despite everything that happened. Kasama rin nila si Aling Maridon dahil hindi rin naman siya makakapayag na maiwan itong mag-isa sa apartment.

Sinampahan ng paaralan – kung saan pumapasok si Jackie – ang management ng zoo dahil sa kapabayaan nito na naging sanhi upang malagay sa peligro ang isa sa mga customer nito. Magsasagawa pa ng hearing at kapag nanalo ang eskwelahan ay maaaring mapasara ito. Mabuti na lang talaga at nakaligtas si Steven dahil naalis kaagad ng doctor ang venom bago pa kumalat sa katawan nito.

She clambered out of the bed at the thought of her mother and daughter. Sinipat niya saglit ang sarili sa salamin bago lumabas. It was already dusk when she got out of the room. Nakabibingi ang katahimikang namamayani sa pasilyo kung saan makikita ang anim na pinto ng malalapad na kwarto, kasama na roon ang inuokupa nila. She was familiar with the roundabouts of the house because she was free to go in and out of the house before.

Bumaba siya upang hanapin sina Aling Maridon at Jackie pati na rin si Steven. Just like the old times, the interior designs of the living room impressed her. Walang kakupas-kupas ang ganda at gara ng bahay. In fact, mas lalo pa iyong gumanda.

The traditional-style furnitures got a dash of regal style with rich purple accents and the cream-colored curtains looked pleasing to the eyes. Napakalinis at napakakintab din ng sahig na gawa sa tiles. Pwede na nga yatang manalamin doon. Higit sa lahat, hitik din sa mamahaling gamit ang sala at ilan sa mga ito ay pamilyar sa kanya.

She crossed the distance between the living room and the dining room. Nasa tapat pa siya ng dingding na humahati sa sala at hapag kainan nang bigla niyang narinig ang boses ng isang babae. She immediately recognized the soft-spoken voice. It was Arrian's!

Alam niyang masama ang mag-eavesdrop pero hindi niya maiwasang gawin iyon lalo na at narinig niya ang sariling pangalan.

"Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo? Don't get me wrong. I know that you love Lora so much and Jackie's already there but I witnessed what you had been through before. I just don't want you to be hurt again." There was a trace of worry in Arrian's voice.

Well, she could not blame the woman. Umalis kasi siya noon na walang paalam kaya natural na nasaktan niya si Steven. Kaya hiyang-hiya siya sa lalaki noong muli silang nagkita. Mabuti na lang at napatawad pa siya nito. She chose to stay where she was standing to listen to the conversation and waited for Steven's response.

"Yes, 'Ma. I admit that I asked Markus to find her so I could seek revenge," wika ng lalaki saka narinig niya ang mahinang tunog ng tasa na inilagay sa platito.

Her eyebrows knitted after hearing those words. Sh1t! Tama nga ang hinala niya noon na maghihiganti lang ito sa kanya. Gusto niya sana itong sugurin at gawaran ng kaliwa't kanang sampal ngunit pinigilan niya ang sarili na gawin iyon.

Afterall, she already saw this kind of scene in telenovelas. Na na-overheard ng bida ang isang usapan tapos may narinig siyang masakit at kaagad na hinusgahan ang nagsalita kahit hindi niya narinig ang buong sinabi nito. Kaya ending, pareho silang nasaktan. She chose to stay at where she was standing to give Steven a benefit of the doubt, hoping that she would hear something positive.


PLEASE BE MINE...AGAIN (Completed/Editing)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora