Kabanata 1: Si Marco Almazan

119 2 3
                                    

                   "Magsisimula ang kwento sa isang taong nagngangalang Marco, isang kilalang hitman..."

                   Isang gabi, sa Chrissie's Bar sa Imus, masaya namang nag-iinuman, nagkakantyawan, at nanonood sa mga babaeng sumasayaw ang mga tao sa loob ng nasabing bar. Karamihan sa mga nandoon ay pawang mga kalalakihan, ang iba namang mga kalalakihan ay may mga kasamang mga babae bilang kanilang "kapartner". Walang humpay ang kanilang inuman, kasiyahan at panonood sa mga babaeng sumasayaw sa entablado. Maya-maya lamang, may dumating na isang grupo ng mga tao, pawang mga kalalakihan, anim sila na mukhang mga maangas at mga armado. Ang kanilang mga baril ay tinago sa kani-kanilang mga bulsa. Umupo na sila sa isang bakante pwesto para sa kanilang inuman at ang isang lalaking suot ang black coat  na parang propesyonal ang dating at nakasalamin, black shades mismo, ang sumita sa isang waiter..."Pssstt...waiter!"

                  Agad namang lumingon ang waiter sa lalakeng nakasalamin at nilapitan niya ito, "Yes sir, ano po ang order nila??", sabay binigay ng waiter ang Menu Table sa kanya.

                  Binasa niya ang Menu Table at makalipas ng ilang minuto, nakapagpili na siya at tinuro nya sa waiter ang oorderin nila na kasya sa kanilang grupo..."Etong sisig, tapos dalawang bucket ng Red Horse Stallion.", at binigay na niya ang Menu Table pabalik sa waiter.

                  "Sige sir, sandali lang po!", sabi ng waiter sabay umalis na siya para ihanda ang kanilang inorder.

                   Habang inaantay nila ang kanilang order, nanonood muna sila sa mga babaeng nakasayaw sa entablado. Samantala ang lalaking nakasalamin na siya pala ang boss ng nasabing miyembro ay may sinabi siya sa kanila....

                   "Para sa tagumpay natin ang inuman natin ngayon...kaso wala pa yung Red Horse natin saka ung sisig.", sabi nung lalaking nakasalamin.

                   "Okay lang yan, boss. Malapit na yun!", sabi nung kasamahan niya na medyo may katandaan at mahaba ang buhok na nakaponytail ito.

                   Ilang oras ang nakalipas, dumating na ang kanilang inorder. Nilapag ito ng waiter sa kanilang lamesa at nagsimula na silang kumain, nag-inuman, at nakisaya sa loob ng bar. Ang iba naman sa kanila ay naghanap ng kani-kanilang mga babae para sa magiging "kapartner" nila. At pagkatapos nun, nakipagharutan na din sila. Sa kalagitnaan ng kanilang kasiyahan, may narinig silang putok ng baril at agad naman nilang napansin ito. Nagsiingay na ang mga tao at nagpanic na, kaya karamihan ay nagsitakbuhan na palabas. Pagkatapos may nakita silang patay ang isa sa kanilang mga kasama dahil binaril na pala ito. Agad namang ikinagulat ng kanilang boss,

                   "Punyeta...!! Kumalat na kayo...hanapin nyo ang walang hiyang pumatay sa kasama natin!", sabi nung lalakeng nakasalamin.

                   "Sige, boss!", at nagsikalat na sila para hanapin nila ang taong yun. Sa kalagitnaan ng kanilang paghahanap, isa sa kanila ang nakakita sa taong pumatay sa kanilang kasamahan. Nakakita siya ng kalbo, bigotilyo, nakared T-shirt, at maong, at may dalang dalawang kwarentaysingkong baril (.45 caliber) na nakatutok na sa kanya at babarilin na siya..

                   "B-bwi...sett...!!", sabi nung isang lalaking kasamahan nila, matapos syang barilin ng dalawang beses sa dibdib. Kaya nakita ng kanilang boss ang lalaking kalbo at binaril na niya ito, kaya lang nakapagtago na ang kalbo.

                   "Asar!", sabi nung boss na nakasalamin kaya tumakbo na ito para hanapin yun.

                   Samantala, patuloy pa din sa pagtatago ang lalaking kalbo sa iba't-ibang sulok ng bar para makabwelo siyang barilin ang kanyang mga kalaban. Katulad nung ginawa niya ngayon lang, binaril na niya isa-isa ang mga kasamahan nung boss sa iba't-ibang sulok sa pamamagitan ng iba't-iba niyang mga buwelo at estilo sa pamamaril. Hanggang sa inubos na niya ito at ang naiwan na lang ay ang boss ng nasabing grupo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2011 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HitmaneroWhere stories live. Discover now