Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

CHAPTER 3: "LALAKI AKO" TEST

272K 8.2K 1.2K
                                    

KYLE


"'Wag kayong maingay. Baka magising natin siya."

"Teka, inoobserbahan ko pa siya!"

"Ang ingay mo, Akon!"

"Sino bang maingay sa 'ting apat, ha?"

Binatukan ko silang apat. Ang aga-aga pa sa kwarto namin, nabulabog kami ni Charlie sa kanila.

"Ano bang problema mo, Kyle?"

"Ang ingay niyo. Malamang magigising si Miko."

"'To kasing si Akon, e!"

Pambihira si Sanjie. Kakasabi lang na 'wag mag-ingay, e.

Gumalaw si Miko. Pinagmasdan namin siya habang unti-unti niyang dinilat ang kanyang mga mata. Sigurado akong sisigaw siya nang maarte kapag nakita kami, kaya kumuha ako ng unan at tinakpan ang kanyang ulo para hindi siya marinig. Malakas pa naman ang radar ni Kean sa mga bakla.

"Anong ginagawa mo, Kyle?" tanong nilang apat sa 'kin.

"Baka hindi na makahinga si Miko!" sabi ni Charlie.

Bigla akong natauhan at inalis ang unan mula sa ulo ni Miko. Umupo siya nang gulat na gulat at hingal na hingal. Ang sama ng tingin niya sa 'kin.

"Anong ginagawa mo sa 'kin?" kalmado niyang tanong gamit ang panglalaki na boses. "Pinapatay mo ba ako?"

Hindi ko siya pinansin. Dumeretso at humiga ako sa aking kama sa baba at isinuot ang aking headphones. Pumikit ako at nakinig sa kantang sasayawin namin next week.

Biglang may sumipa sa kama ko. No'ng dumilat ako, nakita kong galit na galit si beks.

Tinanggal ko ang headphones, tumayo, at hinarap siya. "Anong problema mo?!"

"I-ikaw!" sabi niya. "Papatayin mo ba ako?!"

"Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo." Hindi niya yata naintindihan na ginawa ko 'yon para tulungan siya.

"Anong hindi? Nilagay mo ang unan sa ulo ko para hindi ako makahinga!"

"Uy, leader, awatin mo ang dalawa," sabi ni Sese.

"Tama na 'yan," sabi ni Sanjie. "Brotherhood tayo rito."

Hindi ko napigilang tumawa sa sinabi ni Sanjie. Hindi naman mapakali si Miko, na parang na-realize niyang may alas pa ako sa kanya.

"Oo nga," sabi ko at tiningnan si Miko na para bang hinahamon siyang mag-angas pa sa harapan ko. "Brotherhood. 'Sensya na, Miko."

"Okay lang, brad," sagot niya. "Next time, 'wag mo nang gagawin 'yon."

"'Yon naman pala, e," sabi ni Kean at inakbayan siya ni Kean. "Nga pala, Miko, sumama ka sa 'min mamaya. Free day ngayon, kaya pwede tayong lumabas. Pupunta tayo ro'n sa all-girls school."

Nag-isip muna siya. Malamang hindi siya papayag. Wala naman siyang interes sa mga babae kasi lalaki ang gusto niya.

"Sige, sama ako," sabi ni Miko. "Madami ba talagang chicks do'n?"

Bilib talaga ako sa acting niya. Lalaking lalaki ang dating, parang totoo.

"Oy, Kyle! Sumama ka mamaya, ah!"

"No thanks," sabi ko bago lumabas ng kwarto. Umupo ako sa labas ng dorm.

Biglang dumating si Charlie.

"Bro, salamat pala, a. Hindi mo sinabi kala Kean ang tungkol kay Mika—este, Miko pala."

Tiningnan ko siya. Parang may naamoy ako kay Charlie.

Lady in Disguise (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon