Chapter 3: Shopping (LEVEL= Wedding Dress)

874 14 14
                                    

Sean's P.O.V.


Friday night ngayon at nagrereview na naman ulit kami ni Stacey. At ang nakakatawa, ako ang nagtuturo sa kanya ng Ekonomiks. Yes, ladies and gentlemen. Mayroon ding mga bagay sa mundo na hindi alam ng aki – este, ah, ating dakilang nerd.


"Ngayon, ang demand at supply ay inversely proportional. Stacey! Nakikinig ka ba?" Anak naman ng tokwa to, oh. Buti na lang nahuli ko dahil kung hindi, tinulugan na siguro ako nito. Naupo siya ng maayos sa upuan niya nung tinitigan ko ng masama bago ako nagpatuloy.


"Going back, ang presyo ay tumataas kapag –"


"Oh my gosh, Sean. Hindi ko talaga siya ma-gets!" biglang sabi ni Stacey. Napabuntong-hininga ako. Binaba ko yung hawak kong pencil at tinignan sya. Halata sa itsura niya na hindi niya talaga makuha yung mga pinagsasasabi ko. Nakakunot yung noo niya, magulo ang buhok sa kakahagod at mukhang malapit na rin siyang umiyak.


"Jusko lord, pano ko pala 'to ipapaliwanag sa'yo?" sabi ko. Napakagat siya ng labi. Bigla akong nagkaroon ng idea. "Wait. Dyan ka lang. May kukunin lang ako."


Lumabas ako ng kwarto niya at hinanap yung kailangan ko. Pumunta ako ng kwarto ko pero wala doon. Bumaba ako. Nagulat yung mga kasama namin sa bahay.


"Sir, may kailangan po ba kayo?" tanong ng isang maid.


"Ah, may hinahanap lang ako" sabi ko. Aalis na sana ako nang naisip kong itanong sa kanya kung nakita ba niya yung bagay na hinahanap ko. Nilarawan ko sa kanya yung bagay na yon at sinabi niya na, oo, alam niya kung saan sa bahay nakalagay yon. Tinuro niya ako sa dining room kung saan nga naka-display. Kinuha ko at nagpasalamat. Kumuha na rin ako ng bowl ng biscuits at dalawang water bottles. Nakakagutom kayang mag-review.


Pag-akyat ko, nakatitig ng maigi si Stacey sa libro niya. Halos matawa ako sa itsura. Para siyang constipated na hindi mo maintindihan.


"Di ba kapag may visuals, mas madali mong napag-aaralan?" tanong ko sa kanya pagkapasok ko ng kwarto. Sa gulat niya, nauntog niya yung tuhod niya sa mesa. Sabay titig naman sa akin ng masama.


"Tol, usong kumatok." Ouch, na-tol-zoned ako. Tumawa na lang ako sabay ibinaba yung dala ko sa mesa. That grabbed her attention.


"Bakit dinala mo pa dito yung hourglass sa dining room? Hindi ba magagalit yung mga maids? Lagi mo na lang ginugulo yung mga gamit tapos hindi mo pa binabalik sa dating pwesto." Oops. True enough.


"Oy, grabe naman! Hiniram ko to, actually. Ano, gusto mo bang ma-gets yung topic sa Ekonomiks or what?" tanong ko sa kanya. Natahimik siya. Naupo na ako sa tabi niya at tinuro yung hourglass.


"Since mas sanay ka sa visual aids during learning, dinala ko yung hourglass for analogy" paliwanag ko sa kanya. "Di ba lahat ng buhangin nasa isang dulo? Pero kapag binaligtad mo, lilipat silang lahat ng pwesto. Parang ganito."


Binaligtad ko yung hourglass at nagsimulang lumipat yung buhangin sa kabilang side. "Habang nababawasan yung buhangin sa taas, dumarami sa baba, di ba? Parang ganon yung supply and demand. Habang tumataas yung bilang ng isa, bumababa ang isa."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When the Nerd Marries the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon