MTAI -- 39

1.8K 102 13
                                    

NADINE

"Nadine, kakain na tayo."

Napatingin ako sa pintuan at nandun si Kirby.

"Wala akong gana, Kirby." sabi ko at narinig ko ang pag buntong hininga niya.

"Kakain ka Nadine. Mahigit isang linggo na naman yung nangyari, tignan mo nangangayayat ka na." aniya.

Hinila niya ako pababa at nag pahila nalang ako. Oo, mahigit isang linggo na ang nangyari tungkol dun sa picture at nung nakita ako ni Kirby sa park. Sa isang linggo na iyon ay dalawa lang na tao ang nakakaalam kung nasan ako.

"May bisita ka sa baba." sabi ni Kirby ng nakangiti. "Si Kath at Lian?" bigla akong nag kasigla ng tumango siya. Kung kanina ay siya ang humila sa akin ngayon si Kirby na ang hinihila ko. Pag baba ko ay nakita ko sila Kath na nakaupo.

"WAAAH! KATH AT LIAN!" sigaw ko at niyakap sila parehas. Siomai! Tatlong araw na kaming hindi nag kita nito, namiss ko tuloy sila. "Miss ka na namin ate."

"Namiss ko rin kayo, Kath at Lian." sabi koa t bumitaw sa pag kakayakap. "Kamusta?" tanong ko.

"Eto, ayos lang. Hinahanap ka nga ng mga teacher sa akin. Buti hindi pa nakakaabot yung balita sa parents mo." Lian.

Napatango naman ako. Isang linggo na kasi akong hindi pumapasok at bukas ay hindi ko alam kung papasok na ba ako o hindi pa rin.

"Buti hindi pa alam nila Daddy." nasambit ko.

"Ate Nadz, hinahanap ka na ni Kuya James..."

Tumango ako, "Please. Wag mo nalang muna banggitin ang pangalan niya," Hindi ko pa rin makalimutan yung nakita ko. Namiss ko na rin siya pero kasalanan ba kung lalayo muna ako sa kanya? Hindi naman siguro.

"Kukuha lang muna ako ng maiinom niyo, girls. Nadine dadalhan na kita ng pagkain dito ha?" Kirby.

"Sige, Kirby/ Okay, Kuya"

Ngumiti ako kay Kirby at ganun din siya. "Salamat."

Umalis na si Kirby at pumunta sa kusina.

"You know what, bes, ang sweet sayo ni Kirby. Hindi kaya may gusto sayo yun?" nanlaki mata ko sa sinabi ni Lian. Baliw din 'to. Kung anu-ano pinag iisip e. "Bruha. Mag kaibigan lang kami at isa pa, parang bestfriend na nga daw kami."

"Yieee. Ate ha! Baka naman ipagpalit mo si Kuya. Well, gwapo din naman si Kuya Kirby at saka ang sweet. For sure andaming girls na nag kakandarapa sa kanya. Hihi."

Napairap nalang ako, "Ewan ko sa inyo. Basta mag kaibigan lang kami ni Kirb."

Sabay silang tumawa at dumating na rin si Kirby na dala nga yung juice namin at pagkain ko.

Ang sweet ni Kirby.

Actually, ganyan ang mga ideal type ko pero syempre wala akong gusto sa kanya. Mag kaibigan kami na parang bestfriend na rin kung tutuusin. Kahit saglit pa lang kami nag kakasama andami ko ng nalaman sa kanya. May babae nga siya na nililigawan, e, pero syempre secret lang yun.

Si Alex kilala niya kasi ex-girlfriend niya pala 'yun. Akalain mo yun na may pumatol na gwapo kay Alex. Hehe.

Nag kwentuhan lang kami ng kung anu-ano at syempre hindi mawawala sa amin ang kwentong lovelife. Sabi ni Kath na pinag dududahan na daw siya ni Daniel dahil parang lagi siya may katext, e, ang totoo kaming dalawa mag katext ni pinsan.

Haha! Seloso rin talaga si Daniel.

DANIEL

"Baby, aalis muna ako ha? Mag kikita lang kami ni Ate Lian, you know bonding lang kami." sabi ni Kath na ngayon ay sobrang nakaayos.

Married to James Reid (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon