PART 2

70 7 2
                                    

Third person's POV

Kasalukuyang naglalakad habang nakayuko si Alex. Nasa school siya ngayon. Magisa lang siya dahil may ginagawa pang project ang kanyang bestfriend/non-biological sister na si Kyrah.

"Peste." Bulong nito habang naglalakad at naka tutok ang atensyon sa kanyang phone sapagakat naglalaro siya ng Flappy Bird.

"Bwisit kangg ibon ka!" Hindi na napigilang sigaw nito dahil sa inis kayat nagtinginan sa kanya lahat ng tao sa mango park kung saan siya naruruon ngayon

Nag peace sign lamangg siya at ngimit kaya bumalik na sa kani kanilang gawain ang mga nakatingin sa kanya.

Naupo sa isang bench si Alex kasama ang kanyang phone at tahimik na naglaro.

Ang hindi alam ni Alexandra, may isang pares ng mga mata ang hindi bumalik sa kanyang ginagawa at nakatingin pa rin sa kanya habang nakangiti.

"Dito lang pala kita makikita.." Bulong ng lalaki habang nakatanaw sa malayo mula sa babaeng hindi niya inaasahang makikita niya na.

"OO DITO MO LANGG TALGA AKO MAKIKITA! AT DAHIL NAKITA MO NA AKO, HALIKA NA, GUTOM NA GUTOM NA AKO!" Sigaw ng kanyang pinsan/bestfriend na si Josh sa kanyang tenga kayat agad nabaling ang kanyang atensyon dito

"Ano ba yan pare, sabi mo nasa office ka, eh anongg ginagaw amo dito sa mango park?! Eto na ba bagong office ni Ma'am Perez? Ayos ah! Environmentalist pala siya!! ARAY NAMAN!" Sigaw ni Josh nang batukan siya ni Rainier.

"Siraulo ka rin eh, malamang kanina ko pang 2:00 tinext sayo na nandun ako sa office. Eh 3:00 na kaya?! Alangan namang tumambay pa ako don hanggang magbakasyon?!" Sermon nito sa kanyang pinsan kaya't napakamot nalang ito sa kanyang ulo.

"Tara na nga, gutom na gutom na ako. Ginutom ako ni Kyrah! Ke bagal bagal kasing kumilos, ayan tuloy kami huling natapos gumawa ng project." Reklamo ni Josh tsaka hinila si Rainier papuntang cafeteria, ang pinaka magulong lugar sa eskwelahan dahil hindi ito mawawalan ng tao.

Naupo sa isang bakanteng lamesa si Rainier at nag cap at shades tsaka naglaro sa kanyang phone habang umorder naman ng pagkain ang kanyang pinsan.

"Hi! Pwede ba kaming maki tabi? Wala na kasing bakanteng upuan eh! Kung okay alng sana sayo?" Rinig ni Rainier na may nagsalita sa kanyang harap kaya't nag angat siya ng tingin.

Agad siyang napangiti sa nakita.

'Seriously, Alexandra, destiny's playing with us.' Sa isip isip na saad ni Rainier

Hindi siya nakasagot sa tanong ng babaeng kasama ni Alex dahil busy siya sa pagtitig kay Alex kaya't nagsalita ito.

"Tara na, Kyrah. Mukang ayaw ata niya. Thanks sa pag sagot ha?" Mataray na sabi ni Alexandra at nagpeke ng ngiti tsaka hinawakan sa kamay ang kanyang bestfriend.

'Kahit pala sa personal, masungit ka pa rin.' Nakangising isip ni Rainier.

Simula nung hindi matuloy ang kanilang dapat na pagkikita ay hindi na muli nagtext sa kanya si Alex. Ganun din naman si Rainier dahil sinusungitan lang anman siya nito kaya't tumigil na rin siya. Lumipas ang ilang linggo ay napagdesisyonan ng magulang ni Rainier na pag aralin ito sa paaralan ng kanyang pinsan kaya siya naruruon ngayon. Wala naman siyang ideya na dito rin pala nag aaral ang kanyang textmate at hindi niya inaasahang makikita niya ito ngayon.

Paalis na sana sila sa lamesang yun nang biglang bumungad sa kanila pagtalikod nila ang isang Josh Xavier Fontanilla na may dala dalang tray ng pagkain.

"Uy! Hi Alex!" Bati ni Josh sa kanyang crush at kinindatan ito at hindi pinansin ang kasama nitong si Kyrah na parang wlaa ito sa harap niya. Ngumiti lang si Alex sa kanya habang naka upo pa rin si Rainier sa kanyang pwesto.

WRONG SEND (Two shots story)Where stories live. Discover now