CHAPTER 4

9.3K 281 69
                                    

“You made a very smart decision. Ginagamit mo rin pala ang utak mo.” Wika ni Elijah pagkatapos niyang sabihin ditong pumapayag na siya sa alok nito kinabukasan. “Naalala ko na hindi pa pala tayo nakapagpakilala ng maayos sa isa’t-isa. Anyway, I’m Elijah Dominic Montano. And you're Diana, right?”
                         

“Diana Rabadon.” Maanghang niyang sagot.  “Pumapayag na ako pero bago ko pirmahan ang kontrata na iyan ay may kailangan lang akong linawin.”
                       
“Okay, go ahead..”
                        
“Pero bago ‘yon,gusto ko munang masigurong ipapagamot mo nga ang Nanay at kapatid ko. Gusto ko ring si Mr. Chua mismo ang mag-deklara na tantanan na niya ang lugar namin. At huwag mo ng idamay dito ang mga kaibigan ko.”
                       
“You have my word, Ms. Diana, or should I say, Mr. Diana?”
                        
Matalim niya itong sinulyapan. “Makinig kang mabuti at gusto kong tandaan mo ito. Sa papel lang tayo kasal kaya wala akong obligasyon sa’yo sa loob ng limang buwan. Maling hakbang mo lang ay siguradong tatamaan ka sa’kin o di kaya, magri-resign ako.”
                      
Muntik na siyang mapikon sa paraan ng pagtawa at pagtitig nito sa kaniya. “You’re very safe with me, Diana. Dahil hinding-hindi mangyayari ‘yang iniisip mo. Mukha ka pa ngang lalaki sa’kin eh.” 
                            
Aminado ang dalaga na nasaktan siya sa sinabing iyon ni Elijah pero hindi siya nagpahalata at saka totoo naman eh na sa ayos at kilos niyang iyon ay di hamak na mas lalaki pa siyang tingnan kaysa rito.

                               
“Pero limited ang rule na ‘yan. I mean, depende sa sitwasyon. Bilang ‘asawa’ ko ay kailangan mong gawin ang obligasyon mo sa’kin kapag kinakailangan. Like mag-pretend as sweet kapag nasa public tayo. Deal?”
                               
“Anong sweetness ‘yang sinasabi mo? Baka naman tsatsansingan mo lang ako non?”
                             

“Ha-ha. Hindi pa sira ang ulo ko no para pumatol sa isang tomboy. Baka ikaw pa ang mainlove sa’kin.”
                              
“Iyan ang pinakahuling bagay na gagawin ko, Mr. Montano. Itaga mo ‘yan sa bato!” Pagmamayabang pa ng dalaga.
                            
Nagkibit ito ng balikat. “Well, sabi mo ‘yan. Before anything else, gusto ko lang malaman mo na ayaw na ayaw ko sanang gawin ‘to lalo pa sa isang tomboy. But I have no choice but to take this chance. Ikaw na lang ang alam kong papayag sa deal ko na hindi maghahabol sa’kin and besides, na-realize kong malaking bagay din ‘yang pagiging tomboy mo at least kampante ako na safe ako kapag gabi.”
                          
“Talaga bang hindi mo ako titigilan sa pang-aasar?”
                        
“I’m just telling the truth..”
                 
“Ang sabihin mo, wala talagang ibang pumayag sa gusto mong mangyari dahil sa sobrang sama ng ugali mo.” Umuusok na ang ilong niya sa galit.
                   
“It’s your opinion. Anyway, tungkol don sa mga ipinangako ko sa’yo, don’t worry dahil nakausap ko na si Mr. Chua.  At ‘yong sa pamilya mo naman, nakahanda na ang kalahating milyon na ipambabayad ko sa’yo. Saka ko na ibibigay ang kalahati after our contract.”
                   
“Mabuti naman kung ganon. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi ako interesado sa isang milyon mo. Konting halaga lang para sa pamilya ko ay sapat na.”
                    
Imbes na sumagot ay matiim siya nitong tinitigan saka nagsalita. “Nabigo ka ba sa pag-ibig kaya ka naging tomboy? Kasi may hitsura ka naman sana eh.” Namula si Diana sa papuring iyon ng binata. “Lalo na kapag ganiyang nagba-blush ka.”
                  
“Puwede ba tapusin na natin ‘to? Napapayag mo na ako kaya huwag mo na akong bolahin pa.”
                   

Ang Astig Kong Pag-ibig (COMPLETED) (Published Under PHR)Where stories live. Discover now