Chapter Thirty Three

3.4K 54 1
                                    

Song for this chapter: Stay by Rihanna (feat. Mikky Ekko) - Boyce Avenue Cover

(A/N: Will probably take a break in writing after I finish this story.

Gusto kong mag-focus sa academics ko. Plus, nawawalan ako ng ganang magsulat sa ngayon. Madami akong drafts ng mga upcoming story, pero kung ma-po-post man iyon, mahahanap niyo siguro yun sa website.

Anyways, salamat sa mga nagbabasa kahit majority sa inyo ay silent readers. I really appreciate it.

Malapit na 'tong matapos. Mga walong chapters nalang po.) 

Chapter Thirty Three

Drunk Or Not


INASAHAN KO NA HINDI niya sasarapan ang niluto niya dahil sa inis niya sa'kin.

Pero mali pala ako. Masarap ang niluto niyang pinakbet. Tama lang ang lasa, at may pagka-maanghang ito. At mas na-sorpresa ako na alam niya ang ulam na ito.

"You look shocked," aniya.

"Hindi ko lang inaasahan na magaling kang magluto."

"I'm famous, but that doesn't mean I'm incapable of being domesticated."

"Wala naman akong sinabing ganon," depensa ko.

"But that's what you're probably thinking. That's what most people think."

Tumayo ako para ligpitin ang mga pinggan at kubyertos na ginamit namin sa pagkain, ngunit pinigilan niya ako. "I'll do that. You're a guest, so you're not going to do that."

Sanay na kasi ako na nagliligpit pagkatapos kumain. Simula nang namatay si nanay, nagtiyaga ako na matutunan lahat ng gawaing bahay. Siya kasi palagi ang gumagawa 'non, dahil puro aral lang ang ginagawa ko dati.

Ngayon, iba na ang responsibilidad ko. Bumuntong-hininga ako.

"Thank you," sabi ko kay Darius habang tinitignan lang siya na naghuhugas ng pinggan.

"I owe you one, so you shouldn't be thanking me."

***

Nalaman ni kuya Vaughn ang tungkol sa trabaho ko bilang photographer ng Crescent Victors. At hindi niya nagustuhan 'yon.

"Ano ba yang pinapasok mo, bunso?"

"Gusto ko lang naman po makaipon ng pera," paliwanag ko, "para sa kinabukasan namin ni Van."

"Pwede ka naman makaipon ng pera sa paraan na hindi mo siya nakakahalubilo," aniya. Bakas ang pagka-inis sa kanyang boses.

"Kuya, alam ko ang ginagawa ko."

"Oo, alam mo ang ginagawa mo. Ang sa'kin lang naman, gusto kong lumayo ka na sa lalakeng 'yon. Wala akong pakialam kung naka-move-on ka na o ano, pero sana naman at natuto ka na dahil sa nangyari dati."

"I'm wiser now, kuya."

"Oo, matalino ka. Madiskarte. Pero kahit gaano ka pa katalino, yang puso mo ang nagpapabobo sa'yo."

"Tito . . . Mmy?" Sumulpot bigla si Van na kakagising lang. Kinusot niya ang kanyang mata. Nagtataka niya kaming tinignan. "You fighting?"

Nawala ang tensyon sa'min ni kuya Vaughn nang binaling niya ang atensyon niya kay Van/

"Come here. Let's play, baby," ani kuya kay Van.

Lumakad ito papalapit sa kanya, at agad naman siyang kinarga ni kuya Vaughn. "What game?"

Controlled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon