v | Isabella

14.4K 362 58
                                    


Matapos kong nagsipilyo ay hinanda ko na ang sarili upang matulog ngunit napatigil nang marinig ko ang talak ng Inay ko sa labas.

"Saan na naman kaya naglalakwaktsa ang magaling mong anak? Hindi tuloy niya nakita ang mga anak ni Don Miranda! Kung gan'on lamang ay nabingwit na niya ang isa sa dalawang iyon. Kahit kailan talaga 'yang si Isabella, oo."

Lahat nalang ng inaalala ni Inay ay ang pagbingwit ng mayamang lalaki. Kahit kailangan nga naman...

"May sariling buhay ang anak natin... Bakit mo pa pinapakialamanan?" pagod na buntong hininga ni Itay.

"Anak mo lang. At bakit, ayaw mo bang maiahon ang sarili sa buhay? Buong buhay nalang tayong mahirap! Sawang-sawa na ako. Pinangako mo sa akin ang kayamanan at mga alahas, nasaan na? Wala! Kailangan ko pang pagtiisan ang sampid na iyan sa pamamahay ko." Napasinghap ako sa kanyang sinabi.

"Huwag kang sakim, kahit hindi nating tunay na anak si Isabella ay itrato mo naman siya bilang anak mo na rin. Labing walong taon na siya sa atin, hindi mo pa rin siya natatanggap," unti-unting tumulo ang butil ng luha sa aking mga mata. Pigil ang aking hikbi, natatakot na malaman nilang gising ako.

Ampon lang ako?

"Hindi pa ba kayamanan ang pagmamahalan natin?" dagdag ni Itay.

"Pwede ba? Tigilan mo na nga 'yan. Hindi na uso ang mahalan ngayon, kailangan ng mga tao ngayon ay pera."

"Hindi lahat ng may pera ay may magandang buhay..."

"Wala tayong pera pero hindi maganda ang buhay ko! Lintik naman kasi, bakit pa ako pumatol sa kagaya mong mahirap? Magsama kayo ng ampon na 'yan!" rinig ko ang malakas na lagapak. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa labas.

"Laitin mo na ako't lahat pero ayaw kong naririnig na nagsasalita ka ng masama tungkol kay Isabella!" Nanlalaki ang aking mata. Ngayon ko lang narinig ang aking Itay na pagtaasan ng boses si Inay. Ngayon lang...

"N-Nagagaw mo na akong saktan ngayon dahil diyan sa walanghiyang batang 'yan?"

"Oo! Anak ko si Isabella! Kahit na hindi ko siya kadugo at mahal ko siya. Huwag mo akong igaya sayong walang puso."

Blangkong napatitig ako sa kisame.

Matagal ng may galit sa akin si Inay, bakit ngayon ko lang napagtanto? Sa mga pinagsasabi niya sa akin ay masyado akong nabulag. Akala ko ay nagbibiro siya, ngunit hindi pala...

Mabuti pa ang aking Itay, mahal niya akong talaga...

Pigil ang akong pag-iyak dahil sa aking narinig. Puno ng paghihinagpis ang aking puso. Paano nila hindi sinabi iyon sa akin? Labing walong taon! Wala man lang silang binaggit tungkol doon.

"L-Leandro..." anas ko nang maramdaman ko siyang yumakap sa akin at inalo ako.

Hindi ko napalayan na nandirito na siya.

Hindi ko alam ngunit parang mas lalo akong naging emosyonal sa kanyang ginawa. Hindi lang pala puro sex ang inatupag, may kakayahan rin pala siyang mang-alo ng babae.
Marahan niya akong inihiga sa aking kama. Pinaloob ako sa kanyang bisig at mukhang wala akong balak na pakawalan. May sumilay na ngiti sa aking labi at unti-unting pinikit ang mata.

Inilapit ko ang sarili ko sa kanya at senswal siyang hinalikan. Marahan niya akong itinulak, "Ito ang gusto mo kaya ka nandito, di ba?" Kunot-noong tanong ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at iniling ang aking ulo.

"Hindi? Eh anong gusto mo?" Muli niyang iginalaw ang aking ulo. Taka akong napag-isip, kung ganoon ay ano ang ginagawa niya dito? Lagpas alas dose na sa pagkakaalam ko...

Muli ko siyang naramdaman nang yakapin niya ako. Napatanga ako sa kanya. Ayaw niyang isiping ako ngayon gabi?

Kinagat ko ang aking labi at isinubsob ang aking sarili sa kanya. Kusang pumulupot ang braso ko sa kanya na alam ko namang hangin ang mayayakap ko... ngunit hindi iyon ang aking inaasahan.

"N-Nayayakap na kita..." kinapa ko siya at naramdaman ko ang namimintog niyang muscles.

Hindi kaya bouncer itong si Leandro?

Lihim akong napa-iling at hinayaan na lamang ang aking sarili na kainin ng dilim sa bisig ni Leandro. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil gumaan ang loob ko sa kanyang mahiwagang yakap.

Masarap matulog lalo na't may yakap-yakap ka...

"Hmm, a-ano ba. Nakikiliti ako..." humagikgik ako nang may sumiksik sa aking kili-kili at pinaulanan iyon ng halik. Hindi iyon tumigil hanggang sa hindi ko inimulat ang aking mata. Kumunot ang aking noo, wala namang kumiliti sa akin.

"Leandro?" gulat ko anas nang lumipat ang kanyang ulo sa aking leeg pataas sa aking labi. "T-Teka..." marahan ko siyang tinulak. Napatingin ako sa kamay ko ngayon. Totoo ngang nahahawakan ko na siya!

"P-Paanong nandito ka? Umaga na," aking wika at nagtatakang inilibot ang paningin. Maliwanag na at tirik na tirik ang araw sa labas.

Nang maramdaman kong hahalikan niya muli ako ay tumayo na ako at lumayo sa kanya. "Maglilinis muna ako. Ang baho ko na, panis pa laway ko, hinalikan mo pa kili-kili ko. Baka maasim 'to."

Mabilis ako lumabas at nagbomba sa poso hanggang sa mangalay ang braso ko. Umaapaw na ang tubig at hindi ko man lang namalayan sa sobrang paglipad ng isip ko.

Paanong nangyari iyon? Tuwing alas dose ay nagpapakita siya at matapos niyang makatalik ako ay umaalis na siya agad! Nahahawakan ko na rin siya, ano 'yon, lumelevel na siya?

Buong gabi ay naroon siya sa aking tabi matapos na malaman ko na... na hindi ako tunay na anak ng aking kinagisnang mga magulang.

"Ay multo!" Napahiyaw ako nang may dumakot sa aking dibdib ang pagdikit ng kanyang katawan sa akin.

Pistingyawa naman oh!

Pati ba naman dito sa labas ng bahay minamanyak ako! Kumawala ako sa hawak niya at umirap. Mabilis akong naghilod bago magbuhos. Mamaya na niya ako akitin 'no, kailangan ko pang magluto ng agahan, magwalis, at maglaba! Marami pa akong gagawin at hindi ako magiging tatamad-tamad pag nandyan siya.

Saglit lang akong naligo, mamaya nalang sa batis.

Dumiretso na ako sa kusina at kahit doon ay hindi matigil ang paghawak sa akin ng senswal ni Leandro.

Ugh!

Sa gabi na nga hindi ako nakakatulog ng maayos, pati ba ngayong ngayong umaga ay mang-iistorbo siya?!




VOTE AND COMMENT GUYS! GUSTO KONG MALAMAN KUNG ILAN KAYO HEHE

GhostlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon