Chapter Two

9 2 0
                                    

[A/N: This chapter is dedicated to a person whom is very special to me, xoxdreamersxox. Thankyou extralarge bebe :*]

[Eloisa's POV]

Napakaganda talaga ng alibi ni Nick kanina. May pa'iyak-iyak effect pa sila ni Jasmine na nalalaman, kaya wala na ding nagawa si Mam kundi ang pauwiin ko. Ang ingay kasi nila kanina. Tumahimik lang sila nung pinayagan akong umuwi. *sigh* Mga paraan talaga ni Nick kahit kailan.
Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko na ang bahay namin. Malaki nga ngunit wala namang tao.
Ngunit sa pagkakataong ito ay bukas na ang ilaw sa bahay. Di ko alam kung si Kuya nga ba ang nasa loob dahil napaka'aga pa para umuwi siya galing sa part'time job niya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, ngunit wala akong nakitang tao sa sala. Umakyat na ako sa kwarto para makapagbihis.
Ngunit, pagbukas ko ng pinto ay may lalakeng nakatalikod. Hindi ito si Kuya, kilala ko to...
"Oh Earl, ta--"
Napahinto siya nang ma'realize niyang hindi ako si Kuya.
"Ahh. Eloisa."
Yan na naman ang matipid niyang pananalita.
"K-Kiel? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?"
Para bang wala siya lang siyang narinig. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad papunta sa pinto, at bago lumabas ay nagsalita siya,
"Sayo pala 'to. Dito ako tinuro ni Earl pumunta. Tsk, a fan of The Melodies, eh?" At tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko. Pagkalabas niya'y dali-dali akong nagbihis. Bumaba ako at naabutan si Kiel at Kuya na nasa sala. Di ko alam na magkakilala sila and I guess, barkada pa nga ata?
"KUYA! San ka na namang lugar nakahanap ng rambol?! Bat andami mong sugat at pasa?!"
Di mahilig sa rambol si Kuya, kaya nakakagulat makitang ganito si Kuya.
"Wag kang makialam dito Eloisa. Wag mo ako pagmukhaing mahina sa harap ng boss namin."
Halata pa rin na nasasaktan si Kuya dahil sa mga ngiwi niya tuwing magsasalita siya."Kiel! Kasama ka ba ng kuya ko noong nangyari sa kanya 'to?!"
Di ko mapigilang sumigaw kaya tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.
Inilagay niya lang ang mga kamay niya sa kaniyang bulsa at saka siya sumandal sa pader. Tumingin siya sa akin na para bang wala lang sa kaniyang umiiyak na ako.
"Ikaw Earl! Bahala ka na sa buhay mo! Ngayon pa lang, ihahanda ko na ang sarili ko na kahit anong oras, bangkay mo na lang ang uuwi sa atin. Eto? Eto ba yung part time job mo?! Tss. Pupunta na muna ako kay Mama, kailangan niya ako dun, tayo pala. Pero, asan ka?" Naglakad na ko palabas ng bahay para pumunta sa ospital. Gusto ko gumaan ang loob ko, gusto ko makita si Mama.
Pagdating ko sa ospital ay pumunta agad ako sa kwarto ni mama. Tulog siya nang dumating ako.
Sana nga, natutulog lang siya. Yung gigising siya mamaya, ipagluluto kami ng hapunan, at tatanungin ako ni mama kung kamusta ang naging araw ko sa eskwelahan.
Umupo ako sa upuan sa tabi ng kaniyang kama. Pinagmamasdan ko ang mukha ng taong rason kung bakit nararanasan kong mabuhay ngayon. Hinawakan ko ang kamay niya. Ang dating mga kamay na nagbibigay ng maiinit na yakap sa akin, ngayo'y unti unti nang lumalamig.
Pano ko masasabi sa kanya ang nangyari kay kuya? Baka mas lalong lumala pa ang kalagayan niya.
Wala akong alam sa nangyayari sa kanya. Ilag siya sa'kin nitong mga nakaraan. Pano ko din to masasabi kay papa na ngayo'y OFW sa Singapore.
Nasa kalagitnaan ako ng pag'iisip nang may narinig akong mahihinang katok sa pinto.
Dahan dahan kong inilapag ang kamay ni Mama. At bago ko tuluyang buksan ang pinto'y pinahid ko muna ang mga luhang kanina'y pumatak dahil sa mga tanong na iyon. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Kuya. Sinalubong niya lang ang mga tingin ko at saka pumasok. Kasama niya si Kiel na noo'y nakasandal sa may pader sa gilid ng pinto.
"Umuwi ka na Eloisa. Ako na magbabantay kay mama."
Lumingon ako kay Kuya na noo'y inilalapag ang mga dalang prutas sa lamesa.
Hinigit ko ang kamay ni Kiel para makapasok siya sa loob. Ayoko na makita ng mga tao ang sitwasyon namin dito sa loob. "Kuya! Ano na lang sasabihin mo pag nakita kang ganyan ni Mama? Hindi niya pa alam! Mag'aalala at mag'aalala lang siya sayo. Ako na kuya, umuwi ka na."
"E-eloisa. A-ano bang ingay yan?"
Napatingin na lang kami kay Mama na noo'y kakagising lang.
"A-ah, Ma. G-gising na ho pala kayo."
"Mam, hapunan po. Dala namin ni Earl para sa iyo."
Sabi ni Kiel habang inilapag sa lamesa ang mga dala niyang plastic.
"A-ah. Salamat iho. Sino ka nga ba?"
"Kiel po. Kiel Monteverde." Inayos niya na si Mama upang makaupo at inilapag niya na malapit kay Mama ang mga pagkain.
Hindi ko akalaing ang isang Kiel Monteverde ay kasama ko ngayon dito sa ospital at ginagawa ito sa isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

The Missing MelodiesWhere stories live. Discover now