Chapter 9 The End

24 0 1
                                    

Author.

"mamaya na lang natin to pag usapan erika, kailangan na ko sa labas." - paalam na naman ni migz.

"migz" - tumayo si erika sa kinauupuan nya. "Buntis ako."

Napatigil si migz sa paglalakad.

"anong sabi mo" - nakatalikod pa rin sya kay erika.

"buntis ako at ikaw ang ama ng dinadala ko" - erika.

Nilingon ni migz si erika.

"anong pinagsasabi mong buntis ka at ako ang ama." - naguguluhang tanong ni migz.

"tama ang narinig mo, nung araw na nakita ko kayo ng babae mo dun ko sana sasabihin na magiging ama ka na." - paliwanag ni erika.

"hindi akin yan." - migz.

"anong hindi sayo" - erika.

"hindi akin yang dinadala mo, malay ko ba marami kami." - migz.

Biglang sampal ni erika kay migz.

"hindi ako ganyang babae" - pasigaw na sabi ni erika. "ikaw lang ang minahal ko, ikaw lang ang lalaking pinagbigyan ko ng lahat lahat sa akin. Kung ayaw mo sa anak mo, ako ang pagpapalaki sa kanya kahit wala ka, hindi ka namin kailangan ng anak ko." - mabilis na umalis si erika sa harap ni migz.

Habang naglalakad ng mabilis iyak ng iyak pa rin si erika. Di na nya alintana na may nakakabangga na siyang mga tao sa daan dahil sa paglalakad niya na nakayuko.

Nang biglang hindi inaasahan.

---------------------------

Funeral.

"anong ginagawa mo dito migz" - si sam.

"gusto ko siyang makita" - iyak na sabi ni migz.

"migz ano ba, umalis ka dito" - saway ni sam.

"hayaan mo na sya sam" - pigil ni chez kay sam.

Habang papalapit si migz, lahat ng tao ay nakatingin sa kanya. Lalo na ang mga magulang ni erika. May galit sa mga mata nila habang papalapit si migz.

FLASHBACK.

Hindi na alintana ni erika na may mga tao na syang nababangga dahil sa kanyang pg iyak.

Napahinto sa paglalakad si erika ng may aleng lumapit sa kanya.

"miss okay ka lang, ayos ka lang ba.. miss".

Naglakad ulit si erika, naglakad ng naglakad hanggang mapapunta sya sa gitna ng kalsada.

"miss" - sigaw ng mga tao.

At may biglang di inaasahang paparating.

"yung babae nabangga" - sigaw ng ale.

Maraming tao ang nagulat sa mga pangyayari. Nagsilapitan ang lahat sa babaeng nabundol. Si erika.

END FLASHBACK.

"anong ginagawa mo dito" - papa ni erika. "ang kapal ng mukha mong magpakita dito, pagkatapos mong saktan ang anak ko at tinalikuran mo pati ang sarili mong anak." - giit at galit na sabi ng ama ni erika.

"gusto ko po syang makita tito" - iyak na wika ni migz.

Papalakad papalapit si migz sa katawan ni erika.

Napahawak si migz sa kabaong mismo ni erika. Nanghihina ang mga binting lumapit si migz, habang hindi pa rin tumigil sa kakaiyak.

"erika" - iyak na wika ni migz.
"patawarin mo ko, ang tanga tanga ko, ako ang may kasalanan ng lahat nang to" - migz.

Dear Diary, ( Short Story )Where stories live. Discover now