CHAPTER 19

33.5K 1K 11
                                    


Fourth Power

Her Pov.

Simula nang magising ako kaninang umaga wala akong mahagilap na lily and sheena. Even the boys hindi ko makita. Mag isa lang ako ngayon dito sa field at pinipilit ang sariling mag training.

"Lie.. where do you think are they?" I ask the little one on my side. Napatigil naman siya sa kinakain niya at tumingin sakin pagkatapos ay parang nagiisip sa harapan ko.

"Hindi ko alam. Maybe may pinagawa sa kanilang importante kaya wala sila ngayon?" Di seguradong sagot niya sa akin. Napabuntong hininga naman ako at napahiga sa damuhan.

Baka nga... Pero almost lunch time na wala pa din sila. Ang panget pala sa pakiramdam na wala kang kasama. Dati sa mortal world hindi naman ganito ang nararamdaman ko. I prefer to be alone always but now.. ibang iba na.

Nasanay na akong nandyan sila lily at palagi akong kinukulit. Pinikit ko ang mata ko at pilit na sinawalang bahala nalang lahat.

All I can here now is the voice of the wind. Ang sarap nang simoy nang hangin at parang dinuduyan ako.

Hindi ko na napansin pa at kusang naitaas ko ang kamay ko at parang may inaabot sa itaas. I feel it, how the air touch my palm. Parang kusang nawala lahat ng iniisip ko kanina at napalitan nalang nang kaginahawaan.

Naramdaman ko ang paglakas ng hangin sa paligid ko ngunit hinayaan ko lang ang katawan ko sa kung ano man ang ginagawa nito.

"Ay-anah" bigla akong napadilat at nanlaki ang mata dahil ngayon ko lang napansin na nakalutang na ang katawan ko sa ere.

"L-ie what's going on?" Takang tanong ko kay Lie na ngayon ay gulat na gulat na nakatingin sakin. Lumipad siya paikot sa akin at bakas sa Mukha niya ang pagkamangha.

"Your flying!!!!" Sigaw niya sa akin. Napatampal ako sa noo ko dahil Hindi ko alam kung paano ako bababa ngayon.

Hindi pwedeng may makakita sakin ngayon. Segurado akong magtataka silang lahat kung anong nangyayari sakin.

"Lie don't just fly around. Do something!!! Hindi ko alam paano bumaba" pagpapaalam ko sa kaniya. Bigla naman siyang napahinto sa kakaikot at mukhang ngayon niya lang na realised ang sitwasyon ko.

How come I can also control the air?

"So-rry ayanah hindi ko din kasi alam eh" napabuntong hininga ako at nagisip nalang ng ibang paraan. I close my eyes and feel the power of air. Pinilit kong isipin na baba ako hanggang sa maramdaman ko nalang ang damuhan sa paa ko.

Nang makababa ako tuluyan akong napaupo at gulat na gulat sa nangyari.

"Lie no one should know about this" paalala ko kay Lie. Kahit kina lily hindi nila pwedeng malaman to.

Mabilis naman siyang tumango sakin. This damn situation is getting on my nerves. Napatingin ako sa kamay ko at pinakiramdaman ulit ang hangin. Inisip kong gumawa ng maliit na hangin sa kamay ko at mabilis kong nakita kung paano nag Karoon ng bolang hangin dito. Winala ko naman kaagad dahil sa takot na may makakita pa.

"Why not magpahinga kana muna ayanah"

"Maybe That's a good idea. Hindi ko na alam pa kung anong nangyayari sakin. Baka sa susunod malaman ko nalang kaya ko nang bumuhay ng patay"

"Malay mo" sinamaan ko naman siya ng tingin. Nakukuha na niya ang ugali ko. Dapat talaga hindi ko na to pinapalabas sa kwentas. Nagiging matabil na ang pananalita ng alaga kong to.

"Ibitin kaya kita patiwarik" mabilis naman siyang lumayo sakin. Tinaasan ko siya ng kilay at sininyasang lumapit siya. Pero umiling lang siya sa akin.

"Let's go Lie. I'm just kidding. Gusto ko nang magpahinga at matulog nalang muna"

"T-alaga di mo ko bibitinin ng patiwarik?" Tumango ako para matapos na to. Nakakaramdam na ako ng pagod at gutom

"Yah! Kaya hali kana sa dorm" tumayo na ako nag pagpag ng pwet ko. Nakita ko namang lumapit na siya sa akin kaya nagsimula na akong maglakad pabalik sa dorm.

Nang bubuksan ko na ang pinto ng dorm ng bigla nalang may kung anong bagay ang humili sa akin and the next thing I knew I'm in the middle of nowhere. Damn na saan ako

"Lie!!" I shouted the name of my faefairy pero walang response. Wala siya dito. Hindi ko siya kasama.

Akmang matataranta na ako ng mapansin kong parang familiar sakin ang nangyayari ngayon. Hindi ako pwedeng magkamali. Ito yung napaginipan ko.

Shit!! Napatingin ako sa likuran ko at doon nakita ko ulit ang nilalang na nakita ko sa panaginip ko.

"Binibini..kinagagalak kitang makita muli" and that's hit me. Hindi lang basta bastang panaginip ang naranasan ko kagabi.

"W-hy?"

"Binibini...nauubusan ka na nang oras"

I don't get it. Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin. Nataranta ako ng mapansin kong unti unti siyang naglalaho.

"W-ait!!! Sandali lang!" Tinakbo ko ang pwesto niya ngunit hindi ko na siya naabutan pa at kusa nang naglaho ng tuluyan. And now I'm stock!! Hindi ko alam kung paano ako makakabalik.

Alam kong hindi na to panaginip pa. Talagang nasa gitna ako ng gubat at naliligaw.

I need to get out of here. Alam kong kapag nagtagal pa ako sa gubat na to baka hindi na ako sikatan pa nang araw. Hindi ko alam kung naramdaman ba ni Lie na nawala ang connection naming dalawa at hindi ko siya matawag.

Nagsimula akong maglakad hanggang sa matanaw ko ang isang lawa. Ngayon ko lang naramdaman ang uhaw at gutom. Simula kaninang tanghalian hindi pa ako nakakain dahil sa nangyari sa field at ngayon ito na naman.

Frustrated akong naupo sa batohan at tinanaw ang reflection ko sa tubig. Napahwak ako sa buhok ko at masasabi kong iba iba na ang ayos ko compare sa dati kong ayos.

"I'm totally different now" i let out a heavy sigh and look at the sky. Paano ako makakalabas ngayon dito?

"A-yanah!" Napaayos ako ng tayo dahil sa narinig ko.

"LIE!" Shit thank God!. Pinikit ko ang mata ko ang pinakiramdaman ang presenya ni Lie. I need to connect to her.

"Lie"

"Ayanah!!"

"My God! Please let me get out of here. Nawawala ako ngayon"

"Where are you?"

"I don't know. I'm in the middle of forest at hindi ko alam paano ako napadpad dito"

"Gubat? Anong gubat?"

"Ewan ko basta nasa harapan ako ngayon ng lawa"

"Ayanah!"napakunot ang noo ko ng marinig ko ang boses ni Hance.

"H-ance?"

"Yes it's me. Can you describe what forest are you in right now?"

Minulat ko ang mga mata ko at tinignan ang paligid.

"I can see some tall trees, tapos may lumang lawa sa harapan ko ngayon. Mukhang hindi na umaagos ang tubig at halos meron ding mga tumbang puno. That's it..wala na akong makita pa"

"Shit! Just stay where you are. We already know where you are right now. Please wag kang aalis sa kinalalagyan mo ngayon"

"O-k"

"Good" after he said that nawala na ang mga boses na narinig ko. Napasalampak naman ako sa batohan at napahilamos ng mukha. Calm down ayanah. Parating na sila.

The Lost Powerful Goddess Of The Lost MertrinizWhere stories live. Discover now