CHAPTER THIRTEEN (HBD XL Part Two: The Secret Kiss)

61 2 0
                                    

PAGKATAPOS naming kumain ay agad kaming pumaikot sa bonfire. Si Alex ang kumuha ng isang bote at inilagay sa gitna namin.

"Spin the bottle tayo, guys. Truth or dare lang ang pagpipilian."

"Alangan," sabad naman ni Nicko na natatawa.

Marahan naman siyang kinutusan ni Alex. Agad namang inilapag ni George at Bettina ang mga alak na dala-dala ng una.

"Uy, bawal ang alak," ani Armina.

"Huwag ka ngang KJ, Armina! Iyong mga may gusto lang ang puwede, okay?" sabad ni Vanessa habang sinasalinan ang sarili niyang baso.

"Huwag kang mag-alala, punch drink lang ang pupuwede sa inyong mga girls," ang pamamagitan ko sa usapan nila.

Si Geo ay sinalinan ang baso na tangan-tangan, habang si Bettina naman ay binigyan si Alexandra ng punch drink. Pati ang mga kaibigan ni Armina ay kumuha rin ng kaniya-kaniyang iinumin.

Si Bobby naman ay mas pinili ang matapang na brandy. Nagkaniya-kaniya na kaming puwesto. May music na tumutugtod na galing sa loob ng villa.

"Ako na ang unang magtatanong, huh, guys?" Mabilis na iniikot ni Alex ang bote na nasa gitna namin. Tumapat ang bote kay Nicko.

"Oh, men, ba't sa akin agad?" kunwaring pag-iinarte ito.

"Truth or dare? Ang 'di makakagawa ng anuman sa truth at dare ay iinom ng vodka!" tatawa-tawang sabi ni Alex kay Nicholas.

"Dare na lang."

"Sure ka?"

"Oo."

"Sige, I dare you na alisin yang top mo!"

"Madali lang naman pala, eh! Ikaw, Alexandra, ah. Gusto mo lang makita ang abs ko, eh!" pang-aasar naman ni Nicko.

"Kapal mo naman!"
Matapos maghubad ni Nicko ay agad naman niyang inikot ang bote. Tumapat ito kay George na sinasalinan sa pangalawang beses ang basong iniinuman.

"Ikaw na, pareng Geo! Truth or Dare?" ang masaya pang tanong ni Nicko rito.

Dahil sa likas na tahimik ang kaibigan naming si George ay hindi siya agad umimik.

"Hoy, I'm asking you, pare! Truth or da. . ."

Pero 'di na pinatapos ni George ang tanong agad nitong sinalinan ang hawak na baso ng vodka.
Hindi ko napansin na ubos na pala ni Geo ang alak na kalalagay niya kanina. Parehas kami nito na JD ang iniinom. Marahan naman itong siniko ni Betty.

"Uy, hinay-hinay lang, Geo," tila nag-aalalang sabi naman nito.
Ngumiti si George. "Dont worry, I can manage."

"Iikot mo na na nga, Geo! Mamaya na kayo maglambingan. Nilalanggam na kayo sa sobrang sweet."

Agad namang iniikot nito ang baso at dumako ang nguso kay Mikaela.

"Truth or dare?"ang nakangising tanong ni Nicko.
Malakas siyang siniko ni Alexandra.

"Uy, Nicholas Premiro, ba't ikaw ang nagtatanong? Dapat si Geo! Papansin ka. Type mo siguro si Mikaela!"

"Uy, 'wag ka nga! Tinutulungan ko lang si George."

"Sus, deny pa!"

Then nagtanong na si George na sinagot naman ng nakangiting si Mikaela.

"Truth na lang," nahihiya pa nitong sabi.

Matamang nag-isip si Geo. "Bat pala 'di ninyo isinama mga nobyo ninyo nitong si Luisa?"

"Wala namang BF na dapat isama sa part ko kasi kaka-split lang namin last vacation. Ewan ko lang kay Bestie Luisa. Hindi pa yata siya nagkakanobyo."

✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora