BFKSP 1

814 46 7
                                    

#Bfksp|Party

"Aila-baka di tayo papasukin!" pabulong na sabi ni Rica sa kanya. Para kami ngayong villain na nagtatago sa bushes. Pero syempre yung mga uri ng villain na pag nahuli ay papakawalan agad dahil sa mala-dyosang kagandahan.

Wag na kayong magtataka sa ginagawa.namin ngayon, masasanay rin kayo. *WINK*

Ahihi. May party kasi ang kaso hindi kami invited kaya gagawa nalang kami ng paraan para makapasok. Ang galing diba? Exciting!

Kahit nakakawalang poise ang ginagawa namin, ayos lang. Kasi hindi basta-basta ang mga tao na nasa loob. At kung papalarin, ma-me-meet ko narin sa wakas ang fantasy man ko. Ang future King na ngayon ay Crown Prince ng Korea-- si Prince Marcus Alexis Forteza!

Kyaaaaah!! I'm super excited.

^_____^

Teka muna-- paano ko nga ba nalaman yun? Hala! Ba't wala yata akong ma-alala? Ay ewan! Basta ang mahalaga, makikita ko narin sya. Dati sa magazine ko lang sya tinitingnan, pero ngayon--

Omigush I could faint. Sa sobrang excitement na nararamdaman ko, hindi pa man ay pinagpapawisan na ako.

Kung nagtataka kayo kung bakit hindi kami invited e di ko rin alam, siguro kasi, kahit mayayaman kami hindi naman kami kabilang sa mga hanay ng may dugong bughaw. Pero di bale-- makakapasok naman kami by hook or by crook. Muahahahaha!

"Let me handle this!" nag wink pa si Aila bago kami senenyasan na sumunod sa kanya. Eh? Anong gagawin nya?

We fixed ourselves saka sosyal na sosyal na naglakad palapit sa mga guards-mukha silang masungit. At at naka tuxedo silang lahat.

Kahit mga security guards nila ibang klase!! Ang popogi. Ang galing!

Bumulong si Aila sa isa sa mga nakatayo na kung hindi ako nagkakamali ay syang pinaka-lider nung mga guards. Dahil naka distansya kami ni Rica, hindi namin narinig kung anumang sinabi nya and then--

Voila!

Pinapasok kami? Akalain nyo yun? Bilib na talaga ako kay Aila. Ano kayang klaseng pang-uuto ang ginawa nya dun? No offense meant ha, pero dyan kasi sya magaling, sa pang-uuto.

-____-

Ako nga pala si Kara Gail Feistin. 19 years old at nag-aaral sa toooooot University. Anak ako ng may-ari ng Marky Poly Group of Companies. Mga close friends ko ang kasama ko, sina Aila Louise Lim na anak ng may-ari ng school at si Rica Chua na anak naman ni Mr. Frederick Araneta Chua, isang business tycoon.

Sobrang mahilig kami sa party. Lalo ng mahilig kaming mag crash ng party. Yeey! Parang ngayon lang. Winks.

Sa wakas nasa loob narin kami. Hindi nanaman bago sa amin ang makipagsosyalan sa mga mayayaman but this time is different dahil nga mga dugong bughaw ang naririto. Kailangan naming mag level up dahil syempre mas matataas na uri ng tao ang naririto.

Nasanay ako sa mga party, pero ibang klase ang party nila! It's beyond an ordinary person could ever imagine. Kung inaakala ng lahat na sosyal na kami, pwes I'm telling you-- mas sosyal at elegante ang party na ito. Dito mo makikita ang mga tao na aakalain mong hindi nag-eexist sa totoong mundo. Parang-- fairy tales lang! Masyadong pormal sila kung mag-usap usap. Ang paraan ng pagkilos at pagtingin nila, ganun din ang pagtawa. Pati ang pagngiti ay eleganteng elegante.

Teka-- Nasaan kaya si Prince Marcus? Andito kaya sya? Well uhm yun ang alam ko pero kanina pa ako palakad lakad para hanapin sya hindi ko naman sya makita. Sina Rica at Aila lumalablayp na. Este-- Hinahanap pala ang lablayp nila. Parang ako lang din. Kanya-kanyang diskarte kami ngayon.

Boyfriend ko si PANGET [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now