Chapter 6 : Perfect to worst

14 1 2
                                    

STEFFANI'S POV

Di ko alam kung bakit sya. Bakit nga sya pa. Oo alam ko maraming nag kakandarapa sakin. Pero sya lang ung kaisa-isahang lalaki na nag paramdam sakin na hindi ako ganon ka espesyal, ganon kaganda kaya nga ginagawa ko ang lahat para ako ung mapansin nya. Useless man tong katangahan kong to but I really want him to be mine.

Nakita ko sya papunta sa pool ng school kaya sinundan ko siya. Sa di ko alam na gagawin tinawag ko siya.

"Rj!" Tapos tumakbo ako papalapit sakanya. Hindi sya sumagot at tiningnan ako, na para bang hinihintay ang iba ko lang sasabihin.

"Rj. Gusto ko lang sana ibigay sayo to oh." Tapos inabot ko sakanya yung mars na chocolate bar.

"Salamat." Kinuha nya iyon ngunit kanyang ibinulsa.

"Ahh hindi mo pa ba kakainin Rj ? Baka matunaw yan." Ani ko sakanya.

"Ahh. Ganon ba. May gagawin pa kasi ako e. Mamaya nalang" aishh may nakasulat kasi sa balat nun kaya gusto kong buksan na nya.

"Ahh wait. Diba tapos na training nyo ng basketball ? Pasan ka pa ?" Tanong ko.

"Sa swimming pool."

"Ano naman gagawin mo dun."

"Pwede bang wag ka nalang mangealam ?" Kalma nyang sabi pero nararamdaman ko dun ang pag kairita nya.

"Saglit may papakita lang ako." Hinila ko sya tapos kinuha sa bulsa nya ang chocolate at binuksan iyon, hindi nga ako nagkamali na ipersonalize itong mars na to.

"Rj I like you, is there any chance that you like me too ?"

Yan ung nakalagay sa sulat. Iniharap ko sakanya iyon at nag paliwanag. Para naman akong nabagsakan ng langit ng . ..

[Play nyo po ung before I let you go]

"Staffani. I'm sorry you're gorgeous and all but I don't like you."

"Rj sa lahat ng bagay nabibigla tayo pag katapos nun tsaka ka may marerealize na kung ano. Sabihin mo Rj nabigla ka lang?"

"Oo nabigla ako sa pag amin mo pero hindi sa sagot ko. I'm sorry Steffani kung ako sayo mag hanap ka nalang ng iba." Pag kakasabi nya nun tumalikod sya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya hinila ko sya paharap sakin at hinalikan ko sya. Aking idiniin ang aking halik sakanya at pilit kong ginagalaw ang aking bibig ngunit. ..

"ANO KA BA STEFFANI ?! AYUSIN MO NGA YANG SARILI MO ! NAG MUMUKHA KANG MALANDI NA DESPERADA!" Sinigawan nya ako at di ko na mapigilan ang luha sa mata ko na gusto ng pumiglas kanina pa. Napaluhod ako sa harapan nya at umiyak ng umiyak.

"Steffani, I'm sorry dahil di kita magustuhan pabalik sorrry sa nasabi ko. You're such a pretty girl kaya makakahanap ka din ng lalaki para sayo. I'm pretty sure na maraming nag kakandarapa sayo dyan."

" OO RJ! TANGA AKO PARA IKAW PILIIN KO." Sa sobrang nasasaktan ako gusto ko ilabas lahat. " Bakit kaba ganto ha. Nag kagusto lang naman ako at unti unting nahuhulog sayo. Ganto ba kasakit pag nagmamahal ?! Bakit hindi mo masuklian ?! Sabi mo maganda ako. Bakit ganon ? Ni minsan di moko mapansin."

"Stef--" pinutol ko ang sasabihin nya at. ..

"Pero salamat. Dahil sayo ginanahan akong pumasok araw araw. Salamat, kasi dahil sayo naging nas maayos ako. Dahil din sayo ginalingan ko pa ang pagiging isang model para lang makasama ka sa shootings. Salamat sa lahat, mag kaibigan nalang pala talaga tayo. Salamat sa pag gising sakin sa katotohanan."

"I'm sorry Steffani." Di ko na papakinggan an sasabihin nya at umupo sa bench na malapit sa pool area.

Nakita kong pumasok sa pool si Rj. At nakipag usap sya kay Diann.

Unknown Love Where stories live. Discover now