♤Chapter 16♤

2.4K 59 0
                                    

*Miracle's POV*

"Hey!are you two okay?"humahangos na pambungad ni Aren sa amin. Dinala kami ni Johann dito para ipagamot ang mga galos namin at malagyan ng ointment ang mga pasa namin pero pagkahatid niya sa amin ay umalis din agad ang mokong.

Tiningnan ko ang muka ni Yrah,mukang napuruhan ata siya,hula ko nanlaban ang bruhang to kaya yan ang natamo niya.

"Buti hindi sinira yang ilong mo."natawa ako sa sinabi ni Aren.

"Yang ilong mo kaya ang sirain ko,lumayo ka nga sa amin Villanueva,wala kang kwenta,nasan ka nung kinailangan ka namin,mukang inuna mo pa ang mga bagay na ginagawa mo tuwing lumalayas ka ng bahay,alam mo kung may lakas lang ako ngayon kanina ko pa pinilipit yang leeg mo!"tawa lang naman ang ganti ni Aren sa kanya.

"Sa totoo lang gusto rin kitang tadyakan sa muka,pero masisisi ka ba namin..."hindi ko alam kung gaano kaimportante ang mga bagay na ginagawa niya kaysa sa amin. Ang hinayupak na to ano ba kasing pinaggagawa niya sa buhay maliban lang sa pagsasanay niya na mamahala sa company nila.

"Im sorry."nakayuko siya ngayon sa harap namin ni Yrah,his voice is sincere and full of seriousness.

"Wala ng magagawa yun,magpabugbog ka muna sa tatlong sumo restler bago kita patawarin,diba Mira!"napatawa lang ako ng masira ang muka ni Aren.

Tapos na na gamutin ang mga natamo naming pasa at sugat,kaya pinauwi narin kami at binigyan ng reseta para sa mga pasa namin.

"Yrah...ang cute mo pala kapag may black eye ka,siguro mas bagay sayo kapag magkablack eye din yang isa mong mata,magmumuka ka ng panda,bakit di mo pa pinasuntok yan-aww!"napatiklop ng katawan si Aren ng sikuhin siya ni Yrah ng napakalakas at lalong napahigpit ang hawak niya sa manobela ng sasakyan.

"Gusto mong paliguan ko ng pasa ang pinakamamahal mong pagmumuka?huh!"

"Pinuri na nga kita ayaw mo pa-aruy!"

Napailing nalang ako,hindi talaga dapat pagsamahin ang dalawang to,madidisgrasya kami kagagawan nila eh.
"Hoy!kayo gusto niyong pagumpugin ko kayo!umayos kayo gusto ko pang mabuhay!"palihim pang dinilaan ni Aren si Yrah akala niya di ko nakita yun. Napairap lang si Yrah. Dapat pala ako sa passenger's seat at si Yrah dito sa backseat.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan natin,mabunggo pa tayo!"si Yrah na may kasamang tadyak sa paa ni Aren. Bahala na nga kayo sa buhay niyo.

I let my head rest,sumandal ako bintana ng kotse tutal naman nakasara yun.
Pakiramdam ko ngayon may nagkulang sa akin. Hindi ko nga lang alam kung ano yun.

Ginalaw ko ang kaliwang braso ko,kakagaling nga lang nito  nadisgrasya na naman sana hindi bumukas ang tahi nito.

"Akala ko ba bawal muna akong magkarecord sa hospital?"yun ang sabi nila.

"Nung nakaraan yun,pero napatunayan namin na hindi ikaw ang puntirya ng mga assassins na yun at ang Sync pala,mukang paranoid lang kami. Pasensya na."si Aren.
Inakala nga nila na ako ang puntirya para pangpain ng kalaban laban sa kanila.

"Bakit niyo naman kasi naisip yun."i blurted.

"Ganon kasi sa mundo namin,gaya ng alam ng lahat kapag hindi agad nagawa ng kalaban ang misyon niya pupuntiryahin niya ang kalapit na tao o mahal sa buhay ng taong puntirya nila."napatango nalang ako alam ko naman yun.

"Palagay niyo, sino ang babaeng yun na kumidnapped sa amin?"

"A woman?"

We just nodded.

"Anong kailangan niya sa inyo?"naguguluhan niyang tanong. Wala akong alam sa nangyayari kaya wala kong maisagot. Im just a victim here.

"Ginawa niya lang siguro yun para lumabas si Ramirez at nandon ako at nahuli siya sa akto kaya nadamay din ako. Ginamit niya si Mira para magpakita sa kanya si Johann,ngayon masaya na ata siyang napatunayan niya na importante si Miracle para kay Johann. Tsk!"napipi ata ako sa sinabi ni Yrah. Kalaban ba ni Johann ang babaeng yun? Am i important for that man,i doubt it. Bakit biglang nadawit ang pangalan at pagkatao ko?

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon