Thirty Two

310K 8.4K 1.6K
                                    

Aaliyah


Babalik sana kami sa loob ng pasilyo kaso hinigit ko ang kamay ni Ash, nagtataka siyang tumingin sa direksyon ko kaya wala akong nagawa kundi hilain siya patungo sa taas ng hall, may nakita kasi akong daanan papunta doon. Hindi naman siya nagtanong pa at nagpahila nalang.


May mangilan ngilan kaming nakakasalubong pagkatungtong namin sa ikatlong palapag.


May napadaang lalaki sa gilid ko, bigla akong nangilabot dahil nakatutok ang kanyang paningin sa dibdib ko, tatakpan ko sana 'to kaso biglang hinarangan ni Ash ang paningin nung lalaki kaya nabaling dito ang kanyang atensyon.


"What the fvck are you looking at?"


Kinuwelyuhan niya ang lalaki at doon nalang niya napansin kung sino ang kaharap niya. Labis na nanlaki ang kanyang mata at paulit ulit na yumuko. "S-sorry po king." Kaso mukhang walang naririnig si Ash at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakasakal sa'kanya, gamit ang isang kamay nagawa niya itong buhatin sa ere.


"A-Ash tama na." Lumingon siya sa'kin kaya agad kong hinawakan ang pisngi niya. Narinig ko na bumagsak ang lalaking hawak niya, kinuha na niya ang oportunidad na tumakbo habang nakalingon pa sa'kin si Ash.


"That bastard, if only you shouldn't wear something like that." Tinanggal ko ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya at inilagay 'yon sa bewang ko saka ko itinaas ang kilay ko. I took off my mask at itinapon 'yon sa dibdib niya. I just got my period a while ago so maybe pms-ing strikes again, but how dare him put the blame on me when in fact siya naman ang pinagkakaguluhan ng mga babae kanina and I can't even do anything. Ni hindi ko nga siya kayang angkinin sa harapan ng lahat tapos ngayon argh! Just so you wait and see Mr. Reagan, don't mess up with me while I'm on my period.


Medyo nagulat siya sa ginawa ko pero mabilis akong tumalikod at naglakad,


"What the hell are you doing Aaliyah?" 


"Magpapasundo kay Ark, uuwi na tapos magpapalit ng damit, 'yon naman gusto mo diba?"


Dumungaw ako sa mga bampirang nagsasayaw sa baba, hinanap ng mata ko si barko, saktong napatingin ako sa gawi ng queen kaya agad kong namataan si barko sa tabi niya. Baba sana ako sa hagdan kaso naramdaman kong hinigit niya ang braso ko.


"Are you mad?"


"Hindi."


Binawi ko ang kamay ko at hinawakan ang suot kong gown para 'di ko 'to maapakan. Pagkatungtong palang ng paa ko sa unang hagdan naramdaman kong hinila niya ako mula sa bewang at isinandal sa pader sa gilid.


"Tell me what's going on."


Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa mukha ko. Napatitig ako sa mata niya, mas lumalim pa ang mga abo nitong kulay. Marahan ko siyang itinulak pero hindi siya nagpatinag, plano ko kasi sana na magkaroon ng konting hangin at umiwas sa maiinit na mata ng mga bampira na nasa ibaba pero it turns out na sinumpong na naman ako dahil sa bampirang nasa harapan ko ngayon.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now