ETERNITY 23: Arthur Jacob Greene

7 1 0
                                    


Arthur's POV

Andito ako ngayon sa bahay at kasalukuyang madaming tao dito dahil Pasko nga. Nakakapagtaka lang at wala si Christian dito.

"Pre, merry Christmas!" bati sa akin nina Topher pagpasok nila ng bahay.

"Merry Christmas din." bati ko pabalik.

"Si Christian dude?" tanong ni Adrian.

"Hindi ko nga alam. Kanina ko pa nga rin hinahanap at tinatawagan. Mukhang walang balak magparamdam."

"Mga dude, di ba kayo na-inform? Nasa Palawan ngayon ang Christian the Great." -Gab

"Yeah. He's in Palawan. Noong isang araw pa ata." -Daryl

"Woah. Nasa bakasyon naman pala eh." -Bryan

"Himala at nagbakasyon." -Topher

"Sya lang?" tanong ko.

"No. He's with Laine." -Gab

"LAINE?!"

"Yes. Why?"

"Silang dalwa lang?"

"Oo."

"Alam nyo, ang swerte lang ni Christian. Sya ang bukod tanging lalaki sa campus na nakasama si Laine sa bakasyon." -Topher

"Yeah. I second the motion." -Adrian

"Buti in good terms pa rin kayo 'no kahit linigawan mo dati si Laine?" -Bryan

"Uhh..yeah." oo nga pala. Di nila alam ung plano namin ni Christian.

Nagpaalam na muna ako kina Topher at pumunta munang labas.

Why do I have this feeling na pinagtataksilan ako ni Christian? I mean, bakit kelangang pumunta nila ni Laine sa Palawan nang silang dalwa lang? Parte pa rin ba un ng plano nya? But no. I know that Christian will never turn his back to me. Maybe I should talk to him about this.

Nagawa ko lang naman ang bagay na 'to because I like Laine that much. Sya lang ang babaeng nagustuhan ko nang ganto and I don't want to lose her. I'm thinking na baka pag nasaktan sya kay Christian, magkakaroon ako ng chance para makuha sya.

Actually, hindi naman ako nagseseryoso sa babae dati but when Laine came in my life, dun lang ako nagdecide na magseryoso.

*FLASHBACK*

Andito ako sa soccer field ngayon at nagprapractice ng archery. Konti na lang naman ang estudyante dito dahil maggagabi na naman pero ako, nandito pa rin dahil nga nagprapractice ako mag isa. May laban kasi ako bukas at gusto ko, masanay ako.

Target ko ngayon ay ang puno sa dulo nitong soccer field. May pagkalayo kaya kelangan kong magfocus.

Itinapat ko na ang bow & arrow ko sa target ko at nang irerelease ko na ang pana ay biglang may dumaang babae kaya sa gulat ko ay nairelease ko agad ung pana.

"MISS TABI!" mukhang di nya ako narinig dahil tuloy pa rin sya sa paglalakad hanggang sa muntikan matamaan ang mukha nya pero siguro, sadyang mabilis ang reflexes nya at nasalo nya ung pana.

Linapitan ko na sya para magsorry sana.

"Miss I--" wait, is this Ever Laine Lee?

"Are you trying to kill me?!" hala. Nagalit tuloy. Pero bakit ganun? Galit na nga sya, nagagawa pa rin nyang maging maganda?

"Look, I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya. I was about to release the arrow nang dumaan ka."

"So kasalanan ko pa ngayon?! Eh meron naman kayong mga archers na sariling field para pagpractice-an ah?! Bakit dumadayo ka pa dito sa soccer field?!"

"Wait, pano ka naman nakakasiguro na from Archery Class ako?"

"Uniform. Duh." napatingin naman ako sa suot ko. Oo nga 'no? Tanga ko talaga. Hahaha!

May coat kasi ang uniform ng FSA na navy blue ang kulay, sa right side ay ang logo ng school namin then sa left sleeve, may nakaburda na logo ng kung saang section ka kabilang at sa baba nito ay nakalagay kung saang class ka kabilang kaya pag nakauniform ka, identified na kung saan ka kabilang. Maliit lang naman ung text ng kung saang class ka kaya hindi naman sya corny tingnan. Classy pa nga ang dating eh gawa nung logo na shape ay armor. XD

"Hahaha! I wonder kung paano mo nabasa na from Archery Class ako eh ang liit lang naman ng text."

"You're the famous playboy of FSA."

"Oh. So tell me, are you one of my girls?" then I smirked at her.

"I'd rather die than to be one of your girls." and with that, binato nya sa akin ung pana ko.

Iniwan na nya ako at naglakad na papuntang building ng Artists Section. I looked at her coat at dun ko nalaman na from Artists Section pala sya, Dancing Class.

The next day, inabangan ko agad sya sa room nya. I really can tell that she's very beautiful..and unique. We're not that close ni Laine but I'm thankful na nagcross ang landas namin kahapon. Minsan ko lang kasi sya makita dito sa campus, siguro dahil malaki din ang FSA.

I did a research about her at dun ko nalaman na lahat ng nanliligaw sa kanya, pinahihirapan nya at b-busted-in din naman sa huli. Ganun daw kasama ang ugali nya which is mas nakakachallenge.

She's good in playing chess. Pangita naman nung nakalaro ko sya to think na chess is the other sport I play aside from archery.

Simula nun, linigawan ko na sya, I did so many efforts just to make her say yes pero I think it's not enough.

"Ever Laine Lee, I like you so much. Will you be my girlfriend?" I asked her while smiling then gave her a bouquet of flowers. I know this time, sya ang babaeng seseryosohin ko.

Kinuha ni Laine un and what she did shocked me. Tinapon lang nya sa basurahan ung bouquet, not knowing na I'm the one who planted those flowers.

"To inform everyone in here, I don't know kung sino itong lalaking ito so please, clean those trashes. And you, lakas ng loob mo tanungin ako kung pwede mo akong maging girlfriend, well sorry young man, HINDI KITA KILALA." tumawa lang sya and left me here, dumbfounded.

I can hear ang pagbubulungan ng mga estudyante about sa akin at noong mawala na ang nga estudyante sa paligid, agad akong linapitan ni Christian pero yumuko lang ako at di ko na napigilan ang luhang kanina pa gustong lumabas sa mata ko.

"I told you." I heard Christian said.

"Christian.." tiningnan ko sya at nakapamulsa lang sya.

"Oh?"

"Can you do me a favor?"

"What?"

"Ruin her life." nakita ko namang nagulat sya sa sinabi ko.

"WHAT THE FUCK ARE YOU THINKING?!"

"Make her fall in love with you and once she fell for you, leave her broken."

"But bro.." halatang nagdadalwang isip sya dahil sa reaction nya.

"Please Christian. I know you can do it." of course he can do it. He's Christian the Great afterall.

He paused for a moment and later on, he looked at me.

"Damn! Fine! I'll do it."

"Thanks bro." tinapik ko lang sya sa balikat at naglakad palayo.

*END OF FLASHBACK*

And until now, I'm looking forward to our plan and I'm gonna make sure, Laine will be mine after this.

FSA Series #3: For Ever [ON-HOLD]Where stories live. Discover now