DP ako ni crush! [ONE SHOT]

66.7K 1.3K 472
                                    

wahaha...bigla kong naisip to.xD
sana po magustuhan nyo kasi nag enjoy ako habang sinusulat to! :D
comment po kayo if you like.haha..

love love love <3

friends, kung ok lang sa inyo patulong naman po kung okay lang yung story kong "MISS HOPELESS ROMANTIC'' ..nasa external link po yun.haha.salamuch <3

========================================================

Ang saya saya ng araw ko. Amazing! Yung tipong sa sobrang exciting e pwede ng pang one shot story sa wattpad. DUH! 

Ngayong araw, natakid ako sa daan.

Hindi ako nakaupo ng ayos sa dyip kasi madamot yung katabi ko, feeling sofa nila yung upuan. Nakakain ko pa yung buhok nya, akala mo nasa commercial ng pantene eh puro split ends naman!

Hindi na nga ayos ang upo ko, hindi pa ako nasuklian nung binging driver. Ayaw kasing maglinis ng tenga. Pero feeling ko nananadya yun. Errrr.

Muntik pa akong mabanga nung malaking FLAMMABLE TRUCK kasi pashunga shunga yung driver! Kita na nyang tatawid ako e dalas dalas pa din. 

Mahaba ang pila sa bumibili ng paborito kong rice stop at naubusan ako! Tiis tiis tuloy ako dun sa mas mahal na kainin.

At higit sa lahat nabugnot lang ako ngayon sa semi finals namin sa Differential Equations. Hindi kasi ako nakapag aral ng ayos, maingay kasi kagabi sa kapitbahay namin, may birthdayan so natural may magdamag na concert! 

Pero bawing bawi na lahat ng kamalasang yan nung makasalubong ko si CLIVE JERALD MONTENEGRO (dapat buo ang pangalan kasi buong buo ang PAGMAMAHAL ko sa kanya!) kasama ang tropa nya. Tinukso ako ng friends nya sa kanya na ikinakilig ko. Ang mas ipinagbunyi pa ng mga bacteria sa tyan ko ay ang pag NGITI nya sa akin! Narecord sa utak ko kung papaano nagcontract yung mga muscles nya sa mukha at naging isang nakakamatay na ngiti. Grabe, para syang heavenly body kanina! Ang kinis ng mukha nya tapos ang puti puti pa, tapos parang gustong gusto nya talaga akong batiin(Assume assume din pag may time).Genuine ang smile eh! Nagslow mo ang paligid at nablur na lahat ng kasama nya. Gumaan ang pakiramdam ko, nagsipag awitan ang paligid at feeling ko may liwanag na ang madilim kong buhay! HEAVEN ON EARTH! Dahil dyan kakalimutan ko na lahat ng pangit na nangyari sa akin ngayon. Smile Jamie na ulit!

Hays.Kung pwede nga lang sanang maging MAS thrilling ang buhay ko! Kaso ano mang pilit kong isipin, ano mang pag eeffort ang gawin ko para maging productive ang mga oras ko, wala namang mangyari. Lagi na lang akong palpak, galit nga ata sa akin si pareng tadhana.

Ang buhay ko kasi, ayun, plain lang. Katulad mo, kain,tulog lang. Tapos parang fill in the blanks. Kulang kulang nga kasi ako, e hindi naman February 29 birthday ko. Saklap. 

Ako.Bitin sa height. Kapos na nga sa talino, pinagkaitan pa rin sa ganda at talento. At syempre malas sa buhay pag ibig. Kailan pa ba naman ako swinerte? Himala ata pag nangyari yun. 

Hanggang ngitian portion lang kami ng long time crush ko na si Clive.At gaya mo, hearthrob din yung crush ko, wala eh, ganyan talaga, nagiging crush ng bayan yung mga gwapo kasi masarap silang titigan. Di ba? Kasi tumatatak sa isip natin yung hitsura nila pero ang hindi natin namamalayan, nagkakagusto pala talaga tayo sa kanila kasi may special trait silang nakikita natin. At dahil may kakaibang magic silang dala! Wag mo ng ipaexplain sa akin kasi hindi ako magaling sa salita. Tingnan mo nga yung crush ko, ni hindi ko makausap ng matino. 

DP ako ni crush! [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon