"Pasensya ka na iha,kailangan lang kasi,hindi ka na kasi nagbabayad ng renta ng limang buwan,alam mo naman na kailangan ko rin ng pera para sa pagaraw-araw na pangangailangan" tiningnan ko sya at binigyan ng pilit na ngiti
Hindi ko naman sya masisisi,dahil tama naman sya,may mga anak din sya na binubuhay kaya no choice sya,wala na din naman akong pambayad sa renta kaya pinaupahan nya na ang apartment ko ng hindi ko alam
Kung hindi lang sana nalugi ang pinagtratrabahohan ko sana may pera pa ako at kahit papaano nakakabili ng pagkain
Ang hirap talaga ng buhay kapag mag-isa ka na lang,wala kang malalapitan,wala kang mahihingian ng tulong
"Okay lang po iyon,naiintindihan ko po,pero salamat po dahil pinatira nyo ako ng limang buwan,sige po alis na ako" tumango ako at binigyan ulit ang landlady ng isang ngiti
"Saglit iha,bago ka umalis,tanggapin mo muna to" kinuha nya ang kamay ko at may nilagay doon,tiningnan ko ito at binalik ng umiiling
"Hindi na po kailangan,sobrang dami na po ng utang na loob ko sa inyo"
Ngumiti sya at niyakap ako,ayokong umiyak dahil ang simbolo non ay isang kahinaan
"Tanggapin mo na,para na din kitang naging anak" sabi nya at binigay ulit sa akin ang isang libong piso
"Gamitin mo yan sa pagsisimula mo" nakangiting sabi nito sa akin,makikita mo sa mata nya ang pag aalala
Kahit pala papaano may nag-aalala sa kalagayan ko
Ginamit ko ang pera na binigay sa akin ni Aling Ella para makapunta sa Maynila...dito ko balak magsimula,alam ko na yung iba na nakikipagsapalaran dito sa Maynila ay hindi pinapalad,pero dito madaming trabaho,sabi nga nila, 'take a risk'
1% na dito ako makakahanap ng trabaho
Bumaba ako ng bus at binitbit ang bag ko,nagsimula na akong maglakad
Mausok at madumi ang hangin na nalalanghap ko,wala parin nagbago
Saulo ko na ang maynila dahil dito ako nakatira noon,dito ako ipinanganak at dito ako pinatay dahil sa sabrang sakit
"Miss bago ka dito no" napatingin ako sa babaeng nagsalita
Maikli lang ang suot nito,parang kinulang sa tela,may sigarilyo din sya sa bibig kaya nalalanghap ko ng usok na galing dito
"Ah Oo,may kailangan ka ba?"tanong ko dito at dumistansya ng kaunti
Ngumiti sya at tiningnan ako hanggang ulo at paa,binalik nya sa mukha ko ang tingin nya
"Mestiza ka at nakakahanga din ang ganda mo teh,para kang anak mayaman" may paghanga sa boses nito,mabait naman siguro sya?
"Ahm t-thank you" ngumiti ako sa kanya
Makakatanggi pa ba ako kung iba na ang nagbigay ng compliment?ayokong magpakahumble pa
"Hmm kailangan mo ng trabaho?"tila nagningning ang mata ko ng marinig ko ang salitang 'Trabaho'
Tama pala na dito ako nagpasya na magpunta sa Maynila,kahit papaano pala hindi ako gaano kamalas
"O-oo sana eh,galing ako sa Laguna,pero nalugi yung pinagtratrabahuhan ko kaya napadpad ako dito" kwento ko sa kanya
Tumango sya "Sa ganda mo na iyan madali ka makakahanap ng trabaho" sabi nito at binato ang sigarilyo na hawak nya at tinapakan ito "Ano payag ka ba?" Tanong nya sa akin
May pagpipilian pa ba ako?konti na lang ang natira kong pera kaya kailangan ko nang trabaho agad-agad
"Oo" ngumiti sya at tinulungan nya akong dalhin yung bag ko
"Tara na,ipapakita ko sayo ang pagtratrabahuhan mo,pagna-approve ka ng manager pwede ka na magsimula mamayang 7:00" tumango lang ako
Habang naglalakad kami napagkaalaman ko na Pina ang pangalan nya,matagal na daw sya sa trabaho nya at malaki daw ang sweldo dahil mayaman at gwapo daw ang may ari nito
"Manager!" Tawag nito
Maingay...Magulo...at maraming usok
Eto ba ang pagtratrabahuhan ko?isang sikat at mamahaling bar?makakayanan ko ba?makakayanan ko ba magsuot ng damit na ang tinakpan lang ay ang dibdib at ang private part?and the rest lantad at kitang-kita na
Nakita ko na nag-usap ang manager at si Pina
Waitress daw sya dito,5 years na daw syang nagtratrabaho sa lugar na ito
"Bestie tanggap ka na daw!" Sabi nito at niyakap ako
Oo...mabait sya at kaibigan na agad ang turing sa akin
"Ahm ano daw ang trabaho ko dito?ahm tagahugas ba ng mga baso?bartender?taga walis?" Tanong ko dito,ayokong maging pole dancer o waiter,dahil halos wala na silang suot
Tiningnan nya ako na na para bang nagtatanong na 'Nagbibiro ka ba?"
"Ano ka ba naman?!sa gandang mong yan taga hugas ka lang ng mga baso o taga walis?syempre hindi papayag si manager!waitress ka daw dito o kung gusto mo daw pole dancer,pumili ka lang sa dalawa kahit ano daw pwede" nakangiting sabi nya na parang tuwang-tuwa pa na ang kaibigan nya ay magsusuot ng maikling damit
Tila gumuho ang mundo ko,sasayaw ako sa harapan ng maraming lalake at bababe?ayoko!
"W-waitress na lang" sagot ko dito
"Yehey!may kaibigan na din ako dito!wag ka mag-alala,dahil first time mo proprotektahan kita sa mga lalaking bastos,sa ganda mo kasing yan imposible na walang maakit sayo" napanatag ang loob ko ng marinig yon,kahit kailan...kahit kailan walang iba na nagproktekta sa akin,maliban sa isang lalake
Napangiti ako,kahit papaano may kaibigan narin ako,sa 5 years kasi na pamumuhay ko wala akong naging sandalan at sabihan ng mga hinanakit
Sinarili ko ang sakit,nagtiis ako na mag-isa,inuna ko ang sarili ko bago makisalamuha sa iba,pinili ko na mamuhay ng misteryosa sa mga katrabaho ko dahil ayoko na kaawaan nila ako,tama na siguro ang sakit na dinulot ng nakaraan ko
Tumingin ako sa salamin,sa kagustuhan nila na ayaw akong mabastos,pinatakpan nila ang mukha ko,pinagmaskara nila ako,half lang naman,kita parin ang ilong at labi ko,tinotoo talaga ni Pina ang sinabi nya na prorprotektahan nya ako,dahil sya ang nagsuggest na gumamit ako ng maskara
Hindi gaano kaikli ang suot ko,kung tutuusin ibang-iba ang suot ko kesa sa ibang mga waitress,dahil nakapalda ako at tube,pero kita parin ang hulma ng katawan ko
Huminga ako ng malalim at tumingin kay Pina na nakangiti sa akin
Ngumiti din ako sa kanya
"Ready?" Tanong nito
Tumango ako,yung suot nya ay katulad din ng sa ibang waitress,pero wag daw ako mag alala dahil sanay nanaman daw sya,kaya nya daw protektahan ang sarili nya,hindi naman kasi maiiwasan ang mabastos dahil sa klase ng trabaho namin
Lumabas na ako sa dressing room,bumungad sa akin ang mausok at magulong mga tao
Kung kanina kaunti pa lang ang mga customers ngayon halos mapuno na ang bar
Sikat nga talaga ang bar na ito
A/N
Sorry sa mga wrong grammar or spelling kung meron man,i hope you all support this story ^^Love,Mimi
BINABASA MO ANG
His Maid Is His Ex-wife
RomanceMatagal na silang hiwalay ni Zekel Madrigal Akala nya hindi nya na ito makikita pa Pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana at maliit ang mundo para sa kanila Wala syang pangbayad sa renta kaya napilitan syang umalis,nagpunta sya sa Maynila para ma...