Chapter 20

12.4K 219 8
                                    

Tutor


Bea's POV

Why is that hapon here? Feeling naman nito.

I have a plan.

Tumalikod ako at pumunta kina Maddie. They were busy talking with the seniors kaya naman nakisali na rin ako sa pag-uusap. Sana naman makita niya yung suot kong jersey ngayon.

Sumulyap ako kay Marci na ngayon ay namimilog na yung mga mata. Priceless grabe!

"You girls.. Start the training now or else..." rinig naming sabi ni Coach Tai.

Pumunta na kami sa gitna at nag stretching. Tabi na naman kami ni Jho nito for sure.

"Uhh beh may problema ba tayo?" tanong ni Jho.

Na sa tabi ko nga siya ngayon.. nakayuko. Hindi ako sanay na ganito kami. The truth is: the more I hide it, the more it shows. Kainis naman I miss the clingy Jho.. nyeta.

Humarap ako sa kanya, hinawakan yung baba niya at tinaas para magkatinginan kami. She can't even look at me in the eyes!

"Hey, look at me" dahilan para makatingin siya sakin ng diretso. "We don't have a problem okay? Stop overthinking, I miss the old Jho" nakangiti kong sabi.

Tiningnan ko naman si Coach Tai, I'm checking if he saw us.. pero hindi. So I looked at my teammates... sila yung nakatingin sa amin. Pinandilatan ko sila at agad naman silang bumalik sa pag s-stretch.

"Ba't di pa sabihin ang hindi mo maamin? Ipauubaya nalang ba 'to sa hangin?" kanta ni Ate Ells. "'Wag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo" dagdag ni Ate Den at nag-apiran ulir yung dalawa.

The rest of my teammates? Ayun they were laughing. Napatawa na rin kami ni Jho at bumalik na sa pag s-stretch.

"Okay girls, line up! Spiking drills muna tayo" pag-anunsyo ni Ate Ly.

Agad naman kaming sumunod. Si Jho yung nauna sa linya, tumabi naman ako sakanya.

"Okay Jho, the same routine ok?" pag-remind ni Coach Tai.

"Yes coach"

Sinet kay Jho yung bola, she's up for an attack kaso lang under.

"Let's try it again, Jho"

Sinet ulit kay Jho yung bolax ngunit hindi niya talaga mapasok-pasok. Nagpaalam naman ako kay Coach na kakausapin ko muna si Jho saglit, pumayag naman siya.

Dinala ko si Jho sa may bench. She seems off today.

"Anong problema beh?" kalmadong tanong ko sakanya.

"Hindi ko rin alam beh."

"You know what? You can do it. You're Jho Maraguinot. Turn ko naman siguro ngayon para iencourage ka diba beh?" nakangting sabi ko.

Nag nod lang siya at ngumiti.

Nauna akong maglakad pero napatigil ako ng may biglang yumakap saking likuran. Ang clingy talaga nito, kainis.

"Beh, naman. Kainis ka talaga" sabi niya habang nakayakap parin sakin.

"Anong ginawa ko? Halikan kita diyan eh" pagbibiro ko.

Napatawa naman siya ng mahina.

"Oh talaga kaya mo? Test nga natin"

"Landi mo beh! Baka magselos pa si Marci" natatawang sabi ko.

"Hayaan mo 'yun"

Tumawa ulit kaming dalawa. I feel that bumabalik na kami sa dati.

Bumalik na kami at nag-spike ulit si Jho. This time pasok na lahat at hindi makuha ni Ate Den.

"Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig Ineng!" tumatawang sabi ni Ate Ells.

"Talaga nga naman besh Ella! Di ko makuha yung spikes ni beh Jho. Phenom the second na this!" at nakisali na rin si Ate Den.

Partners in crime talaga 'tong mga 'to!

Tiningnan ako ni Jho at ngumiti. She mouthed 'I love you beh'. Nakakunot yung noo ko habang tinitingnan siya. ang weirdo talaga ng mahal ko putek.

Lumapit naman siya sakin dahilan para makabahan ako. Ano bang nakain ng isang 'to?! Kung nant-trip siya... kanina pa ako nahulog punyeta!

"Sabi ko I love you tangina naman beadel" bulong niya.

Nyeta.

"I love you too beh" nakangiting sabi ko.

Ngumiti naman siya at tinapik yung balikat ko. Is she encouraging me? Dahil gumagana po!

"Oh Bea, you're next" tawag sakin ni Coach.

Kaya pala.

Sinet sakin yung bola at agad ko naman itong naipasok. Ilang rounds ko rin ginawa yun at turn na rin ni Ate Amy.

"Mga baby ano bang nagyayari sa inyo? Grabe yung improvements ah?" natatwang sabi ni ate Ly.

Nako ate inspired lang po hahaha!

"Inspired lang po kaming dalawa" sabi ni Jho atsaka nag-apiran naman kaming dalawa habang tumatawa.

"Nako nako! Mga batang to! Kanino ka naman maiinspire ha bebe Jho? Kanina pa umalis si totoy M ah!" natatawang sabi ni Ate Ells.

Napatingin naman kami ni Jho sa pwesto ni Marci, at tama nga talaga siya.. umalis na si Marci.

Nice, walang sagabal.

Nagkatinginan naman kami ni Jho at nag shrug lang pareho.

"Sige na umuwi na kayo, we're done for today girls. Ah tama pala! Bukas na rin mag s-start ng training yung mga natanggap sa tryout. Kung dati sa dorm lang natin sila nakikita, bukas makikita na rin natin sila dito" her excitement made us excited too.

"Sina Ponggay po ate Ly?" tanong ni Mads.

Hmm... Madayag ah? I know your ways. Tiningnan ko si Maddie at nag smirk. Binelatan lang ako ni Maddie.

"Oo Mads, sina Ponggay" natatawang sabi ni ate Ly.

Tiningnan ko ulit si Mads na ngayo'y nakangiti. She will be inspired tomorrow, for sure.

Nagbihis naman kaming lahat atsaka umalis na.

"Beh, patutor naman pleaseeeee?" sabi ni Jho habang hinihila yung shirt ko at nag-pout pa.

Ayan, skip pa more ng History Class! Halikan kita diyan eh!

"Putek naman beh! Sge, I'll call mom first para naman ma prepare yung room ko."

I called mom, and as expected masaya na naman siya dahil makikita niya daw yung anak niya... na isa. Nagtataka nga ako minsan kung sino ba talaga yung anak ni mama eh.

"Beh, okay na daw. Sa bahay ka nalang din daw mag dinner. Mom is excited to see you, as expected" walang ganang sabi ko sakanya.

Tumatalon siya ng parang bata. Am I really inlove with this girl?

"Thanks beh! You're the best talaga!" sabi niya habang niyayakap ako at nagulat ako ng bigla akong hinalikan sa pisngi.

"Oh talaga? Best yan ah? Meaning walang makakahigit sakin? Kahit si Marci?" pabiro kong tanong.

Napahiwalay naman siya sa yakap at hinarap ako. She looked at me straight in the eyes. She's serious now.

"Naman beh! Ikaw talaga yung mahal ko eh!" sabi niya ng nakangiti at niyakap ulit ako.

Nako konti nalang talaga Jho, iisipin ko nang crush mo rin ako hahaha!

"Alright, alright. Sakay na. I'm hungry na eh" sabi ko at nag-pout.

Pinisil niya muna yung pisngi ko bago sumakay.

Mahaba-habang tutoran rin 'to ah. Mapapasubo talaga ako nito! Tsk tsk

If I Lose Myself (COMPLETED)Where stories live. Discover now