Epilogue

4.3K 96 2
                                    

Ilan taon na nga ba ang nakalipas simula ang nangyari sa buhay niya.

Hindi na tuloy ang kasal nila nong tumuntong ang edad niya na 18..mas pinili nilang mag-aral..

Same school, same course, same unit ang kinuha lagi silang magkasama ayaw siya nitong mapalayo dahil natatakot pa din ang binata na mawala siya sa tabi.

Ang Royalties mas tumibay ang samahan namin..Kung saan kami nag-aaral ni Alvin doon din sila..

Nakakatuwa nga eh..maraming nang bago pero 'yong samahan mas lalong tumibay ganun din kami ni Alvin.

Lahat ng taong nakapalibot samin alam na mag fiancee kami at sa school walang makakasira sa samahan namin kung sisirain nila alam nila kong sino ang mababangga nilang tao.

5years na din...

Napahawak ako sa malaking tiyan ko.Naramdaman kong sumipa sila kaya napangiti siya.

After kasing maka graduate ay gusto na talagang magpakasal ni Alvin lagi siyang kinukulit nito.

Kaya pagganun tatawa lang siya at aasarin ang binata kaya lang nagtatampo pagniloloko niya.

Kaya pumayag na din siya bakit kailangan pang patagalin iyon kung sa bandang huli doon din ang patungo nila ang isang sakramento bilang patunay na ikakasal din sila.

Naalala niya pa kung paano ito magwala sa simbahan dahil na late siya ng ilang minuto akala kasi nito na hindi siya sisiputin umiiyak pa nga kaya natawa siya ng pagbaba niya sa bridal car ay tumakbo sa kanya at yumakap at kung anu-ano ang binubulong..Yong mga tao sa likod namin ay puro tukso at tawanan.. pati magulang ni Alvin ay napailing at tumatawa sa ginawa..

Malapit na ang kabuwanan niya sa panganganak.Mahirap sa kanila nong una dahil sa paglilihi ginigising pa niya si Alvin para bumili at buti nga hindi nagagalit natutuwa pa ito sa ginagawa..

Nakaramdam siya ng may yumakap sa likod niya at pinatung nito ang baba niya sa gilid ng leeg ko at kinintalan ng maliliit na halik at hinihimas ang malaking tiyan niya na parang na kalunok ng malaking watermelon.

"Gusto ko na silang makita, mayakap at mahawakan...Gusto kong magmana ang mga anak natin sayo Sapphire.."natawa siya sa sinabi nito..ang mga mata nito ang gusto niya kay Alvin nababasa kasi niya ang emosyon nito.

Pagmamahal

Kasiyahan

Umiiyak sa tuwa.

Kagustuhan.

Mga totoong pinapakita ng kanyang asawa.hinaplos niya pisnge nito ng kanang kamay niya.

"Kahit saan sila magmana Hon ok lang basta ang akin mahal ko sila dahil galing satin..Alam naman natin iyon..mas gusto ko pagbabae kamukha mo hon at paglalaki saakin.. maganda naman ako at gwapo ka kaya walang pangit sa lahi natin."natatawang saad niya.

Lumayo siya kaunti kay Alvin..
Napahawak siya sa malaking tiyan niya.

Ang sakit!

"Hon anong problema,.."natatakot na tanong nito sa kanya puro iling lang ang sagot niya wala na siyang maintindihan.

"Ang sakit Alvin..!"nanghihinang sabi niya.

Pumutok na ang panubigan niya.
Nakita kong na pasinghap ito ng dumapo ang tingin niya doon.

Mabilis na inalalayan siya papuntang sasakyan.. kabado ito habang na sa byahe sila.

"Hon ,huwag kang kabahan kaya ko ito.. Urg! aah ang sakit hon.."mangiyak-ngiyak na sabi niya.

Mabilis silang nakarating sa hospital hindi na niya alam ang nangyayari basta na gising na lang siya nasa puting silid na siya.

"Hon,ok n ba pakiramdam mo?"lumingon siya dito at ngumiti..

"I'm fine hon,na saan sila Mommy?"

"Nasa baby section silang lahat.. Gusto mo dalhin kita kukuha lang ako wheelchair mo."mabilis na itong nakalabas pagkabalik nito may kasama ng nurse na lalaki tulak ang wheelchair,ka agad siyang kinarga ng asawa niya at dahan-dahan na inilagay doon."

"Salamat."pagkuway hinalikan siya sa noo nito..

"Dapat ako nga ang magpasalamat dahil ligtas kayong lahat..wala na akong mahihiling pa kundi ang makasama kayo ng matagal."naiiyak siya sa sinabi nito habang tulak-tulak ang wheelchair hanggang makarating sila sa baby section na kita ko silang lahat...naka tingin sa malaking salamin habang tinitingnan ang mga baby niya sa loob.

Napalingun sa gawi niya ang mga tao doon..ngumiti siya kahit nanghihina pa siya..

Lumapit ang parents niya at ang parents din ni Alvin..

"Kamusta ka na anak?ok ka na ba,ang hirap siguro mag luwal ng kambal."na kita ko ang pagguhit na takot sa mata ng Mommy ni Alvin.

"Masakit po talaga Mommy pero noong makita ko sila na ligtas na wala po lahat ng pangamba ko kasi alam kong makakaya ko po.."saad ko dito..

"Salamat sa pagbigay samin ng apo anak..napaka ganda at ang gwapo..kahit isa samin dito walang namana."natawa siya sa sinabi ng Daddy ni Alvin.

Tumingin ako kila Mommy na umiiyak..Lumapit ito at yumakap sa kanya pati ang Daddy niya.. Ang ate niyang si Eunice ay umirap pero alam niyang masaya ito humarap sa kanya si Eunice at namumula ang pisnge nito.

"Masakit ba talaga ang manganak sis?"nahihiyang tanong nito tumango lang siya dito na kita ko ang takot sa mata nito ng bigla itong bumubulong..

"Paano ako? kaya ko kaya hala! dapat na sa tabi ko siya pag na ipanganak ko sila..lagot ka sakin Lord.Mapapatay kita..!"nanggagalaiti na bulong nito.

Narinig niya ang sinabi nito kaya pala buntis ang ate Eunice niya.

"Buntis ka pala? asan ang ama ng dinadala mo Ate?"inosenteng tanong niya na ikinagulat ng ate at ng mga tao sa paligid niya.

"Eh ano kasi, amm."wala itong maisagot na kita kong taas baba ang dibdib ni Daddy sa galit..

Nang may sumigaw sa malayo..

"Empress! asan ang baby natin bat ka na ka tayo diyan di ba dapat na sa higaan ka asan sila gusto kong makita sila Baby?"natatarantang tanong ng lalaki ,siya ata si Lord.

Natawa kami sa sinabi nito na kita kong umiwas ng tingin si Ate Eunice at na mumula ang mukha,mabilis na lumapit si ate at piningot ang tenga ng kawawang lalaki..

"Buntis palang ako ng two weeks at saan mo narinig na may nanganganak ng ganun ka aga gago!"asar na sagot nito.

"Sabi kasi ni Dash isinugod ka daw sa hospital at manganganak ka na at may kasama ka daw na ibang lalaki ng isinugod ka dito. Na kita ka nila ng dinala dito sa hospital? asan nga kasi ang mga anak natin!" naiinis na sabi nito sa ate niya.Biglang sinabunutan ni ate ito at tinuro ako.

Natatawa ako sa reaction ng lalaki napagkamalan niya akong si ate.

"Gago! Kambal ko iyong na nganak ang tinutukoy mo, ang baby mo na sa tiyan ko pa two weeks pa baliw ka talaga Lord kambal din anak mo gago kaya panagutan mo ko lagot ka kay Daddy ayan oh umuusok na ang ilong susugod na iyan hala ka Lord."tinatakot na sabi nito na ikinalaki ng mata ng lalaki.Mabilis itong nagtago sa likod ni ate kasi papalapit na si Daddy..

"Ang sarap mong tingnan pag na ka ngiti ka hon."napalingun siya ng magsalita ito.

"Natatawa kasi ako kay Ate at kay Lord,kawawang lalaki under kay ate halatang mahal nila ang isa't isa tiklop si Lord kay ate tingnan mo sila oh kinakausap sila ni Daddy at Mommy na masaya dahil may madadagdagan na naman sa pamilya natin hon."

Ngumiti lang sa kanya si Alvin at kinintalan siya ng halik sa labi.

May lumapit na nurse sa kanila.

"Ano po ang name nila baby?" tanong nurse sa kanya.

Tumingin siya asawa niya ngumiti ito at tinanguhan siya.

"Princess Athena Sapphire Wilton Fortalejo and Prince Alvin Saimon Wilton Fortalejo"

*****

A/n: Done ang story ko. and Thank you sa lahat ng sumuporta ng kwentong ito.

Ms.Shean

Cursed the Red Eyed Sapphire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon