Chap-25

4.7K 154 0
                                    

"Who are you?!?"

Pasigaw na wika niya nang mahawakan niya ang magkabilang braso nito't pinaikot at sinipa ang kaliwang binti sanhi para ito ay matumba sa pinong buhangin.

Mabuti na lang at maingat siya sa kanyang paggalaw kaya hindi siya nito nahahalata kanina.

Balak talaga niyang ilayo ito sa bahay hanggang sa nagawa niya itong sakmalin at mapatumba nang walang kahirap-hirap.

Kaagad niyang kinapa ang kasuotan nito sa pag-aakalang may dalang armas  ito.

Napalaki ang mga mata niya nang makilala ang naturang lalaking sumusunod sa kanya.

"Sino ang nag-utos sayo?" Aniya.

Subalit, iisa lang ang nasa isip niya nang mga sandaling yon na posibleng nag-uutos dito at matunton ang kinaroroonan nila.

Pagkahabag ang makikita sa mga mata nito.

Sa galit niya ay sapilitang tiningnan niya ang marka sa likod ng lapastangan na lalaki.

"Y-You're just a... messenger?" Puno ng pagtatakang napatuon siya sa anyo nito. He's one of Acapolco's messenger.

At lahat ng miyembro ay may nakamarka sa kanya-kanyang balikat. Doon malalaman kung anong posisyon nito bilang isang miyembro ng naturang organisasyon.

Pero bakit ito ang ipinadala para... magmatyag sa kanila?
Ang inaasahan niya ay ang isang malakas at kagaya niya para patayin siya! Isang miyembro ng Acapolco na may kakayahang mapatumba o mapatay siya.

Aside of her. There are two other members who are well-trained and talented in martial arts.

Kaya ganun na lamang ang pagtataka niya.  

"T-The board, M-Madame." Halata ang takot at panginginig sa boses nitong sagot.

Inaasahan na niya iyon. Ang mga board members ng AC's Group.

Napatayo siya at pinakawalan ito.

"Go. Tell the boards na handa ako sa gusto nilang mangyari." Seryoso niyang sinabi.

"M-Madame. There's still a way. They won't harm you unless you kill the treasure." Anito.

May galit at nakakamatay na tingin ang mga matang ipinukol niya dito.

Napayuko ang ulo nito.

"You can leave now. Or else, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka." Mariin niyang utos.

"O-Okay po."

Sa takot nito ay matulin itong napapatakbo papalayo.  

What now?

Alam na ng board ang lokasyon niya- nila ng dalaga. At ayon sa narinig niya. Posibleng alam na ng mga ito ang totoo.

She just can't kill her.

Hindi niya kayang tuparin ang misyong pinanghahawakan niya!

Natatakot siya sa maaaring mangyari hindi para sa sarili niya kundi para kay Max.

Kailangan niyang mag-isip ng paraan sa lalong madaling panahon!

***

"Hey!"

Gulat na napalingon si Dakota sa pinanggalingan ng boses. Muntik pa niyang masaktan ito.

"Ahw!"

"M-Max... I'm sorry." Aniya at kaagad binitawan ang mga braso nito. At may pag-aalalang tiningnan niya ang nasaktang braso nito.

"No. I'm fine. Something's wrong?" Anito. Nang mahalata ang pagkabahala sa mga mata niya.

Natigilan siya.

"Hey. M-May problema ba?" Untag pa rin ng dalaga sa pananahimik niya. "Kanina pa kita hinihintay dito sa labas. Nakapagluto na rin ako ng almusal natin sa loob."

Napatingin siya dito.

"We need to leave now." Aniya at tinalikuran ito. Mamaya na nalang niya ikukwento ang naikwentro niya kanina. They need to pack their things immediately.

"W-Why? Bakit kailangan nating umalis?" Napapasunod nitong tanong.

"Dahil kailangan."

"What? Look. This... This place is great! Bakit kailangan pa nating umalis dito?" Nagtataka nitong tanong. Halata sa mukha ng dalaga ang pagtutol sa sinabi.

Napahinto siya at hinarap ito.

"It's for your own good. Kailangan kitang ilayo sa lugar na to." Aniya at may pang-unawa ang hiningi niya dito.  

Nababahalang napapalaki ang mga mata ni Max.

"W-What do you mean?" May kaba sa dibdib nitong naitanong.

Katahimikan.

"T-They found us." Aniyang di makatingin ng direkta sa mga mata nito.

Nagiguilty siya.

"They?"

Sukat doon ay napatitig siya dito.

"Yes. They're the one who's after is you. They mean to k-kill you." Aniyang pinuno ng konsensya ang dibdib.

Damn!

"Alam mo? Paano? S-Sino sila?" Puno ng kalituhan sa kabila ng takot nitong tanong.

"Acapolco." Sa huli ay sinabi na rin niya.

"What?" Tila walang kaide-ideyang naging reaksyon ni Max.

"Look Max-"

Aktong sasabihin niya na sana dito ang totoo nang biglang may malakas na pagsabog sa paligid nila.

Nang matanto ni Dakota ang dahilan ng pagsabog ay maagap na hinawakan niya ang dalaga at hinila't napadapa sila sa buhangin.

"Fuck!"     

Malakas niyang mura nang makita ang nagliliyab at kinakain ng apoy na resthouse.

Naging alerto at puno ng galit na nailibot niya ng tingin ang buong kapaligiran. Hanggang sa maramdaman niya ang pagtutok ng isang mabigat na bagay sa ulo niya.

Napapalaki ang mga mata niya. Katulad niya ay ganun din ang dalaga.

Subalit, ang marinig niya ang pagtawag nito ay tila parang may sumabog na bomba sa kanyang harapan.

"L-Lolo!" 


                       

AGWAPH (Girl×Girl) (Completed)Where stories live. Discover now