Kabanata 3

9 3 1
                                    

Kabanata 3

"Andrea ineng. Gising na, sasabay ka ba sakin?"

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang boses ni Daddy mula sa labas. Late na siguro.

"Oo Dadde, sorry. Medyo na late ng gising" Sabi ko habang kumukuha ng Towel at dumiretso sa banyo.

Kanina pa talaga ako gising kaso sa pagmumuni muni ko hindi ko napansin na malalate ako.

Binilisan ko ang paliligo dahil nahihiya naman ako kay Daddy, teacher pa naman yun. Teacher si Mommy at Daddy kaso magkaiba ng school. Si Daddy nagtuturo siya sa school ko ngayong secondary tapos si Mommy sa school ko noong elementary. Dalawa naman kaming magkapatid, may Kuya ako kaso college na. Mas matanda sakin ng 3 years.

"Kagabi ba, si Tao nilandi ako ang kulit kulit. Sabi't hindi pwede kasi nga buntis ako tapos namimilit pa. Asar, hindi kami bati ngayon"

Napatingin ako kina Xchaina at Adi.

"Londe teh. Hahaha, buti pa kami ni Kris we're like so happy talaga. You know. Mas makulit yun noh. Ang tangkad pa. Kaya, I'm like UNDER lagi. Haha XD"

Napakunot ang noo ko at lumapit sa kinauupuan nila. Buti na lang wala pa si Maam. Yes, malayo ang upuan ko sa kanila pero rinig ko ang malalanding usapan nila. Na pawang IMAHINASYON LAMANG.

"Aminin mo na kase si Andrea yun noh"

"Ang galing talaga sumayaw ni Andrea, ano nga Lance? Haha"

"Magseseryoso ka rin pala ng babae eh. Bwahaha"

"Haha, joke lang yun guys. Alam niyo namang hindi ako napatol sa FLAT"

Dali-dali akong lumapit sa kanila. Dahil mas napukaw nila ang atensyon ko, mula sa paglapit kina Adi iniba ko aking daan patungo sa Limang lalaking nagkukunpulan.

Tengene. Excuse me, HINDI PO AKO FLAT CHESTED NOH. Oo, hindi ganoon kalaki pero shit! Kumbaga kung bundok ang sa iba, burol akin. Pede ba?

"ANONG FLAT?" Napalingon silang lima sa akin at mukhang nagulat maliban sa isang mukhang aso na nakangiti lamang sa akin.

Madami din ang napatingin dahil sa pagsigaw ko kay Lance. Hindi kasi kami close niyan o nagpapansinan, kumbaga naguusap lang kami kapag kailangan, na tungkol sa school works never na ganto.

Napatayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sakin. "May pagkachismosa ka rin pala noh. At bakit Ms President? Totoo namang flat yan eh" Sabi niya at tumingin sa hinaharap ko.

"BAKIT ANG HINAHARAP NA BA NG ISANG BABAE ANG BATAYAN NIYONG MGA LALAKI HAH. AKALA MO NAMAN ANG GWAPO MO! MUKHA KANG ASO, PAPUTI KA MUNA" sigaw ko sa kanya. Fuck lang. Ang yabang nitong lalaking ito ah. Siguro nung nagpaulan si Lord ng kayabangan naka nga nga siya.  Asar much.

"Tsk. Oo hindi ako maputi Ms Pres pero moreno, kung aso naman ako, gwapo ko namang aso. At," Bigla siyang tumungo at inilapit ang mukha niya sakin yung tipong nagdidikit na ang noo namin at ilong. Yung ilong pala niya ang dumidikit kasi, you know, pinagkaitan na nga ako ng height pati ilong nadamay.

For the nth time pinanlakihan ko na naman siya ng mata. Gosh! Naamoy ko na ang minty breath niya, tengene istudyante ba ito? Ang bango ng hininga.

Ang gwapo pala niya sa malapitan. Oo hindi siya maputi. Pero moreno kumbaga, Tall Dark and Handsome. Anong handsome? Hindi gwapo itong asong na ito noh.

At b-bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. B-b-baki-t? Siguro, kinakabahan lang ako.

Nagulat ako ng bigla siyang umimik,

"Naiinis ka ba dahil sinabi kong flat ka o naiinis ka dahil itinanggi kong may gusto ako sayo lalo na at ang batayan ko ay malalaki ang hinaharap"

At katulad kanina, bumilis ulit ang tibok ng puso ko.

ChanceМесто, где живут истории. Откройте их для себя