Fight 5 Flowers

521 13 2
                                    



"Saan ka ba kasi tayo pupunta? Pagod na 'ko ah!" Hingal na sabi ni Maika.

"Wait lang.." Sabay linga ko sa room na dadaanan namin habang hawak ang kamay niya.

"Anong wait lang?! Kanina mo pa sinasabi sakin 'yan hanggang ngayon!" Ani niya at hinawi ang pag ka hawak ko sa kamay niya at pinunasan ang kanyang pawis.

Nasan na ba kasi yung admin na iyon? Hinahanap namin ni Maika ang admin nang Fan Page nang Twister Elite. Nag chat kami kagabi at nabalitaan kong sa PHU din siya nag aaral.

Ang sabi niya pa nasa 5th floor daw sila at room 639 pero wala pa rin akong nakikitang kumakaway sakin. Rielle ang pangalan niya, ang sabi niya mag tanong tanong lang daw ako sa mga tao dito sa floor na 'to.

"Ah, kilala niyo po so Rielle?" Tanong ko dito sa mga babaeng nag so-social media sa may hallway.

"Hindi eh." Sabay iling nila. Tumango lang ako at nag pasalamat.

Nag tanong pa ako sa ibang mga tao na nadadaanan namin pero hindi din nila kilala iyon.

"Oh ano wala di ba? Kaya tara na! Kumakalam na sikmura ko!" Histerical na sigaw ni Maika sa likod ko. Hindi ko siya pinakinggan.

Ilang room na ang nadadaanan namin hanggang sa napadpad kami ni Maika sa isang hagdanan na papuntang 6th floor. May nakita kaming mga babae na gumagawa nang mga posters sa tabi nang hagdanan.

Agad akong pumunta sa kanila. "May kilala po ba kayong Rielle rito?" Ani ko habang tinignan ang kanilang mga posters na ginagawa.

Nanlaki pa ang mata ko nang nakita ang kinukulayan nilang mukha doon nila Rafael. Ito na nga siguro sila.

"Rielle? Nandun po siya." Ani nang isang babaeng morena at balingkitan ang katawan. Nakangiti siya sakin habang nilahad ang kamay papunta sa palikong hagdanan papuntang 6th floor. "Rielle may naghahanap sayo!" Sigaw niya rito. "Punta ka na lang dun." Sabay turo niya sa hagdanan.

Tumango lang ako habang hinila ang kamay ni Maika dahil nakiki ususyo na siya sa nakitang paint nang mukha ni Rafael at Shawn. Ito na nga siguro ang Twister Elite's Fan.

Ngumiti ako habang sinisikop ang buhok ko at inayos ang aking jean pants at inayos ang crop tap ko.

"Uh..hello. Nasaan po si Rielle?" Ngiti kong tanong. May nakita akong tatlong babae doon na inaayos ang mga posters at pina puncher ang mga sulok nito. Naka tee shirt silang tatlo at may mukha nila Rafael, Shawn at Sean.

"I'm here. Sino po sila?" Ani niya. Siya siguro si Rielle. Base sa galaw niya siya palagi ang nag o-organize nitong ginagawa nila.

"Ako yung naka chat mo kagabi." Ngiti ko at inabot ang kamay ko.

"Gail?! Oh my God, ako si Rielle! Sorry nawala sa isip ko na magkita tayo." Inabot niya na rin ang palad niya saakin at nag shake hands kami.

Tumango lang ako. "Okay lang. At least nag kita tayo." Ani ko at tinignan ang mga ginagawa nila. "Ah, eto nga pala ang kaibigan kong si Maika. Fan siya nila Rafael at Shawn." Sabay halakhak ko.

"Grabe naman." Sabay tawa ni Maika. "Hi Rielle. Ang ganda mo papang Fan." Inabot niya rin ang kanyang kamay dito kay Rielle.

Humalakhak naman si Rielle. "Mas maganda kayo. Ito nga pala yung mga gawa namin." Ani niya at pinakita pa sa isang box ang kanilang ginawang mga posters at banners para sa Twister Elite. Namangha ako dahil sa kagandahan nang kanilang mga ginawa.

Maya maya pinakilala pa ni Rielle ang iba pa niyang kasamahan. "Eto nga pala si Kara." Pakilala niya sa isang babaeng nag pa-paint nang isa pang tee shirt. Nag abot siya samin nang kamay. "Eto naman si Irene. Siya ang assistant ko pagdating sa update ng T.E." Pakilala ulit ni Rielle sa isang babaeng may eye glasses.

Fight for Nothing #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon