What happened to her? (What happened to us Season 2)

76 3 0
                                    

What happened to her? (What happened to us Season 2)

Prologue

"Bench, dude. Una na ako ha. Tama na ang inom. Makikita mo din 'yung kinahuhumalingan mo." Pangiinis ko sa dating presidente ng aming fraternity. Pinakitaan niya tuloy ako ng middle finger niya.

Naaksidente kasi siya noong nakaraan sa isang karera niya at kakalabas lang niya ng ospital at bagong opera pa ang mga mata niya.

Natutuyo na din ang mga sugat at galos niya sa braso at mukha. Pero etong si gago ay nakuha pa magaya ng inuman.

Almuni reunion daw.

Broken hearted lang pala.

"I need to pick up my girlfriend pa, mahirap malate." Pagpapaalam ko kay Bench sabay apir sa mga katabi ko sa upuan.

Nandito kami ngayon sa condo ni Bench sa may Archer's Tower. Kanina pa kaming 8 pm dito at ngayon ay 10 pm na.

Kinantsayawan pa ako ng iba ding alumni na "pussy" daw ako dahil under ako sa girlfriend ko at ang aga aga ko daw umuwi.

Mga sira ulo.

Ano naman ngayon kung ganon?

Nang matapos na akong makapagpaalam ay nagtype agad ako ng text kay Corr.

To: Babe

On my way. 12 ang tapos niyo today right?

Nagfail ang pagsend ng aking text, kasi sumakay na ako sa elevator. Walang signal. I'll just send it later.

Nang mapansin kong may nakasakay din pala sa sulok...

Na weird na babae.

Hindi ko mapigilang hindi mapansin ang itsura niya kasi napaka kapal ng buhok niya at ang gulo gulo pa. Nakajogging pants siya at itim na jacket at naka tsinelas.

Para siyang sabog.

Pagdating ng ground floor ay nagmadaling tumakbo palabas yung babae na ikinailing ko na lang.

She is so weird.

Naglalakad ako patungong outside parking at natatanaw ko na yung bulok kong Hilux- este yung sasakyan ko. (Baka magalit na naman si Corr, 'wag daw magreklamo sa blessings)

Tuwing sinusundo ko kasi si Corr sa mga rehearsals niya at gigs ay eto yung dala ko. Mas di nakaw pansin kasi.

Papalapit na ako sa sasakyan ko nang makarinig ako ng pagtatalo sa di kalayuan.

"Bitawan niyo sabi ako eh!" Rinig ko ang takot na boses ng babae.

"Sumama ka na lang kasi samin, Miss." Bulong pero malalim na sagot nang isang lalaki.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na lapitan sila para tignan kung anong nangyayari.

Tatlong lalaki sila at yung isang babae pinagkukumpulan nila.

Three big guys, Presbi. I thought. Well yeah, I'm outnumbered...

Eh nandito na eh.

"May problema ba?" Singit ko sa usapan nila habang nakatayo mga sampung steps mula sa kanila.

Nakahilig na sa isang itim na van yung babae, habang nakahawak sa wrist nito ang lalaki at parang pilit na pinapapasok ito sa van.

Agad kong napansin ang tattoo sa kaliwang kamay nung lalaki.

Isang tribal na letter A.

Ahkro.

Agad kumunot ang noo ko nang maalala ko ang atraso sa akin ng mga gagong 'to- pero, anong ginagawa nila dito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What happened to us? Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon