Yung Feeling Ng NANG-IWAN

396 12 8
                                    

Yung Feeling Ng NANG-IWAN

 

Ito yung feeling na ayaw mong gawin,

pero kailangan kahit hindi mo pinagplanuhan.

 

INIWAN KO SIYA.

Iniwan ng basta-basta.

Wala ng sabi-sabi.

Wala ng paa-paalam.

Ako ang kusang lumayo.

Ako ang nang-iwan.

Ako ang dapat na masaktan.

Ako naman talaga ang may kasalanan.

Ako yung dapat na sisihin.

Ako yung dapat na mas apektado.

Nagsimula lang naman talaga ang lahat sa isang pustahan.

Malay ko bang ako yung tatamaan.

Wala sa plano kong seryosohin ang bagay na ‘yon.

Hanggang isang araw, na-realize ko na lang na…

MAHAL KO NA SIYA.

In fact, mahal na mahal pa nga eh.

What went wrong?

Minahal ko kasi siya ng sobra-sobra.

Mas minahal ko na siya kaysa sa sarili ko.

Sa kanya na halos umiikot ang mundo ko.

Natakot ako sa sarili kong nararamdaman. Hindi naman kasi ako ganito noon. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, nakalimutan ko na ang lahat.

Ni hindi ako mapakali kung kahit isang text lang niya sa loob ng isang araw ay wala.

Siya na lang lagi ang inaalala ko.

Nakalimutan ko na ang mga bagay na nakasanayan ko ng gawin noong wala pa siya sa buhay ko.

Wala na akong time sa barkada.

Halos araw-araw siya na yung kasama ko.

Alam niyo ‘yun?

Nakakasawa na din.

Yung Feeling Ng NANG-IWANDonde viven las historias. Descúbrelo ahora