Chapter 16: The Return

34 3 0
                                    

~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ •
Savannah.

"Savannah, bakit basang-basa ka?" Salubong sa akin ni Xin kaya napatingin sa akin lahat. Napansin ko na lahat sila nandito sa living area pero except kila James, Michael, at si Jordan.

"Muntik na akong malunod. Pero ok na ako." Sabi ko para hindi na sila mag-alala pa.

"Ah ok. Kukuha nalang ako ng towel." Sabi niya at umakyat sa taas.

"BASH, iwanan muna kita sa mga yan ha? May pupuntahan lang ako. Wag na wag kang aalis dito." Sabi niya at bago pa ako makapagsalita hinalikan niya ako sa noo at umalis na. Grabe siya oh.

Sakto naman na dumating na rin si Xin na may hawak na towel. Pinapunta na rin niya ako sa kwarto ni Jake para makapagpalit ng mas maayos at tuyo na damit.

After kong magbihis, inayos ko muna yung buhok ko. Tinali ko ng pa-ponytail at nilagyan ko ng headband. Napansin ko na nawawala yung salamin ko. Hindi kaya nasa pond yun? Hala. Kaya ngayon pagtitiisan ko yung malabo kong mata.

Bigla namang tumunog yung cellphone ko sa bag kaya kinuha ko naman ito.

From: Patricia ;)

Gurl! Naiwan mo sa clinic yung salamin mo so I fetch it nalang. Ikaw talagang bakla ka! Iniwan mo yang seeing device mo. Chaka ka. Bigay ko nalang tomorrow. Geh gora na ako here kasi me sa bar. Borlogs kasi sa haus.

Natawa naman ako sa text ni Pat. Siya yung nagligtas sa akin sa pagkakatulak ni Paula demonita sa pond. Beki daw siya at halata yun sa boses niya pero hindi halata sa pangangatawan niya. Ang macho kaya niya! Puro muscles here and there. Kaya napagkamalan ni Jake na.. Pfft! Nagselos kaya siya?

To: Patricia ;)

Okie. Basta wag kang magpapagabi. Delikado na't mapagdiskitahan ka ng mga bampirang sumisinghot ng rugby sa tabi-tabi. Uwi ka na. :)

Kahit macho siya nag-aalala parin ako sa kanya noh! Nakita mo ba yung suntok kanina ni Jake sa kanya? Halos ma-KO na siya dun eh.

From: Patricia ;)

Anong animal creature ka ba? Wala ka kasing trust sa akin eh. At keribels ko na sarili ko. Marami kasing fafabols dito sa loob so I gotta go. Babush!

"Bakit nakangiti ka? Alam mo, mukha kang baliw."

Napalingon ako sa kung sino nagsalita. Si Vlad pala. Makwentuhan nga.

"Ka-text ko kasi si Patricia." Sabi ko.

Kumunot naman yung noo niya. "Sino si Patricia?"

"Siya yung nagligtas sa akin sa pagkakalunod ko sa pond kanina." Explain ko.

"Chix ba yan? Reto mo naman ako. Alam mo mahilig ako sa mga lifeguards." Sabi niya na may kasamang kindat. Haha! Vlad kung alam mo lang.

"Ah-eh.. Pfft! Kasi ano... HAHA! I mean.. Beki si Patricia. HAHAHA! Real name niya: Patrick Funtanilla."

Bigla namang nalungkot yung mukha ni Vlad. Akala talaga niya chix eh! Playboy talaga.

"Bakit ka nga pala nandito?" Pag-iiba ko ng topic.

"Ah.. Kasi pinapatawag ka na sa baba. Kakain na raw." Tumango naman ako.

"Bumalik na ba si Jake?" Hindi natiis na hindi tanungin sa kanya. Hindi pa naman niya sa akin pinaalam kung saan siya pupunta. Pero para saan naman? Hindi naman niya ako 'totoong girlfriend' eh.

"Hindi pa. Miss mo na ba siya? Hayaan mo. Magtetext yun sa amin."

Pagbaba namin ni Vlad nandun na sila sa dining area. Nandito na rin sila Jordan, Michael, at James kaya lalong umingay.

Kumain na rin kami ng nakahain. Nagluto si Claude ng Korean Style Chicken Teriyaki na may sesame seeds and honey. Yumm~ sharap!

"Uy, Claude! *nom**nom* bhakit hindih moh shinabi sha ahmin nha masharhap kah pahlah mag-*gulp* luto?" Tanong ni Romeo. Nakakatawa nga dahil nagsasalita pa siya ng puno pa yung bibig niya.

"Hindi naman masarap eh. Nakakasuka." At inarte ni Lorenze na para siyang nasusuka.

"Ows. Asan ebidensiya? Pang-lima mo na kaya yang kuha mula dito sa kaldero." Tutol namam ni Kurt.

Napatawa naman kami.

"Hindi niyo man lang ako in-invite?"

Teka, diba siya si...???

~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ •
Jake.

"Bakit mo ba ginawa yun?" Galit kong tanong kay Paula. Nandito kami sa likod ng school dahil wala namang tao ang pumupunta dito.

"You know why? Dahil sa kanya, nakalimutan mo na ang bestfriend ko!"

Tinalikuran ko siya at hinagis yung mga sanga papunta sa bangin.

"Matagal ko na siyang kinalimutan. DAHIL KUNG KINAYA NIYA AKONG IWAN, KAYA KO RIN SIYANG KALIMUTAN." Nakatalikod pa rin ako kay Paula. Ayokong tignan niya akong ganito.

"Pero Jake," iniharap niya ako sa kanya. "Mahal niyo pa ang isa't-isa. Nakikita ko pa sa mata mo na hindi mo parin kayang kalimutan si Angel."

Naluluha na ako sa mga pinagsasabi ng babaeng 'to. Pero kahit mahal ko pa si Angel, mas importante pa rin sa akin si Savannah.

"Bakit mo ba sinasabi ang mga 'to sa akin? Hindi ko na mahal si Angel." Kahit masakit kakayanin ko. "Layuan mo na ako. Layuan mo na kami ni Savannah."

Tumalikod na ako sa kanya at balak ko nang bumalik sa hideout. Pero may huli siyang salita na tumatak sa isip ko.

"Bago ka umalis. Gusto kong sabihin na bumalik na si Angel. Nandito na siya sa Pilipinas at handa ka niyang bawiin dyan sa malandi mong Savannah. At pumunta na siya ngayon sa hideout. Goodluck."

~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ •

A Promise for 150 days Donde viven las historias. Descúbrelo ahora