Chapter 2

1K 21 12
                                    

A/N: Medyo natagalan. Sorry.


"OY, pansinin mo naman na ako," pangungulit ni Andy sa kanya.

Katatapos lang ng una niyang guesting at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito pinapansin. Hindi pa niya ito napapatawad sa ginawa nito sa bakasyon niya.

"Uy, Mitch. Wag ka nang magalit. Sige na," patuloy nito ngunit nanatili lang siyang tahimik habang nire-retouch ng make-up artist ang make up niya.

Then suddenly, Andy started poking her arm.

"Tsk," sabi niya sabay tapik sa kamay nito.

"Sorry na Mitch. Eh gusto ko lang naman na mag-enjoy ka sa bakasyon mo."

Uminit ang ulo niya sa sinabi nito. "Did you seriously think na mag-eenjoy ako rito?"

Hindi nakasagot ang kaibigan niya. Napabuntong hininga siya. Marahan siyang lumingon sa kaibigan. "Andy, you know why I don't want to go back here. Kung hindi lang dahil sa mga readers ko rito, hindi ako uuwi. Then suddenly, I'm supposed to spend my vacation here? I wanted to go to Greece."

Her friend looked guilty enough. "I just want you to get over your past, Mitch. You were haunted by your past."

"I am not haunted by my past!" protesta niya.

"Yes you are." Lumapit ito sa kanya saka ginagap ang kamay niya. "I can see how bothered you are since that nightmare. Pilit mong ipinapakita sa iba na okay ka lang, na ayos ka lang, but I knew better than to be deceived by your pretenses. Kilala kita, Mitch. No matter how much you try to hide it from me, I will still know it.

"You've done enough running. Eight years is too much. Pagbigyan mo naman ang sarili mong maging masaya."

"I am happy," giit niya.

"Are you really? O sinasabi mo lang 'yan to convince yourself that yes, you are indeed happy?" balik tanong ni Andy. "You know you can cancel your vacation here. I just set it, but that doesn't mean you have to follow me. You can spend your two-month break elsewhere. But think about it. Will stay and face your greatest fears or will you run away again?"

Marahang tinapik ng kaibigan niya ang kanyang braso bago tumayo at lumabas. Nagkuyom lang ang kamay niya.

Damn, her friend did have a point there.

Ayaw man niyang aminin sa sarili, pero hindi na niya pwedeng ikaila na oo, tinatakbuhan niya ang nakaraan niya. Ang nakaraang bumago sa buong pagkatao at kung sino siya.

But how does one confronts his past without opening new wounds? Handa na ba siya sa sakit na siguradong mararamdaman niya once na harapin niya ang bagay na matagal na niyang iniwan?



IT'S been four weeks of guestings and book signings in the Philippines. Pakiramdam ni Mitch ay nalibot na niya ang buong Pilipinas. From Manila, to Cebu, to Davao, to Iloilo, to Ilocos Norte and Sur, lahat ay napuntahan niya upang pagbigyan ang mga fans niya na gustong gustong makita siya pero hindi kayang lumuwas ng Maynila o walang pamasahe.

Four weeks. Four weeks of rediscovering her roots. Muli siyang napahanga ng ganda ng Pilipinas, mula sa rich heritage sites hanggang sa mga beaches at iba pang tourist spots. Patuloy na gumagana ang creative writing skills niya na tila ba agos ng ilog ang daloy ng mga ideya. She has 5 plots already written down, and a whole lot more waiting to be given the chance to be brought to life.

Apat na linggo na rin silang hindi nag-uusap ni Andy. All they talk about is her schedules, her next event, where to go, where to stay. Nami-miss na niya ang kaibigan.

Napag-isipan na niya ang mga sinabi nito. Mitch appreciates her efforts, her concern. She knows Andy means no harm pero hindi pa lang talaga siya handang harapin ang nakaraang kay tagal niyang sinusubukang kalimutan. No. She couldn't risk opening old wounds. Hindi niya kakayanin sa estado ng kanyang sarili sa ngayon.

SRC FF #2 - Gino Tordesillas - Heart ThiefWhere stories live. Discover now