014

33.3K 843 92
                                        

Chapter 14: Party

Jewille's POV

Dalawang araw. Dalawang araw na ang lumipas pero wala pa ding William Cuizon na tumatawag o nagte-text man lang. Simula no'ng date namin, hindi na siya nag paramdam. Okay lang naman kahit hindi siya mag pakita sa personal kasi naiintindihan kong may pasok siya eh ang kaso mo, kahit isang text man lang, wala. Nakakatampo. Bukas na nga alis ko tapos 'di pa siya magpaparamdam? Hays.


Habang nagda-drama ako at naga-ayos ng gamit ko para sa pag alis ko bukas, bumukas bigla 'yung pintuan ko at nakita ko si Justine, "Ate, nandiyan sila ate Nicole sa baba." Sabi ni Justine. "Paakyatin mo nalang." Sabi ko kay Justine tapos sinara na niya 'yung pintuan. Hindi naman nag tagal at bumukas ulit ito tapos nakita ko sila Nicole, Aly at Cass na nakangiti at ang gaganda ng mga bihis. Saan 'tong mga 'to pupunta?


"Problema niyo?" Tanong ko nang makapasok na sila sa kwarto ko at nagsi-upuan sa kama ko. Aba ang mga bruha, feel at home talaga, oh.


"Grabe, problema kaagad? Hindi ba pwedeng yaya-yain ka lang namin umalis?" Sabi ni Nicole. Tumango naman sila. "Saan naman tayo pupunta? Mag gagabi na, oh." Sabi ko. Sabay-sabay naman silang ngumiti sa'kin. "Mag bihis ka nalang tapos malalaman mo din." Sabi ni Aly.


"Ayokong sumama, kayo nalang. Tinatamad ako atsaka 'di pa ako tapos mag ayos ng gamit ko." Sabi ko. Totoo naman. Syempre aalis na ako bukas kaya kailangan ko ng maayos na gamit. Matutulog din ako ng maaga kasi 2 PM 'yung flight namin ni Thorn at kailangan bago mag 11 o'clock, nasa airport na kami.


"Hay nako, Jewille, ang dami mong dahilan ha? Sumama ka nalang sa'min, mag bihis ka na." Sabi ni Cass. Wala din naman akong magawa kaya sabi ko sasama na ako pero tatapusin ko muna 'yung pag ayos ng gamit ko. Tinulungan na nila akong mag ayos kaya mabilis naman kami natapos.


Naligo ako at nag bihis. Sila ang pumili ng damit ko. Base sa pinili nilang black scallop pencil dress ko na kapartner ng black high heels ko, siguro ay pupunta kami sa isang party ngayon pero saan namang party at kanino?


Nakatingin sila sa'kin habang bino-blower ko 'yong buhok ko. Pagkatapos kong blower-in, niyaya ko na silang umalis pero hindi sila tumatayo sa kinauupuan nila. Kinunutan ko sila ng noo, "Tapos na ako. Okay na. Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ko sakanila.


"NO! You're not ready yet, Jewille." Sabi ni Aly at sabay-sabay silang lumapit sa'kin ta's pinaupo ako ulit. Kinuha nila 'yong pang make-up ko sa drawer ko at inumpisahan na ni Aly akong make-up-an. Nang ayos na sila sa pag lagay sa'kin ng kolorete sa mukha at sa pag kulot ng dulo ng buhok ko, niyaya na nila akong umalis. Nauna na silang lumabas kaya naman kinuha ko na 'yong sling bag ko at nag lakad na din palabas ng kwarto.


'Pagkalabas palang ng kwarto, naririnig ko na 'yong ingay na nang gagaling sa sala. Kilala ko kung sino ang may ari ng mga boses na 'yon. Nang makababa na kami, tama nga ako. Nakita ko sila James, Harley at si Cj. Nando'n si Justine at Jessica na nakabihis din pati na din si Thorn na nakikipag tawanan sakanila. Hindi nila ako napasin kaya naman tuloy lang sila sa pagta-tawanan. Mukhang medyo nagkakagaanan na sila ng pakiramdam.


Si Thorn kaagad ang nakapansin sa'kin kaya naman ng makita n'ya ako, tinitigan n'ya ako at napatingin din silang lahat sa'kin. Ngumisi ako, "Ganda ko 'no?" Sabi ko. Kumunot ang noo nila at sabay nag sigawan na para bang hindi sila naga-agree sa sinabi ko. Tumawa naman ako sa reaksyon nila.


Forever? Never. (ISMTCH BOOK 2)Where stories live. Discover now