Chapter 35

2.8K 89 2
                                    


Chapter 35

Adrian:

Hi Baby, it's been thirty two days since I last talked to you and I miss you so much. Every day, I miss you every day.

Nanlaki ang mata ko at kulang nalang ay maibato ang aking cellphone ng dahil sa nabasa ko. Lumunok ako at nanginig ang aking mga daliri. Ilang beses akong nagisip kong anu ba ang maaari kong ireply sa kanya. Pumikit ako at nagkagat-labi. Damn, I miss him so much.

Ako:

Happy Birthday, Kuya Adrian.

Lumunok ako. Hindi ko alam kung tama ba ang paglalagay ko ng 'Kuya' sa text ko.

Adrian:

Thanks Baby, and please don't call me Kuya.

Nakatulala lang ako sa reply nya sa akin ng magitla ako ng biglang magring ang aking cellphone. Lumipad ang palad ko saking bibig ng makita ang pangalan nya sa screen. Namatay ang tawag pero tumawag sya ulit, paulit-ulit. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nanginginig na sinu-wipe ang screen. Inilapat ko ang cellphone sa kaliwa kong tenga at bumuntong-hininga. Hindi ako nagsalita. Hindi rin sya nagsasalita. Nang marinig ko ang pagbuntong-hininga nya ay kinilabutan kaagad ako at napapikit. Adrian, I miss you.

"Hi. Baby." Suminghap sya.

Napatakip ako sa bibig ko ng dahil doon. God..

"My birthday is about to end. Thank you because you greeted me. I've been waiting for you since early today." Lumalim ang boses nya at medyo nage-echo ito. Siguro ay nasa loob sya ng isang close room.

"Y-yeah." Hirap na sabi ko.

Narinig ko ang tikhim nya.

"God.. I miss your voice." Mas mahinang sabi nya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at naramdaman ang mainit na luha na dumaloy sa aking pisnge. Adrian, tell me. What to do? I want you to leave for me to forget you. Mali ito pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. You have Lily and I have nothing here. I am afraid. Kasi akala mo sa pagalis ko, mawawala ito pero hindi. Baby, it's still in here.

"I need to.. uhm.. to sleep." Utal na sabi ko.

"Okay baby, Goodnight."

"Goodnight Adrian." 'yun ang sinabi ko bago ibinaba ang tawag.

Binaon ko ang mukha ko sa unan bago humagulgol ng iyak. Umiyak ako buong gabi at ng magising ako kinabukasan ay napatakip nalang ako sa mukha ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at wala akong mapagsabihan na kung sino. I can't tell this to anyone. If it just a issue about me and other man, okay lang. Pero hindi, ito ay sa pagitan ko at ng kapatid ko. They'll think it's gross.

Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan sa buhay namin. Hindi ko nga namalayan ay matatapos ko na pala ang isang sem sa aking curso.

"Sa sobrang bilis ng panahon hindi ko namalayan na mag-ha-halloween na pala! Tapos December na ulit." Ngumuso si Rhea habang tinatanaw ang mga makikisig na estudyante ng Criminology na naglalakad sa harapan namin.

Tumungo-tungo ako.

"Oo nga eh. Ang bilis ng panahon." Sagot ko.

"May lakad ba kayo sa Halloween? Hindi ba tayo pwedeng magparty? Ang boring naman kasi. Sa bahay lang kami. Sa province kasi nakalibing 'yung Lolo at Lola ko." Tanung ni Rona.

Hindi ako sumagot at nagkunot ng noo ng makita ang isang pamilyar na lalaki na nakatanaw sa akin mula sa isang bleachers doon sa di kalayuan. Garrette? Kapatid ni Tiffany?

Surrender (Xavier Series #1)Where stories live. Discover now