xx. OneInfinithryDays 96

922 53 29
                                    

AN// Naipasok ko na rin si Song Joong-Ki <3 Spoiler Alert: Siya ang sinaniban ni.... 。◕‿◕。

2nd to the last update.

-

3rd Person's POV

"ARE YOU OUT OF YOUR MIND?! HINDI KA PWEDENG BUMALIK!" Sigaw ni Sir Decimus kay Kyros nang magpaalam itong babalik sa mundong ibabaw.

"Pero—"

"Walang pero pero, Kyros! You're fully aware of your current status and its restrictions. Anghel ka na. 'Di ka na basta kaluluwa sa inbetween o isang ligaw na kaluluwang pwedeng gumala kahit saan mo man gustuhin!" Sabi ni Sir Decimus.

"Pero si Alexa—"

'Di nagpatinag si Sir Decimus. "We've done too much. You've done too much for her. Wag mo naman isakripisyo ang bagay na hindi pwede para sakanya!" sabi nito. "Pasalamat ka Kyros at pumayag ako na isakripisyo nina Kris at Lara ang mga trabaho nila para lang bantayan si Alexa. Kung anuman ang mangyari, wala na tayong control dun. Nagawa na natin pwede nating maitulong. Hanggang dun nalang yun."

Bumuntong hininga si Kyros. Kailangan niyang makabalik. Hindi sapat ang magpakita lamang siya sa mga panaginip para lang makatulong. Kulang yun. Hindi sapat yun. Hindi maililigtas ni Kyros si Alexa mula kay Louden ganito lang. Dapat may gawin siya.

"Ako ang sadya ni Louden. Hindi si Alexa. Sakin siya galit kaya ginagawa niya 'to." Sabi ni Kyros. Nakita niya lahat sa balon. Hindi na nga siya nagulat na galit sakanya si Louden.

Medyo natakot siya sa kung anong kayang gawin ni Louden. Habang tumatagal, hindi na nila alam kung ano ang kakayahan ni Louden. Kitang kita na puno ng galit at puot ang mga mata nito nang makita niya ito sa balon.

Bumuntong hininga si Sir Decimus. Nasstress siya. Hinilot niya ang kanyang noo at matagal pa bago tignan si Kyros na nasa harap niya. "Hindi magiging madali ang gusto mo, Kyros." Sabi nito.

"I'll do anything. Gagawin ko para lang matahimik na si Louden. Para lang sumaya na si Alexa. Para maging maayos na sila." Determinado si Kyros na bumalik at kitang kita iyon ng punong gabay na si Sir Decimus.

Umiling si Sir Decimus. But Kyros didn't let him say a single word. "How can I achieve peace kung may isang kaluluwa na naghahasik ng lagim sa mundo ng mga buhay nang dahil sakin?"

"Technically—" (Sir Decimus)

"Ginawa ni Louden yun dahil 'di niya matanggap na ako ang pumalit sakanya. Na inagaw ko sakanya ang kaligayahan niya. Malaki ang galit niya sakin dahil ako rin ang may kasalanan kaya siya namatay." Sabi ni Kyros. "Hindi ako matatahimik kapag may nangyaring masama dahil lang sakin. Dahil lang sa kagaguhan ko. May unfinished business ako na 'di pwedeng gawin at tapusin ng mga Healer o kahit na sino. Ako lang ang makakagawa nun, Sir Decimus. Ako lang."

"Pero may batas at patakaran tayong sinusunod, Kyros. 'Di ka na pwedeng bumalik dahil tapos na ang tungkulin mo sa mundong ibabaw. Nabayaran mo na lahat ng kasalanan mo kay Louden at sa kahit na sino pa man nung nasa inbetween ka." Sabi ni Sir Decimus.

"Pero hahayaan mo nalang ba na may mamatay? Alam mo na kapag nanatili pa dun si Louden—"

"Kyros. Gusto mo bang bumalik sa pagiging ligaw na kaluluwa na nasa inbetween? Kaya mo bang isuko ang pagiging anghel mo sa langit para lang masunod ang kagustuhan mo? Para lang masagip ang isang babae—"

"Ang isang babaeng yun ang tanging minahal ko, Sir. Kung ang pagiging anghel ko ang magiging kapalit, kung babalikan ko lahat ng paghihirap para maging anghel muli, gagawin ko. If it means saving her and facing my own problems, then, I'll do it." Sabi ni Kyros. "Kung dumoble ang paghihirap ko para marating ulit ang pagiging anghel ko, walang kaso sakin yun. Basta alam kong naitama ko lahat ng mali ko sa paraang alam ko,  basta nagawa ko ang tungkulin ko kay Alexa. Kahit pa hindi na ako bumalik sa langit, alam kong magiging malaya at payapa ang kaluluwa ko kaysa sa katayuan ko ngayon."

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Where stories live. Discover now