Cont: C53

84.3K 1.2K 13
                                    

Arianne's POV:

Knock

Knock

Knock

Rinig kong katok sa pinto namin dito sa kwarto namin ni drake.

"Sino yan?" sigaw kong tanong, baka si drake na to.

Tapos na rin ako, inayos ko lang yung kama namin kasi medyo na lukot eh.

"Si vheena to ar" sagot naman nya sa akin, hays kala ko pa naman si drake na.

Binuksan ko ang pinto at yun nakita ko si vheena na may ngiti sa kanyang labi.

"Oh ikaw pala vheena, anong meron?" tanong ko sa kanya.

"Tapos ka na ba? Nandyan na yung sasakyan ni drake eh" excited nyang sabi sa akin.

Di ko narinig ang busina sa kanyang sasakyan.

"T-Talaga? Oo tapos na ako, tara baba na tayo" aya ko sa kanya. Gosh I'm so excited to see him, hug him and kiss him so hard chooooss lang smack lang po.

"Tara! ikaw ha. Halatang excited kang makita ang pinsan ko, miss mo na talaga sya no?" usisang tanong nya sa akin at ngumiti ako sa kanya.

"Sobra vheena, sobrang miss ko na sya" sagot ko sa kanya at ngumiti sya sa akin.

"Boto talaga ako sayo para sa pinsan ko ar" biglang sabi nya sa akin, hays sana ganoon din ang parents ni drake, sana matanggap nila ako at ang mga anak namin.

"Salamat vheena" pasasalamat ko sa kanya.

Bumaba na kami pababa ng hagdan, rinig na rinig ko na yung tawanan ng kambal ko, megan, lena at rinig ko na rin yung boses ng lalaking pinakamamahal ko.

Dahan-dahan kaming lumapit sa kanila, nakatayo si drake paharap sa kanila at nakatalikod naman sya sa amin ni vheena.

"Mommy! Daddy's finally here" masaya at masiglang sigaw ni matt.

After sumigaw ni matt dahan-dahang lumingon si drake sa amin ni vheena at para bang biglang bumagal ang paligid namin hanggang sa huminto ito maliban sa amin ni drake, na para bang kaming dalawa lang ang naririto.

Ngumiti sya sa akin at heto ako titig na titig pa rin sa kanya, parang sinusuri ko sya-----kung totoong si drake sebastian montegrande ba talaga tong kaharap ko o imahinasyon ko lang ba itong lalaking nakatayo sa harapan ko.

"Hey" agaw pansin nya sa akin.

"H-hey?" di ko alam kung bakit yan ang lumabas sa bibig ko tss.

"Ate! para kang tanga, gumising ka nga hahaha" singit ni megan, tsk maka tanga naman tong taong to tsk sapakin kita jan eh.

"Hahahaha! You're so funny ar, nakakatawa ang mukha mo" natatawang sabi ni vheena sa akin, shit di ko man lang namalayan na wala na pala sya sa tabi ko tsk.

"Hey arianne? Are you okay?" nag-alalang tanong ni drake sa akin, ano bang nangyayari sa akin? Bakit di ako makasalita ngayon.

"Mommy?" rinig kong nag alalang tanong ni sky sa akin.

Di parin ako nakapagsalita, tulala lang ako tsk para akong tanga sa ginagawa ko ngayon. Hanggang sa namalayan ko nalang na niyugyog na ako.

"A-Aray ko naman kung makayugyog ka naman parang walang bukas ah" inis na sabi ko kay megan. Yes si megan po ang walang pusong yumugyog sa akin, please lang pakisapak nyo kahit ngayon lang.

"Hahaha! Pasensya na ate, ikaw kasi eh para kang nakakita ng multo eh. Bigla ka nalang nanigas jan hahahaha" natatawang sabi ni megan sa akin.

"U-Uhmm, ano u-uhhhm---" di ko alam kung ano ang sasabihin ko, tss ano bang nangyayari sa akin.

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon