SDR - 4

2.4K 50 0
                                    

SDR4- Simula na
by: Jeeiiy

"Jake, C'mon. Ano ba? Pick up the damn phone." Paulit ulit na dinadayal ni Gladys ang number ng kanyang kasintahan.

Gimbal na gimbal ito sa mga nangyayari. Para siyang tatakasan ng bait ng malamang si Monic ng yung nakita niya nung nakaraang gabi.

Wala siyang lakas ng loob para pumunta saburol ng kaibigan. Pakiramdam niya kasalanan niya iyun.

"Damn Jake." Saka binalibag niya ang kanyang cellphone dahilan upang masira ito.

Sa kabilang banda.
Nagising si Jake nang tumama sa kanyang mukha ang sinag ng araw.

"Ugh." Masakit ang kanyang ulo. Ang huli niyang naaalala ay nasa bar siya. Sinundan niya kasi ang kasintahang si Gladys. Baka kung mapano.

Teka.

Bakit siya nakaposas? Bakit nakatali ang paa at kamay neto? May busal din ang kanyang bibig. Pilit siyang kumawala. Sinong hayop ang gagawa sa kanya ng ganito?

Bumukas ang pinto. At iniluwa neto ang isang babaing may mahabang buhok. Maganda ang curba ng kanyang katawan. Nakasuot ito ng bestidang itim na hanggang tuhod at medyo nakalabas ang cleavage.
Sa kanang kamay naman neto, may hawak siyang...

Kutsilyo!

Nanlaki ang mata ni Jake. Gusto niyang sumigaw. Pero hindi niya magawa. Kilala niya ang babaing ito.

Lumapit ito ng bahagya at yumuko upang sila ay magpantay. "Hey, lover boy." Sa mapang-akit niyang boses.

Pagkway lumunok si Jake ng laway. Kahit papano ay lalaki pa din naman siya. Kitang kita niya kasi ang dalawang bundok na pilit kumakawala sa brassiere ng babaing kaharap niya.
Sa nakita ng babae ay tumawa ito ng mahina. "Just like what I have expected. Ganoon ka pa din."

Tinganggal ng babae ang busal ng lalaki.

"Tul—"

"Tss. Tss. Wag ka nang magtangkang sumigaw. Mapapaos ka lang loverboy. Walang makakarinig sayo ulol." Ngumisi ito.

"Kahit na ....demonyo." pagkasabi noon ay walang pasabing sinaksak ng babae ang kanyang balikat.

"Ahh." Napangiwi ito sa sakit. "Tangna." Ramdam niya ang umaagos ang pulang likido mula sa balikat neto.

"Umpisa pa lang yan baby." Pagkuway diniliaan niya ang dugo sa kutsilyo.

"Fvck you Bitch. Ano ba ang kailangan mo sa akin ha, Sarah?"

Isang nakakalukong ngiti ang kanyang pinakawalan. "I'll teach you a lesson that you will never ever forget." Lumapit si Sarah sakanya at hinalikan siya sa labi.

Oo. Sa labi.

Hindi lang basta halik. Mapusok. Nakakabaliw. Hanggang sa nalasahan niya ang dugo. Dugo mula sa kanyang labi.

"Simula na." usal ni Sarah.

To be continued!

Sarah's Deadly Revenge (Completed)Where stories live. Discover now