Trapped

9.1K 138 4
                                    

Naiinis akong gumulong pakanan at kinapa ang kanina pa nag-iingay na cellphone ko. Nang makapa ko na ito ay pinindot ko ang end call button nang makitang unregistered number ito. Nagtalukbong ulit ako sa kumot pero gayun na lang ang inis ko nang tumunog ulit ito. Bwesit na caller to ah. Wala bang gabi sa kanyaNapabangon ulit ako nang matapos pindotin uli ang end call ay tumunog na naman ito. Argh. Bwesit!

"Hello?" Nakakunot-noo kong sagot sa cellphone ko. Una kong narinig ang hininga nito. Walang boses na sumalubong sa'kin.

"Bwesit ka. Kung naglalaro ka lang, pwede ba? Maghanap ka nang ibang paglalaruan mo." Sigaw ko at pipindutin na sana ang end call nang marinig kong may nagsalita.

"Jennifer." Bumangon ang kaba sa dibdib ko nang mapagtantong baritonong boses nang lalaki ang nasa linya at parang may himig na galit.

"Sino ka? Nakakaistorbo ka ha. Kung para sa'yo umaga ang gabi ibahin mo'ko dahil tulog na tulog ako nang binulabog mo!" Sunod-sunod na litanya ko sa kausap pilit binalewala ang umuusbong na kaba.

"Makakatulog ka pa kaya sa balita ko Jennifer?" Parang pinaglalaruan niya ang pangalan ko. Natigilan ako nang marinig ang tawa nito. Nang-uuyam. Lumunok pa ako nang bigla itong tumigil sa pagtawa.

"Tigilan mo nga ako. Nakakabwesit kana!" Kumunot ang noo ko sa inis.

"You are hurting me. Jenny." Nairita pa ako lalo nang binigyan niya ako nang palayaw. Pero nanlaki ang mata ko at mas dumaig ang takot nang marinig ko ang nakakahindik na sigaw nang boses nang taong pinakakilala ko.

"Ahhhhhhhhhhh. Get off me!" Isang matinis na boses ang biglang narinig ko sa linya dahilan para mapabangon ako sa higaan.

"Jessica? Is that you? Jessica what's going on?" Agad-agad kong tanong pero sigaw lang ang naririnig ko sa linya. Sigaw na humihingi nang tulong. Sigaw na nasasaktan. Sigaw na nakapag-panginig sa buong katawan ko.

"Inaantok ka pa ba Jenny?" May halong pang-uuyam ang tinig nito. Mas lalo lang nadagdagan ang kaba ko sa  boses nito.

"A— anong kailangan mo? Please wag mong sasaktan ang kapatid ko." Natataranta kong sabi sa kausap.

"Only if you'll be good Jenny." Saad nito. Lumambing ang boses nito pero nanayo lang ang balahibo ko.

"You'll have to meet me. Alone." Pagpapatuloy nito na mas lalong nagpakaba sa'kin.

"Oo. Magki—kita tayo. Wa— wag mo lang saktan ang kapatid ko." Sagot ko. Natataranta. Kinakabahan.

"Oo naman. Basta ikaw Jenny." Kinilabutan ako nang sabihin niya iyon. Napapikit ako sa takot pero ano ba ang magagawa ko? Hawak niya ang kapatid ko.

Bakit hawak niya ang kapatid ko?

*******************
Hi. This story was inspired sa novel ni Kelley Anne Blount named CAPTURED. An English horror novel which was one of the 2014 Watty Awards Winner with now over 11 million reads.

In-endorse ko lang kasi I really love the novel. Check it out if interested pero sana patuloy niyo rin basahin to. Thanks and comment your feedbacks. :))

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon