Chapter 38

2K 41 0
                                    

Harper Olivarez' POV




Napatingin ako kay Nix habang naglalakad palayo saken kaso nagulat ako ng hawakan ni Kyler ang kamay ko.




"Tigilan mo na siya. Ako na ang nandito." sabe niya kaya pilit akong ngumiti.





Tama si Victoria. Hindi ko dapat ipagpilitan ang sarili ko kay Phoenix.





Sa totoo lang...mahal na mahal ko naman siya eh. Hindi ako galit sa kanya. Nabigla siguro ako nung sinabe niya saken lahat yun pero kung maiisip ko kung paano niya ako niligtas sa batang edad, agad ko siyang napatawad.





Alam kong nagamit lang din siya at hindi pa niya gaano naiisip yun dahil bata pa siya nung mga panahon na yun. Mahal na mahal na mahal ko talaga siya. Gustong gusto ko siya na kada makikita ko siya gusto ko siyang yakapin at wag na pakawalan.




Kaso dahil din sa sobrang pagmamahal ko sa kanya kaya hindi ko na siya kaya tanggapin. Natatakot kase ako na baka isang araw, mawala na naman ulit siya at iwan ako gaya ng dati. Natatakot ako na baka hindi na siya bumalik. Natatakot ako na baka....mawala na siya ng tuluyan.





Kahit gustuhin ko man, natatakot ako. Mas gusto kong magmahal nalang ng iba at kalimutan siya kesa matakot araw araw na baka yung taong mahal na mahal ko mawala na lang bigla saken.





"Harper...Ayos ka lang ba?" tanung ni Kyler saken kaya tiningnan ko siya.





Siya yung taong nandyan para saken. Siya yung taong naghintay para saken. Sa kanya, siya ang naghihintay at hindi ako. Sa kanya, hindi ako masasaktan. Sa kanya, hindi ako iiyak at alam kong mapapasaya niya ako. Hindi man kasing saya ng kagaya ng Nix pero atleast hindi ako matatakot.





Ngumiti ako at niyakap siya "Salamat..." sabe ko at naramdaman ko na niyakap niya ako "Nandito naman ako lage para sayo diba?" tanung niya kaya tumungo lang ako.




Tiningnan niya ako at pinunasan ang luha ko "Mahal na mahal kita Harper at kahit kelan hindi kita papaiyakin kagaya ng ginawa niya sayo." sabe niya kaya ngumiti lang ako.





Wala akong masabe kase yung lalaking pinapangarap ko na magsasabe saken niyan, pinalayo ko saken.





Napayuko lang ako at napasandal sa pader habang umiiyak. Napatayo lang si Kyler sa tapat ko at tiningnan ako.




Sobrang sakit talaga na makita kong umalis si Phoenix saken.




"Harper." tawag saken ni Kyler kaya tiningnan ko siya.




"Gusto mo ba sumaya kahit konti?" tanung niya pero hindi ako sumagot.





Natawa siya "Wag ka matakot! Hindi kita rereypin. Meron lang kase kameng beach sa may Subic. Kung gusto mo pwede tayo pumunta dun. Pero kung ayaw mo ayos lang din."





Napaisip ako, simula ng may mangyareng masama saken nung 16 years old ako, natakot na ako na umalis kasama ang iba bukod kay Daddy, Ethan at Victoria. Sa kanila lang ako sumasama dahil sa kanila lang ako may tiwala. Isa kase sila sa mga pinagkakatiwalaan kong tao at sa ngayon....kasama na si Kyler dun.





"Sige. Kailangan ko din siguro ng hangin." sabe ko at tiningnan siya "Pero Kyler..alam mo naman na ayaw ko pa magmahal ng iba sa ngayon diba? Dadating din tayo dun pero wag muna sa ngayon."






Ngumiti siya "Alam ko naman. Sasamahan lang kita dun bilang kaibigan mo." sabe niya kaya ngumiti ako.

Secret MissionWhere stories live. Discover now