5

207 13 15
                                    

Anong nangyari sa kanilang dalawa?

Gutom na kaya sila?

Biglang may tumunog na isang bagay na nahulog...

Napatingin ako sa pinanggalingan nun at nakita ko si Aling Tereng(katulong namin) na nakatingin di kalayuan sa akin. Pinulot niya yung nahulog na walis paypay na dala-dala niya.

"Sorry iha, di ko sinasadyang makarinig."

"O-ok lang po." Sa tanang buhay ko ngayon lang ata ako nailang sa sitwasyon na ito. Bakit ba? Para saan?

"Iha, mawalang galang lang ha, pero maari bang magtanong?"

"A-ano po yun?"

Si Aling Tereng ay 50 years old na at may katandaan na rin. Bata pa lang ako ay nandito na siya sa amin. Pamilya na rin ang tingin namin sa kanya sa tinagal tagal ba naming magkasama.

"Ika'y umibig na ba?"

Tae! Ano ba namang tanong yan? Syempre oo! Pero hanggang panaginip na lang dahil kung kailan pa ako naipagkasundo ay doon pa ako tunay na natutong magmahal. Pero di din naman tumagal yun dahil yung taong minahal ko noon ay nag-ibang bansa na. At siguro, masaya na rin yun dun sa buhay niya.

"O-opo naman po, Aling Tereng."

"Ganon ba? Masaya ka ba?"

"H-hindi po. Paano po ako magiging masaya eh di ko naman po siya nahahagkan at nakikita."

"Hanggang kailan mo ba siya mamahalin iha?"

Hanggang kailan nga ba? Eh di ko nga sigurado kung mahal ko pa siya o hindi na. It's been 5 years simula nang mawala na siya sa buhay ko. At ang sakit isipin na nag Good Bye pa siya sa akin.

"Di ko na po siya mahal, aling tereng."

"Dahil?"

Dahil??? Di ko alam! Kasi wala na eh! ayaw na ng puso kong magmahal pa ng iba!

"Dahil takot na po akong masaktan pa. Ang ayaw ko po sa lahat ay yung nang-iiwan."

"Sa tingin mo ba iiwanan ka na lang basta-basta ni Yntin?"

Si Yntin na naman? Napasok na naman yang lalaking yan sa usapan? Ano bang meron sa kanya at lahat na lang ata ng taong malalapit sa akin ay nagayuma niya?

"Di ko po mahal si Yntin."

"Kasi tulad ng madalas mong sabihin sa Daddy mo na... panget siya?"

"Eh panget naman po talaga siya eh!"

Napatigil ako saglit nang tumawa si Aling tereng sa inakto ko. Anong nakakatawa don? o_0?

"Gwapo siya iha. Bulag ka lang talaga kasi wala naman sa kanya ang paningin mo tuwing magkasama kayo..."

Eh nasaan?

"...nasa ibang tao." pinagpatuloy ni aling tereng yung sinabi niya kanina. Tapos umalis na siya. Uso ang walk out? Ganon?

Si ate at kuya ganon ang ginawa, leaving me behind. Pati ba naman si aling tereng? Grrr! Sabi ko ngang ayaw ko ng mga nang-iiwan eh!

*totoot* *totoot*

1 message received

From: Yntin panget

Wag ka na muna mag dinner. Sabay na tayo.

I cooked your favorite dish. 1 hour.

I'll be on my way.

Doon ko lang naalala yung sinabi niyang proposal pala kanina. Oh yeah! Prepare to be busted Yntin! Sana naman matauhan ka na. Agad na akong pumunta ng kwarto ko't nag hot bath at nagbihis. Matutulog na muna ako sandali. One hour pa naman eh.

Pakipot Lang Pala Ako (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon