Ch. II, Prt. III: An Arrow to the heart and a bullet to the head

1.2K 41 2
                                    

"T-Taygeta! Wag mo siyang halikan!" pagsigaw ni Maia tapos ay agad siyang pumagitna sa dalawa, at tila pinaghihiwalay ang dalawa.

Habang magkadampi parin ang mga labi nina Adrian at Taygeta, ay nakatingin lang ito kay Maia. Maya-maya pa, ay kumalas na sa pagkakahalik si Taygeta at itinulak papatalayo si Adrian, na halatang-halata na hindi alam ang nangyayari.

"Ate Maia, tara na. Masyado ka ng nagtatagal dito sa lupa!" sambit ni Taygeta at agad na hinawakan si Maia sa kanyang braso. Pero lumalaban si Maia.

"Teka lang!" biglang sigaw ng Adrian, at napatatingin naman ang dalawa. "A-ate?" tapos napatingin siya kay Maia. "Maia, bat ka niya tinawag na ate?" dagdag nito.

"Ha?" tapos napatingin naman si Maia kay Taygeta. Nakawala na siya sa pagkakahawak nito sa kanya, pero siya naman ay nakatingin lang kay Adrian. "Siya si Taygeta. Ang pangatlo kong kapatid, Adrian." paliwanag niya, habang hinihimas niya ang brasong hinawakan kanina ng kapatid niya.

"Ha?!" nagulat nalang si Adrian. Dahil kung pagkukumparahin niya ang dalawa. Tila parang mas-matured ang katawan ni Taygeta. Hubog palang at height, pati narin sa mukha, talagang mapapag-kamalan mong si Taygeta ang mas-matanda.

"Anong tinitingnan mong hampas-lupa ka?" biglang sabi ni Taygeta.

"Aahh. Wala-wala. Di lang ako makapaniwalang mas nakakatanda mo ng katapid itong si Maia." sagot naman ni Adrian.

Bigla namang tumuro sa kanya itong si Taygeta, "Wala kang karapatan na tawagin ang ate ko ng una niyang pangalan. Humingi ka ng tawad ngayon din!" at bigla namang puma-gitna si Maia sa dalawa.

"Taygeta, itigil mo na to. Tama na!" sambit in Maia.

"Pero ate, ang tagal mo ng naririto. Isang linggo ka ng wala sa kalangitan. Bat ba kase nagtatagal ka dito ha?" katwiran ni Taygeta.

Hindi agad nakasagot itong si Maia. Bigla siyang namula ng kaunti at tila naglaro na ng mga daliri niya. Napa-buntong hininga naman si Taygeta at agad niyang inulit ang tanong niya,  habang lumapit ng kaunti, "Ate, ano bang klaseng hiling yang hiniling ng taong yan?"

"Humiling siya na sana magka-girlfriend na siya!" sigaw nito sa kapatid niya. 

Napanganga naman itong si Taygeta, "A-a-ano? Ulitin mo nga yang sinabi mo ate?"

"Yung hiling niya kasi. Hindi tulad nung mga hiling ng ibang tao."

"Yun na nga ate. Hindi ka naman basta-basta tumutupad ng hiling. Bakit ganoong klaseng hiling pa ang pinagbigyan mo?" pagtataka ni Taygeta.

"Eh kasi nga, kakaiba siya. Hindi siya tulad ng ibang hiling ng tao. At nakikita ko namang mabuting tao siya. Kahit medyo hindi parin siya makapaniwala na narito tayong mga bituin." sagot ni Maia. 

Tila sumakit ang ulo ni Taygeta, "Taygeta, tara na muna sa loob. Dun ko papaliwanag." sambit ni Maia. Wala ng nagawa si Taygeta, umuna na si Taygeta sa loob, habang si Maia naman ay kasunod nito, at ganun din si Adrian.

Tahimik lang ang dalawa sa loob habang si Adrian ay ikinuha ng inumin. Hinain niya ito sa may sala at sinubukang kausapin si Taygeta, pero masama parin ang tingin nito. Ramdam ni Adrian na hindi siya gusto ni Taygeta, kaya lumayo nalang siya. Nilapag ang tray at tumabi na kay Maia.

Sumama lalo ang tingin nitong si Taygeta sa kanya at may mahinang growl siyang nilalabas dahil doon. Napalunok nalang si Adrian at medyo dumistansya muna kay Maia. Nagtaka naman si Maia kung bakit biglang lumayo ito.

"Ate, ok fine. Nag-wish siya. Naiintindihan ko. Pero ganoon ba talaga kahirap ang ihanap ng kasintahan itong walang kwentang tao na to? Na kailangan pang hilingin ang isang bagay na kaya naman niyang gawin ng sarili niya?" parang tinamaan ng ilang pana sa dibdib si Adrian sa sinabi ni Taygeta. Dagdag mo pa ang matitilos niyang tingin.

"Hindi ko nanaman kailangang ihanap siya ng girlfriend eh." sagot naman nitong si Maia.

Kumunot ang noo ni Taygeta, "At bakit? May nakita ka naba? Kung ganun naman pala eh tara na. Asan ba yong kawawang babae na yon na kailangang magtyaga sa isang lalaki na mahina ang loob?" at parang na headshot naman si Adrian ng isang Magnum .44. 

Si Maia naman ay ngumiti at tumayo, "Ako yun!" natawa nalang si Adrian. Habang is Taygeta, ay nanlaki ang mga mata at napanganga nalang sa sinabi ng ate niya.

"U-u-ulitin mo nga yung sinabi mo ate?" 

Tapos biglang umupo ulit si Maia at niyakap si Adrian, "Ako yung girlfriend niya! Kaya dito nako sa lupa hangga't kami pa!" 

Hindi na naka-imik pa si Taygeta. Tila para siyang sumabog at naging maliit na white dwarf star sa pagkakarinig niya. Nagpaulit-ulit iyon sa isip niya. "Te-teka, ate, bakit hindi mo nalang hinanap ng kasintahan itong lalakeng to?"

"Taygeta, tawagin mo siya sa pangalan niya. Wala kang galang." sambit ng ate niya.

Tapos napaturo ulit si Taygeta kay Adrian at nagalit, "Hindi ko tatawagin sa pangalan niya ang isang walang kwentang lalake na talagang ang lakas ng loob na gawing kasintahan ang isang bituin na di hamak na mas-matanda pa sa kanya ng ilang milyong taon!" sigaw nito habang namumula at tila pinagpapawisan.

"Wala ka ng magagawa, napagdesisyunan ko na to. Girlfriend niya ako hanggang sa magwakas itong mundong to. Hehehe." sagot ni Maia habang tuloy parin sa paghigpit ang yakap niya.

Si Adrian naman, tila napaisip rin ay tumingin kay Maia, "Ilang taon ka na nga ba?"

Nakatingin lang si Maia sa kanya ng sumagot, "125 million years old na ako. Bakit?" 

"Waaa? Mas-matanda ka pa nga sakin!" sagot naman ng na biglang si Adrian.

"Nye, ngayon kapa-nagulat. Kung ikukumpara mo ako dito, baka nga halos kaka-debut ko lang eh." lalong nagulat itong si Adrian.  "Ngayon kapa nagulat. Tulad nga ng sinabi doon sa napanood ko, Age doesn't matter. Hahaha!"

"Kung ikaw 125 million years old? Gaano katanda itong si Taygeta?" tanong ni Adrian.

"At bakit ko naman sasabihin sayo ang edad ko?"

"120 million years old siya." biglang sabi naman in Maia.

"Ate naman eh!" sigaw naman nitong si Taygeta na siya namang kinatawa ni Maia, at dumila pa. Bigla itong umupo, ininom ang juice ng mabilis at ipinatong ng malakas sa table, "Napag-desisyunan ko na."

Napatingin naman ang dalawa ni Adrian at Maia kay Taygeta, "Dito lang ako para bantayan ang ate ko. Hindi ako papayag na lapastanganin mo ang kapatid ko!" 

Di agad naka-react ang dalawa. Di ito ang gustong mangyari ni Adrian, ayos na kung isang star lang ang nakatira sa bahay niya, girlfriend pa niya. Pero kung narito rin ang kapatid niya. Mukhang hindi niya alam kung papano ito i-hahandle.

Wish Upon a MaiaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora