Chapter 05:

623 11 0
                                    


Angge P0V

Nandito ako ngayon sa sulok nag iisa, nag aalala na kasi ako kay papa.

Kanina kasi tumawag si mama bob, tinakbo daw sa ospital si papa, gusto ko mang puntahan pero hindi naman pwede kasi matitigil yung rehearsal namin..

Tayo... upo... tayo... upo....

Yan ang ginagawa ko, simula kanina, kaasar naman...

Nagulat ako ng may tumabi sakin...

"Alam mo mabubutas na yung upuan sayo, ano ba problema mo" sabi niya, tinignan ko siya ng masama.

"E kasi pogs si papa, tinakbo daw sa ospital sabi ni mama bob, hindi ko kasi alam gagawin ko e, nag aalala na ko dito." maktol ko, tinawanan niya muna ko bago samagot.

"Ang laki nga niyan, di puntahan mo na yung papa mo ako na bahala dito" napatingin ako sa kanya.

"Hindi tapusin ko na ito, sandali nalang naman ata e" sabi ko.

"Hindi rin, puntahan mo na papa mo kesa naman mabutas mo yung upuan na ito, sayang..." sabi niya at hinila ko patayo.

"Guiz una na daw muna siya, may pupuntahan lang emergency" paalam niya para sakin.

"Ok sige, alam mo naman na yung part mo diba?" tanung ng mentor namin, tumango lang ako.

Kinuha niya na yung gamit ko at ako naman nakipagbeso dun sa mga tao doon, tinulak ako palabas ng studio.

"Ingat ka hah, balitaan mo ko" sabi niya, then nakipagbeso siya.

Lumakad na ko papunta sa van at nagpahatid sa ospital kong nasaan sila papa.

Pagdating ko doon naabutan ko si mama bob sa labas ng ER.

Niyakap niya ko ng makita ako,ng mahimasmasan na siya ay sinabi niya na sakin yung kalagayan ni papa.

Lumipas pa ang mga araw, pero lalo lang lumalala yung sakit ni papa, pero alam ko gagaling pa siya.

Nandito ako ngayon sa ospital ako muna magbabantay kay papa.

Nagvibrate yung phone ko, pagtingin ko si pogs tumatawag.

"Hello pogs" bati ko

"Hi angge kumusta na papa mo?" tanung niya.

"Ayun lalo lumalala, pero alam ko pogs lalaban siya" sabi ko tas tumulo na yung luha ko.

"Oo naman lalaban ang papa mo, makikita ka pa niyang matupad yung pangarap mo?" sabi niya.

"Pwede ba ako dumalaw dyan?" tanung niya.

"Wag na pogs, kahit pumunta ka naman dito hinto mo parin makikita si papa" sabi ko, hindi na kasi siya pwede dalawin ng ibang tao.

"Ok sige, basta nandito lang ako pagkaylangan mo ng kausap hah" sabi niya

"Thank you pogs" pagpapasalamat ko.

Nausap pa kami sandali, pagkausap ko siya, parang gumagaan yung pakiramdam ko. ang sarap lang na may kaybigan kang tulad niya.

********************************

Erik P0V

Hi guiz ako muna makakasama niyo ngayon, ayaw niyo ba? bahala kayo hindi matutuloy yung story na ito... hahah... biro lang... ito na...

Ilang linggo ko na nakikitang ganyan si angge, hindi rin naman ako magtataka, kasi kung sakin din naman mangyari yung nangyayari sa kanya ngayon, ganyan din siguro ako.

Nakita kong kinuha niya yung phone niya at sinagot, medyo malayo ako sa kanya, kaya hindi ko marinig pinag uusapan nila.

"Ok guiz start na ulet tayo" sabi ng nagmementor saamin, kaya napatingin ako doon.

Pagtingin ko ulet kay angge nakatalikod na siya saamin, kaya nilapitan ko na siya.

Huh? umiiyak ba siya?

Umupo ako sa tabi niya.

"Angge" tawag ko, nagulat ako ng yakapin niya ako.

Umiiyak nga siya, nakaganun lang kami hanggang sa mahimasmasan siya.

Humiwalay narin siya ng yakap.

"Sorry" sabi niya habang pinupunasan niya yung luha niya.

"Ok lang, naiintidihan ko naman, at diba nga sabi mo lalaban pa ang papa mo" pagkasabi ko noon ay tumulo ulet yung luha niya.

"Wala na siya pogs e, iniwan niya na kami" umiiyak na sabi niya.

"Kelan pa?" gulat na tanung ko

"Kanina lang, nung tumawag si mama, pogs gusto ko siya puntahan pero hindi pwede, pogs..." umiiyak paring sabi niya.

"Wait lang hintayin mo ko dyan" sabi ko at pumunta ako sa kanila.

Sinabi ko sa kanila yung gusto ni angge, naintidihan naman nila kaya nilapitan ko siya at inalakayan ko siyang tumayo.

"Ok lang naman pogs, tapusin nanatin ito" sabi niya.

"Hindi, sasamahan na kita" sabi ko at inalalayan ko siya sa paglakad

"Guiz sunod nalang kayo" sabi ko sa RM namin.

********************************

Pagdating namin doon pumasok kami sa isang kwarto doon, nakita namin si mama bob doon,nilapitan niya agad ang papa niya.

Lumabas na muna ako, pinipilit niyang maging masaya ngayong ok na ang lahat, tapos mangyayari pa ito sa kanya.

Umuwi na muna ako, mamaya nalang ako pupunta doon, alam ko masakit para sa kanya yun, kahit sino namang mamatayan diba, pero alam niyo bilib parin ako sa kanya kasi nagpapatatag siya para sa mama niya.

********************************

Nilapitan ko si mama bob.

"Condolence po" sabi ko at nakipagbeso ako,

Pagkatapos ang papa niya ay nilapitan ko siya, mugto na nga yung mga mata niya.

"Kumusta ka na?" tanung ko

"Ito malungkot, pero medyo ok ok na rin" sabi niya

"Pero alam mo mas ok na yan, kesa naman naghihirap siya diba?" sabi ko, tumango tango siya.

"Alam ko naman yun, kayalang nanghihinayang lang kasi ako, ngayong ok na ang lahat saka pa siya mawawala.." sabi niya.

"Ngayong unti unti ko ng natutupad yung mga pangarap ko" dugtong niya, tama nga naman.

"Pero magpapakatatag ako para kay mama bob, lalo na ngayong dalawa nalang kami" sabi niya.

Napangiti ako ng marinig ko yun, alam ko na isa lang ito sa pagsubok na darating sa kanya...

Angerik: Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon