Chapter Six : Ellaine's Training

32 6 3
                                    

Guys this is my Chapter Six / Thanks for the support. Since na kailangan na mag-train ni Ellaine , Kyra at si Laxus ginawa ko pong per chapter yung pag-tratrain nila hindi po para dumami ang mga chapters para po ma-clear kung sino ang nag-nanarrate ? Thanks po. Dedicated to - -ycxzhphobia



**



Ellaine POV

"Ellaine bangon na kasi , ngayon ang training naten." sabi sa akin ni Kyra.

"Oo nga pala wait lang. Maliligo na 'ko. May nakahanda na ba na almusal para sa atin.?" tanong ko sa kanya habang nahikab.

"Oo nagluto ako kanina pa. Nasayang tuloy ang init 'non."

Pumunta na kaagad ako sa bathroom at naligo. Habang si Kyra naman ay pumunta sa room niya para mag-bihis , totally ngayon lang siya unang nagising sa akin. At eto pa first time niya rin na magluto ng almusal. Naligo ako for 20 minutes and then kumain na kami ni Kyra.

"Kyra 'bat nagkagulo kayo duon kahapon ni Laxus grabe yung mga atake niyo duon ahh."

"Ehh kasi naman naaalala mo pa ba yung tinanong kita kahapon yung magkakilala na kayo kaagad ni Laxus."

"Oo bakit naman?."

"Hindi mo ba nakita na tinatawanan niya ako dahil sa reaksyon ko that time?."

"Di ko naman nakita ehhh. So ang ganda pala ng eye quality mo."

"Ahh ganun ba? So ayun naurat ako at di ko na na-control ang sarili ko na patulan siya."

Pagkatapos naming kumain ay nag-summon ako ng creature , isa namang eagle. Inakyat ko kaagad yung mga gamit namin ni Kyra at siya naman yung nag-control nung creature na si-nummon ko. Nakarating kami kaagad dun sa school dahil calm naman ang air.

"Ellaine punta na tayo sa training ground. Baka nandun na yung mga ibang Guardians."

"Sige tara na." Agad naman kaming pumunta sa training ground at nakita ko naman si Laxus at si Sir Harvy na nag-uusap.

"Goodmorning po Sir Harvy." bati namin kay Sir.

"Ang aga mo naman dito Laxus kanina ka pa ba?." tanong ni Kyra kay Laxus.

"Ilang minutes lang naman after niyo dumating dito." sagot niya.

"Okay let's wait for the others Guardians para makapag-simula na tayo." sabi ni Sir Harvy. Pero ang aga talaga namin duon madilim pa ay nandun na kami so ibig sabihin nun ay kanina pa sila Sir Harvy at Laxus nandito na nag-uusap.

Inintay namin yung ibang Guardians na dumating at before kami mag-simula ay nag-sermon muna si Sir Harvy duon sa mga late dumating.

"Yung mga late tumaas ng kamay!." sigaw ni Sir Harvy. Teka , di ba napapaos si Sir Harvy sa kakasigaw sa amin? Tumaas naman ng kamay yung mga ilang Guardians at makikita mo sa mukha nila na hiyang-hiya takot na takot talaga sila.

"Alam niyo ba bawal yang ginagawa niyo , sa susunod pag-hindi pa kayo dumating ng maaga ay i-rereport ko kayo sa Lord natin at walang duda ma-exexpell kayo dito sa school na 'to." Takot na takot yung mga Guardians na late dumating at yung isa pa nga ay lumuhod at umiiyak kaya yung iba sa amin ay di natiis na tumawa.

"Parang awa niyo na Sir , wag niyo po akong i-expell dito sa school na 'to. Promise po papasok na po ako ng maaga." sabay hawak duon sa mga paa ni Sir.

"Oo na wag kang masyadong OA." sabay punas ng uhog nung Guardian na lumuhod. Nagtawanan ang lahat at pati si Sir di na nakayanan yung moment na 'yon kaya naki-join na rin siyang tumawa. Masayahin din pala si Sir.

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: May 17, 2016 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Pregacleus [ Revise ]Kde žijí příběhy. Začni objevovat