Chapter 7: Sino ba ako?

69.7K 1.3K 120
                                    

Note: Gusto ko lang hong I-clarify na hindi ho magkapatid sina Enrico at Levi. Or kahit half hindi ho talaga. And last update ko po to baka sa saturday or sunday ang next UD. At tsaka, sa mga iyakin dyan, bago magbasa maghanda ng tissue. Haha! Kidding. ✌ Labyu guys!

Hindi ko alam, pero parang namamanhid ang buong katawan at isipan ko sa oras nato. Ang sakit pala sa pakiramdam na talikuran ka ng taong nagmamahal sayo. Oo, alam kong darating sa puntong malalaman nya kung anong trabaho mayron ako pero hindi ko aakalain na sa ganoong pagkakataon nya malalaman. Sa pagkakataon pa na halos wala ng naiiwang respeto sa sarili ko. Ang buong akala ko ay ako mismo ang magsasabi sa kanya ngunit mapagbiro nga talaga ang tadhana..


"Hoy Levi, bat nagmumukmok ka dyan? Sige ka, pag ikaw nakita ni madam, malalagot ka na naman." Sita sa akin ni Marilou. Isa sa mga kasamahan ko dito sa club at nakasama ko ring sumayaw kanina sa intablado. Walanghiya naman kasi yong isang kasamahan namin na dapat sana ay sya yong sasayaw at hindi ako. Bigla ba namang umuwi dahil may emergency raw sa kanila. Tangna talaga!


"Pwedi bang pakisabi nalang kay ma'am na masama ang pakiramdam ko. Uuwi na muna sana ako sa amin. Mukhang lalagnatin na kasi ako." Mahinang sabi ko sa kanya. Inikutan naman nya ako ng mata bago magsalita.


"Pasalamat ka't nagustuhan nila ang performance natin kanina. O sige na, umuwi kana. Ako na ang bahalang magsasabi kay madam." Tinanguan ko nalang sya bago tumayo mula sa kinauupuan ko at pumunta sa cr para magbihis ng damit.

Napahinto naman ako sa pagbibihis nang maalala ko na naman ang reaksyon ni Leon kanina. Hindi ko maipaliwanag ang ekpresyon ng kanyang mukha kanina nang mapagtanto nyang ako yong isa sa mga sumasayaw sa intablado. Alam kong sa oras nato ay pinagsisisihan na nyang minahal nya ako. Alam kong nandidiri na sya sa akin. Hindi ko alam pero parang dinudurog ang puso ko pag naaalala ko ang kanyang mukha at ang mga salitang binitawan nya sa akin kanina.

Pinilit ko nalang ialis sa aking isipan ang mga nangyari kanina at nagpatuloy sa aking ginagawa.

Pagkatapos kong magbihis ay inayos ko na ang aking mga gamit bago lumabas sa silid na yon.

"Diba pare sya yong miss sexy body na gumigiling kanina sa stage?" rinig kong tanong nong isang lalaki sa katabi nya nang mapadaan ako sa kanila.

"Oo pare. Mukhang ang sarap nyan sa kama. Malaman na malaman." Pagkatapos ay sabay pa silang naghiyawan. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

"Miss, miss." Bigla namang may humawak sa balikat ko kaya napaatras agad ako.

"A-Ano po yon?" Kinakabahan kong tanong doon sa lalaking humawak sa akin kanina. Ngumisi naman ito ng nakakaloko bago magsalita.

"Pakantot naman kahit 10 minutes lang. Bigyan kita limang daan." Pagkatapos ay bigla nyang hinipuan ang aking dibdib kaya mabilis na sinampal ko sya sa mukha. Putangina nyang gago sya!

"Bastos!" Galit na galit kong sigaw sa kanya bago mabilis na tumakbo palayo sa kanya.


Pesti talaga! Bat ba ang malas malas ko sa araw nato?!

Marahas kong pinunasan ang ilang butil ng luhang umagos mula sa aking mga mata bago pumara ng tricycle.

"Sa Sta. Barbara ho." sabi ko don sa driver bago sumakay. Alas dyes y media na ng gabi at madilim narin ang mga lansangan. Medyo natatakot narin ako dahil nakakailang beses ng sulyap ng sulyap sa akin yong driver at ngayon ko lang napansin na medyo mapupungay ang mga mata nito.


Purchased By A Billionaire (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon