Goodbye For Now

7K 158 21
                                    

Marci's POV

Malapit ko nang makuha si Jho, bukas na bukas akin ka na. Nandito ako sa Batangas, sa bahay ng mga Maraguinot to be exact. Kakausapin ko mommy ni Jho. Dadating din daw dad ni Bea dito. Pero I know that I will win this fight.

"Marci" seryosong sabi ni Jaja. Wala man lang kuya kuya.

"Bakit?"

"Layuan mo na ate ko. Mahal niya si Bea, mahal nila isa't isa" ang seryoso niya as in yung matatakot ka talaga pero dahil ako si Marci, wala akong kinatatakutan.

"Sige lalayuan ko si Jho pero mawawala isa isa sayo ang mga mahal mo sa buhay" seryoso din ako, kaya kong gawin yun. Madaming kapit ang kompanya namin at walang makakapagbagsak dun. Kahit yung nangungunang company takot sa amin, takot sa kaya naming gawin.

"Fuck you to the death Marci Jeune Bacalla" aba minura pa ako? Ibang klaseng babae to palaban.

"Mr. Bacalla?" sabi ng dad ni Bea, nandito na pala siya

"Yes, mr. De Leon"

"Oh Elmer nandito ka na pala, maupo ka. Ja, umakyat ka muna sa taas" sabi naman nung mommy ni Jho at etong si Jaja nag death glare muna sakin bago umakyat.

"Marci? You know that Bea and Jho really love each other right? So why are you doing this?" Mr. De Leon

"I really love Jho and she will never have a normal life with Bea. They are both girl, can they have a baby? Can Jho find her happiness with Bea? No she can't"

"Marci, masaya si Jho kay Bea. Kitang kita ko sa mga mata niya. And yung baby? Pwede naman sila mag ampon eh, as long as magkasama silang dalawa sobrang saya na nila" sabi ng mommy ni Jho

"I don't even care. Tomorrow, 9 pm na sa akin na dapat si Jho. Pag wala babagsak agad agad ang kompanya niyo"

"Okay, 9 pm. Just text me the details" Yan ang gusto ko sa mommy ni Jho. Takot na bumagsak ang kompanya nila. Malaki daw ang utang na loob niya sa mga de Leon kaya ganyan na lang ipamigay si Jho. Hahaha.

"Sige, I have to go" sabi ko at umalis na. Be ready Jhoana Louisse. Mapapa sa akin ka na din.

*fastforward*
9PM

Jho's POV

Nandito ako sa Batangas. Ako lang mag isa, pinauwi kasi ako ni mama. Si Bea naman pinatawag nung dad niya kaya hindi na din siya nakasama. Hinatid lang niya ako sa terminal.

"Jhoana anak" tawag sakin ni mama

"Bakit po ma? Bakit ka umiiyak?" nagtatakang tanong ko. Bakit anong meron? Si Jaja naman kanina pa hindi nagsasalita, nakasimangot lang at parang galit na galit.

"Patawarin mo ako anak. Patawarin mo ako" sabi ni mama at bigla akong niyakap. Anong meron? Tiningnan ko si Jaja na para bang nagtatanong kung anong meron pero umiwas lang siya ng tingin sa akin.

*tok tok tok*

"Good Evening po" Marci? Anong ginagawa niya dito?

"Anak. Si Marci, siya na ang makakasama mo. Patawarin mo ako anak" sabi ni mama. Ano daw? Si Marci? Hindi pwede.

"Ma! Mahal ko si Bea alam mo yun!" sabi ko. Nasisigawan ko na si mama pero hindi ko matanggap tong ginawa niya

"Kailangan anak. Kailangan. Malalaman mo din ang tunay na dahilan, pero hindi pa ngayon"

"Marci" sabi ni Jaja na nakatayo sa harap ni Marci. Nakakatakot pala tong kapatid ko pag galit.

"Oh Jaja bakit?" sabi naman ni Marci

"Tumayo ka, may naiwan ako dyan sa kinauupuan mo" sabi naman ni Jaja at tumayo naman si Marci. Pero nagulat ako sa ginawa ni Jaja. Sinampal niya si Marci.

"Isa, para yan sa kagaguhan mo" sabi ni Jaja at sinampal ulit si Marci

"Dalawa, dahil sinasaktan mo si ate ngayon" at sinampal ulit si Marci

"Tatlo, dahil tinatanggalan mo ng karapatan na sumaya si ate" sabi ni Jaja. Tumigil na siya at nakatingin lang siya kay Marci

"Tapos ka na? Medyo masakit yun ah" sabi ni Marci na nakahawak sa magkabilang pisngi niya. Pero mas nagulat ako dahil ang susunod ay nakaupo na ulit si Marci sa tabi ko, hindi dahil sinadya niyang umupo dahil napaupo siya sa lakas ng suntok ni Jaja

"Yan ang huli. Para ipaalam ko sayo na hindi ka mahal ni ate at si Bea ang mahal niya" sabi ni Jaja na may halong galit. Hinila naman ako ni Jaja papunta sa kusina.

"Ate, sorry kung yan pa lang ang kaya kong gawin ngayon. Pero wag kang mag alala gagawa ako ng paraan para maibalik ka kay ate Bea. Sa ngayon, sumama ka muna sa kanya ako na bahala kay ate Bea." sabi ni Jaja na umiiyak na ngayon.

"Ja. Salamat, hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nalaman ni Bea to, ikaw na muna bahala sa kanya" sabi ko at niyakap ko siya

"Ako bahala ate. Mababawi ka namin"

"Jho!" tawag ni mama

"Ate, yan na yun. Isasama ka na ni Marci. Magiingat ka dun. Tandaan mo lahat ng sinabi ko. Mahal na mahal kita"

"Mahal na mahal din kita Ja. Aasahan ko yan"

Pumunta na ako sa labas. Naiiyak ako, kailangan ko tong gawin pero hindi ko alam kung anong dahilan, kung bakit ko ba kailangang gawin to.

"Anak, pasensya ka na. Sumama ka na kay Marci. Magkikita pa din naman kayo ni Bea, sa training niyo. Pero hindi ka na sa dorm tutuloy. Sa bahay na nila Marci. Patawarin mo sana ako anak" niyakap ako ni mama pero hindi ko siya niyakap pabalik. Hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko. Tuluyan na akong umiyak. Sobrang sakit na ipinamigay ka lang ng magulang mo sa taong hindi mo naman gusto.

"Marci, ingatan mo si Jhoana" sabi ni mama

"Yes po tita" sabi ni Marci na nakangiti na halos wala nang mata. Paano niya nagawa sakin to? Paano niya nagawa sa amin to ni Bea?

"Marci hindi pa tayo tapos, babawiin ko si ate sayo" sabi ni Jaja na puro galit ang nararamdaman.

"Bata ka lang wala kang magagawa. Tara na Jho" sabi ni Marci at hinila ako at sinakay sa kotse niya. Wala akong ginawa kundi umiyak. Eto na pala ang umpisa ng araw na hindi ko makakasama si Bea. Mahirap, masakit pero kailangang gawin. Babalik ako Bea, babalikan kita. Pangako yan

Lucky (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon