So many question.

1.8K 34 3
                                    

'Yung akala mo na okay na ang lahat. Hindi pa pala.

----

Nagising ako sa dahil sa iyak na naririnig ko. Nahirapan pa akong dumilat, para may mabigat na nakapatong sa mata ko. Hindi ko maalala kung paano ako napunta dito.

Tinignan ko ang tao na nasa gilid ko. "Jared." Nagawa kong magsalita kahit na hirap ako.

"Sweety. Gising ka na." Ngumiti sya pero parang may kulang. Oo! May kulang.

Sinubukan kong bumangon, pero hindi ko magawa. Napatingin ako sa tiyan ko, ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita na impis na.

"N-Nasaan ang anak n-natin?" Tinignan ko si Jared na walang humpay ang pag agos ng luha. "J-Jared! Nasaan?"

Umiling sya. "W-Wala na sya, Elaisa."

Halos gumuho ang mundo ko. Unang tingin pa lang sya tiyan ko ay alam kong wala na sya, pero hindi kaagad ako naniwala.

Tuloy-tuloy ang luha ko. Ibang klaseng sakit ang nararamdaman ko, hindi ko maipaliwanag. Para akong mamamatay.

"H-Hindi... Hindi pwede." Napahagulgol ako.

Sa buong buhay ko, wala akong ginawa na masama. Lahat ng alam kong tama ay sinusunod ko, tapos ganito ang mangyayari sa akin?! Ang daming tao sa mundo, pero bakit ako?

Napatakip ako sa mukha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naramdaman kong yumakap sa akin si Jared.

"Jared. Ang a-anak natin. Bakit nya tayo iniwan?" Ilang buwan ko syang dinala sa tiyan ko tapos sa isang iglap ay nawala sya.

"Tahan na sweety. Alam kong masaya ang anak natin kung nasaan man sya ngayon." Kahit anong sabihin ni Jared ay hindi sapat 'yun para gumaan ang pakiramdam ko. Walang makakatanggal ng lungkot sa pagkatao ko. Parang nawala na ang kalahati ng pagkatao ko.

"A-Anong nangyari? Bakit nandito ako?" Naglakas loob na akong itanong kay Jared. Wala kasi akong maalala.

"Nahulog ka sa hagdan. I was waiting for you at the kitchen, nakarinig na lang ako ng malakas na kalabog. Then I saw you, nakahiga sa dulo ng hagdan at dinudugo." Hawak-hawak ni Jared ang kamay ko habang nagpapaliwanag.

Pilit kong inaalala ang nangyari. Kahit sumakit ang ulo ko ay wala akong pakialam.

And just like a flash, I remembered everything. Pababa na ako para kumain ng makaramdam ako ng matinding kirot sa ulo ko, biglang nanlabo ang kaliwang mata ko. Nakahawak ako sa pader pero unti-unting nagdidilim ang paningin ko. Sobrang sakit ng ulo ko, parang binibiyak.

Pinilit kong bumaba pero namali ako ng hakbang, dahilan kaya nalaglag ako. Nakaramdam ako ng kakaibang kirot sa puson at balakang ko.

"Ja-Jared."

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.

"O God!" Napatakip ako sa bibig. Napahagulgol na naman ako. Ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang anak ko. "Kasalanan ko, Jared. I-I'm so sorry." Kung naging maingat lang sana ako.

All About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon