C #33

561 11 1
                                    

Expect at least five more chapters after this one. Pasensya na po sa sobrang tagal na update, I just had a lot of issues recently. Hopefully, matapos ko na po siya before May ends.

C #33

They reached her school exactly five minutes before the classes start.

Inayos niya muna ang kanyang mga gamit bago tuluyang lumabas sa sasakyan.

"I'll pick you up at three?" Tanong ni Darren sa kanya

"Yeah." She said while clutching the door's handle.

"Do we have a date?" He asked, grinning.

Kunwari ay nag-isip pa siya at inilagay sa ilalim ng baba niya ang kanyang hintuturo.

"I'll think about it." She abruptly said then leaned in to him to snatch a quick kiss. Tapos ay kaagad na siyang bumaba ng sasakyan nito.

She was about to walk in to the building nang may maalala. She knocked on the car's window. Kaagad namang binuksan iyon ng binata.

"About that 'joy deep down in my heart' plan..." She trailed off. "I'm serious." She said in a deadpan manner saka na naglakad palayo.

Hindi siya makakapayag na hindi maranasan ni Darren ang kasiyahan ng pagiging bata. She believes that everyone deserves to have a happy childhood. Hindi man nito naranasan iyon noong bata pa, pwedi pa naman nitong maranasan iyon ngayon. She'll make sure that he will get the most unforgettable post childhood memories anyone ever had.

Her day went by in its usual pace. They've discussed a new lesson like they always do before doing the actual practice. This time ang lesson nila ay about international cuisines. After giving the new lesson ay ni-group sila ulit into five. Iba na ulit ang mga ka-group niya. That is their first requirement nang unang pasok nila. Dapat they were all able to be grouped sa lahat ng mga classmates nila.

Luckily, hindi naman siya nagkakaproblema sa pakikisama sa mga nagiging ka-group niya despite of her history na ayaw ng contact sa mga tao. Basta ba wag lang siyang hahatakin o biglaang hahawakan dahil hindi pa siya ganoon kasanay lalo na sa ibang tao.

Ang hawak na sanay lamang siya ay ang sa mga malalapit na tao lamang sa kanya. Because like it or not, sila ang lagi niyang nakakasama at sa kanila lamang siya nakakaramdam na ligtas siya.

After nilang mag-usap usap at mapagkasunduan kung sino ang mga mamalengke ng mga ingredients ay naghiwahiwalay na sila. They are free for the rest of the day dahil may meeting ang mga prof nila kaya wala na silang pasok.

Habang palabas ng building ay hawak niya ang kanyang cellphone at ni-text si Darren to inform him na maaga siyang lumabas. She waited for his reply at hindi naman nagtagal ay tumunog ang kanyang telepono tanda na meron siyang mensahe.

"I'm on my way." Reply nito.

Napakunot ang kanyang noo.

"Ano kaya pinagkakaabalahan nito kung wala na siyang trabaho?" Tanong niya sa sarili. Nagkibit balikat na lang siya at naisipang tanungin ito pagkarating.

"Ate Eunica, may hinihintay ka pa ba?" Tanong ni Gem na bago niyang ka-grupo. Ate ang tawag nito sa kanya dahil matanda siya ng dalawang taon dahil na rin sa natigil siya sa pag-aaral noon.

"Yeah, I'm waiting for my boyfriend." She said, smiling.

"Ah sige, una na kami ha?" Sabi nito nang makitang lumabas ang isang lalaki mula sa building na nakilala naman niyang si Mark, classmate din nila at ka-group na nobyo ng huli.

Case #4 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon