Crazy 7

255 15 2
                                    

Pulbo, Lipstick, Eye Liner, at Headband.

Tadahh!! Ganda mo na Tisay!
Ngiting-ngiti Ako Dahil na tapos na rin ang pag-me-make up.
Ngayon ko nagawa 'to pero ang galing ko na.

Kumapal ang Kilay ko, nagkaiba sila ng size nung kabilang side.
Yung Labi ko naman Lumaki, wow! Pang International ka talaga Tisay!

Excited na Ako kaya nag bihis na Ako ng damit na isusuot ko sa Party.

Violet na Dress at Violet na Sapatos, Bonga!

Pagkatapos ko ay bumaba na Ako, kanina pa kasi nag aantay si Kuya Kyle sa akin Dahil ihahatid niya Ako.

"Hi Kuya! Dito na me! "

Nagtaka Ako bigla Kay Kuya, nakatitig siya sakin.
Ulo muna, tapos bumaba hangang paa. Tapos mula sa paa hangang ulo nanaman.

"Kuya, Bakit ka ba nakatingin sakin ng Ganyan?! Maganda na ba Ako?"

Tinawanan niya pa Ako ng mahina saka iling,

Tisay, ikaw ba ang clown don? Tapos naka-rubber sheos ka pa. Yang Suot mo parang Damit 'yan na ginagamit sa pang-laba e."

"Sus! Si Kuya, uso 'to ngayon. Kaya Tara na!"

"Bahala ka, oh siya, Tara na sa kotse."

"Ah.. Sige Kuya, wait lang may kukunin lang Ako sa kusina."
Tinanguan niya lang Ako saka labas.

Nang nakuha ko na ang kukunin ko ay isinuksok ko 'yun sa bag.
Nag madali na Akong Lumabas saka sakay sa kotse Ni Kuya kyle.

Excited na Ako, baka sakaling mapatay ko si Gino ngayong araw, ay Mali. Gabi pala.

"Tisay, Alam ko kung Anong kinuha mo sa kusina."

"Ha Kuya?"

"Kutsilyo ang kinuha mo. Akala ko ba papatagalin niyo?"

"Kuya kyle, gusto ko nang tapusin lahat. Gusto ko nang umuwi sa bahay."

"Hayst.. Ano ba kasing Problema ng Kuya mo Kay Mr.Zunniga? He's a rich man, pero Bakit siya gustong ipapatay ng Kuya mo, at ikaw pa ang gagawa."

"Basta na 'yun Kuya. Ang mahalaga , matapos na rin 'to."

"OK fine. Basta mag ingat ka ha, madaming tauhan ang Zunniga mansion, baka imbes na siya ang mapataymmo, baka ikaw pa ang mauna."

"Oo na po Kuya."

Nginitian noya ako saka inihinto ang kotse niya.

"Oh, ayan. Bilisan mo baka maguli ka"

"Opo Kuya, bye thank you"

Nagsimula na Akong mag lakad sa papasok ng napaka-laking bahay
Pero bilang may tumigil sakin, mga lalaking naka-itim at naka sunglass.

"Miss sandali."
Panimula pa nung isa.

"Wait Kuya, sandali lang din."

"Bakit?" Sabay nilang tanong.

Tumingala Ako at tumingala din sila, mga Tanga! Nag mana kayo sakin.

"May araw po ba?"

"Wala naman. Nakita mo nang Gabi na eh, Tanga 'tong batang 'to."
Sabat naman nong isa.

"Wala ngang Araw pero naka-sunglass kayo, Sinong mas Tanga?"

Nag katinginan muna SiLang dalawa saka hawak sa bag ko.

"Tama nang satsat. Akin na 'yang bag mo."

"Po?"

"Sisilipin namin ang bag mo."

"Bakit po?"

"Sisilipin nga eh !"
Nagulat Ako sa pag-sigaw niyang 'yun kaya nai-balibag ko yun sa Mukha niya.

"Aray ko! Nanadya ka ba?"

"Di."

"Eh Bakit mo hinampas sakin?!"

"Binalibag ko , Hindi ko hinampas."

"Hay nako, sige kuya iyo na 'yang bag ko. Kutsilyo lang ang laman niyan e."

Nilampasan ko nalang sila. Tutal, madami namang kutsilyo sa loob nila Gino.

"Hoy Bakit may kutsilyo 'to?!"
Liningon ko sila saka sabing.

"Pakamatay na ka--*BUGSH!*"

"ARAY!"

Hindi ko Alam kung ano 'yung nabano para mapatumba Ako.

"Trisha?"
Napaangat Ako ng ulo at napangiti Ako dahil si Clark pala 'to.

"Clark! Pogi mo ah!"

Tumayo Ako saka hinawak-hawakan ang Damit niya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Party 'to diba? Edi makikikain."

"Hindi 'to basta party, Dance party 'to eh. Umuw ka na."

"Ayaw ko nga. Nandito na Ako e. Bakit pa Ako aalis!"

Tinignan ko nlang siya ng masama nilampasan siya.
Baliw yun ah. Pauuwiin pa Ako?

Natuwa Ako nang makita ko nang nag sasayawan ang mga tao. Kaya tumakbo Ako dun saka nakisayaw din.

"Yoohh! Oh yeah!"

Pikit-mata pa Akong sumasayaw. Parang disco lang sa probinsya 'to ah .
ANG SAYA!

Meron Akong nakitang dumaan na lalaki, may hawak siyang malaking Plato tapos may naka patong na mga baso, uyy sakto nauuhaw na ako.

"Kuya pahingi!"
Huminto naman ang lalaki at kumuha Ako ng tatlong baso non at sabay sabay Kong ininom.

Matamis na napait ang lasa kaya paulit-ulit kong iniinom.

"Ang sarap! Yehh!! Sayaw pa!"
Hindi ko Alam kung bakit parang nahihilo Ako pero sayaw parin Ako ng sayaw.

"Tisay? Ano bang ginagawa mo dito?"
Lilingunin ko na Sana siya pero biglang .. BLAG!

--

Gino's POV

Mga tatlong oras na rin ang party, madaming Girls. Madaming lalaking lalaki na sumasayaw.
Madaming drinks at food na nag papasaya lalo tuwing party ko.

Ganito kaingay ang Mansion kapag nag sasaya kami.

Tutal, wala sila mom and dad. Nasa US.
Bahay ko naman 'to at wala SiLang pakiaalam.

Halos lahat yata ng Taga-Campus ang nandito maliban kay-- Oh no.

Nanliit ang Mata kl nang makita ko ang isang babaeng sayaw ng ayaw at lasing na.

Alam Kong si Tisay 'yun , Bakit siya nandito?

"Tisay? Bakit ka ba nandito? " naiinis Kong tanong.

Alam kong lasing na siya Dahil sumasayaw sayaw na ang bruha

Humarap siya sa kanina pero nnagulat Ako nang bigla nalang siya tumumba at buti nalang ay nasalo ko.

Abnormal talaga 'tong babaeng to e.

Tinawag ko ang isa sa mga tauhan ko para dalhin siya sa loob ng mansion.

Napaka-sosyalin ng bruha.
Sinundan ko sila sa loob para masamahan si Tisay, Hindi ko naman kasi siya in invite, Bakit nandito siya?

"July, Kumuha ka nga ng Cube ice sa Ref,"
Tumango naman ang sexy Kong katulong .

Pinagmasdan ko si Tisay, ano ba 'tong suot niya? Ang pangit naman?
Tapos yung lipstick lagpas-lagpas.
Yung eye liner, sobrang kapal. Di pa pantay!
Naka rubber shoes pa!

Natawa nalang tuloy Ako sa hitsura niya, parang siyang tanga. Sunod ng sunod sakin.

"Sir, ito na po."

Kinuha ko naman ang yelo Kay July saka ipipinunas 'yun sa noo Ni Tisay.

"Sir, Ang cute po ng Girlfriend mo."

ANO?! GIRLFRIEND KO?!

"YOURE FIRED!"

Your Love And MoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon