ISLY VI; Double Date Part Two

824 16 1
                                    

Continuation.....

HORROR HOUSE?? kaya ko naman kaya lang. Ayaw ko ng maalala yung nangyari noon.

/Okay lang naman yun sa inyo dba?/ napatingin ako kay Sylvester. Siguro naalala niya ang nangyari noon.

/A-ah o-oo okay lang n-naman sa a-akin/ halos mautal-utal ko kakasabi nun. Nakatingin kasi sa akin si Sylvester

/so ano na?tara?/ sabi naman ni Janseen. Ngumiti nalang ako. Hinawakan naman ako ni Janseen sa kamay

/Don't worry andito naman ako eh/ sabi ni Janseen at pumasok na kami sa loob. Nasa unahan kami nasa likod naman sina Sylvester. Nayuko lang ako habang nakapikit ta's yung mga kamay ko hawak-hawak ni Janseen. Kakalas na sana ako sa kakahawak ni Janseen kaya lang may biglang humawak sa paa ko.

/AHHHHHH..... BITAWAN MO KO... AHHHHHHHH/ halos mapaos ako kakasigaw at muntik ko na ngang tadyakan yung multo-multuhan sa Horror House. Nung tumingala ako may nahulog naman na bangkay sa harap ko.

/AHHHHH AYOKOOOO NAHHHHHHH AHHHHHH/ sigaw ko ulit. Tawa lang ng tawa si Janseen. Nung makalabas kami halos himatayin na ako sa putla ko.

/Ito oh/ alok ni Gazelle sa akin ng tubig tumingin ako sa kanya at ngumiti.

/Thanks/ sabi ko. Actually may Phobia kasi ako sa mga multo at sa dilim kaya siguro ako nagkakaganto.

/Hindi ko alam na matatakot ka ng ganon/ sabi sa akin ni Janseen. Ngumiti nalang ako.

/Akala ko kasi kaya ko na/ sabi ko nalang. Umupo na muna kami sa may bench. Medyo hapon na kasi.

/Guys. Bump Cars tayo/ aya ni Janseen.

/oo ba/ pagsang-ayon ko. Tumingin ako sa dalawa na kanina pa nag-uusap tungkol sa hindi ko alam basta ang alam ko lang, napakaseryoso ng pinag-uusapan nila.

/Sige/ sabi ni Gazelle at ngumiti. Mabait si Gazelle at hindi ko kayang magalit sa kanya kasi malapit siya kay Sylvester at isa pa. Wala na kami ni Syl. Baka kasi sabihin niya sa akin na 

'BA'T NAKIKIALAM KA? BA'T NAGSESELOS KA? MAHAL MO PA AKO? SORRY DAHIL HINDI NA KITA MAHAL'

ayaw ko namang masabihan ng ganon no.

pumili na kami ng sasakyan at sakto namang nakita ko yung red kaya lang

/ah sige ikaw nalang/ sabi ko at akmang lalayo para pipili ng ibang car. Actually nagktaon din kasi na Red Car ang gusto niya. Nakilimutan kong Favorite niya pala yun

/ano ikaw na/ sabi niya sa akin. Kumuntra naman ako at ayon um-oo nalang siya na siya na ang gagamit sa red. Pinili ko nalang yung Pink.

at nag start na yun. Drive ako ng Drive ng biglang nag bump ang likod ng car ko at nakita ko si Janseen  na tumatawa

/Andaya mo/ sigaw ko sa kanya at binangga siya. Ganon din naman siya. ayaw magpatalo. Maya-maya pa, may bumangga na naman sa akin. At i saw Sylvester na nakatingin sa akin.

/banggaan pala ah/ sabi ko at binangga ang dalawa tawa lang ako ng tawa kasi halos masob-sob na si Janseen.

7//

Gazelle's POV

Naiingit ako sa kanya pero di ko kayang magalit sa kanya. Hindi niya naman sinasadya ang lahat eh, Alam ko kaya sila laging nag-aaway ni Sylvester noon dahil sa 'CRUSH' ako ni Syl. pero hanggang doon lang naman yun eh, naiingit ako kasi masaya si Janseen sa kanya. Di ba pwedeng sa akin naman? I mean hindi ko naman sinasadya na saktan siya eh 

I Still Love YouUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum