Chapter 17

3.3K 43 63
                                    

Chapter 17

[Mika's POV]

MONDAY after lunch at school.

I'm on my way to Yuchengco Building to look for Gabby.  I need to talk to him to break the news about me and Jeron.

Malapit na ako sa room niya nang may makasalubong ako na familiar na mukha.

"Hey, Mika!  Ang tagal mong nawala ah?  Fancy meeting you here."

She was smiling at me so I smiled back.  I couldn't return her warm greeting because I can't remember her name.

"You don't remember me na?" she pouted.

"Ahh, ehh..." nahihiyang nagkamot ako ng ulo.  Saan ko nga ba siya nakita?

"Vanessa, choir, Gabby's friend," paalala niya sa akin.

"Vhan!  Oh God, I'm so sorry," apologetic na sabi ko.  "Namukhaan kita but I just can't remember your name.  Sorry talaga," hingi ko ng paumanhin sa kaniya.

"'Yan tayo eh, kalimutan na lang porke naglagalag ng matagal sa Singapore," nagtatampo kunwari na sabi niya.

"Uyyy, ano ba!  Ikaw pa ba ang makakalimutan ko eh nag-iisa ka lang na may angelic voice dito sa La Salle," paglalambing ko sa kaniya sabay yakap sa beywang niya.

"Sige lang, bawi bawi rin 'pag may time," biro niya sa akin na ikinatawa ko.  "Why are you here in Yuch, Miks?  It's too early pa for your four p.m. class ah?"

"I'm looking for Gab," sabi ko.

"Uyyy, miss mo agad, no?  Sagutin mo na kasi," nakangiting sabi niya.

Alanganin naman akong napangiti.

Kung alam mo lang, Vhan, kung ano ang sasabihin ko kay Gabby, you wouldn't be teasing me like that. Baka sinasampal mo na ako ngayon 'coz I'm about to break your friend's heart.

"Unfortunately, Miks, Gabby's not there.  He didn't come to school today 'coz he's in the hospital according to Isa.  Kaya nga ako nagpunta dito sa Yuch para manghiram ng notes sa mga classmates niya."

"What???  Why?  What happened to Gab?" nag-aalalang tanong ko.  Bigla akong kinabahan na baka naaksidente siya or something.  Magkatext lang kasi kami kahapon at wala naman siyang nasabing may dinaramdam siya.

"Don't worry, it's nothing serious," nakangiting sabi niya.  "It's just a flu.  OA lang talaga si Tita Beta where Gabby is concerned kaya pinaconfine agad.  Alam mo na, unico hijo eh.  But I heard he's going to be discharged tomorrow."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.  Nice to hear it wasn't serious.  But he's still sick so I think I have to postphone the talk with him until he gets better.  Ayoko namang palalain pa ang hindi magandang pakiramdam niya.  I'll just probably speak with Joanna first.

"I see.  Thanks, Vhan.  I"ll probably drop by the hospital tomorrow morning to check on Gab.  See you around," sabi ko at naglakad na papunta sa elevator.

"Miks, wait!" habol sa akin ni Vanessa.

Nagtatanong ang tingin na nilingon ko siya.

"I left my phone kasi sa car.  Since you're here... please, can you tell your best friend I won't be able to see him today 'coz we have a practice later at five.  He might be expecting my message eh," nakangiting sabi niya.

"Best friend??  A-are you talking about J-Jeron?" nagtatakang tanong ko.  Parang bigla akong kinabahan sa sinasabi ni Vanessa.  Hindi ko alam na close pala sila ni Jeron.  And my woman instinct is telling me something else.  Parang naka-full alert ang radar ko.

"Yup, Jeron.  We've been going out for, like, two weeks," matamis ang ngiti ni Vanessa.

Two weeks?  So all the time I wasn't here, Jeron was dating her???  And here I thought he's been going out with Joanna...

Para akong pinagsakluban ng langit sa sinabi ni Vanessa.  How could Jeron do this to me?  Pinagtiwalaan ko siya ng puso ko pagkatapos ay sasaktan niya lang pala ako?  May paligaw-ligaw pa siyang nalalaman 'yun pala nagdedate na sila ni Vanessa?!

Punong-puno ng galit ang dibdib ko.  Gusto kong suntukin si Jeron kung kaharap ko lang siya ngayon.

"Miks, are you okay?" tanong ni Vanessa na nagpabalik sa diwa ko.  Nakita ko ang nagtatakang tingin niya.

Why Are We Still Friends?  (Jeron Teng-Mika Reyes Fan Fiction)Where stories live. Discover now