Between The Lines

300 12 6
                                    

Between The Lines

One-Shot Story

Written By: Eren_Yeager

__________

“You and Me, always be between the lines.”

__________

***

Mahal Kita—dalawang salitang madaling bigkasin, pero sa harap ng taong mahal mo? Isang mabigat na pasanin.

May mga bagay talagang mas nararapat na lamang na itago or better yet leave it unsaid, unspoken.

Mahal ko siya, pero may Mahal siyang iba.

Mahal ko siya, pero ako para sa kanya? kaibigan lamang niya.

Mahal ko siya, kaya mananatili ako na parating nasa tabi niya, kahit na masakit, kahit na mahirap titiisin ko, dahil ito ang kapalit nang pagiging tanga ko para sa kanya.

Alam kong mahal mo siya, kaya mananatili itong nakatago, mananatili itong isang sikreto, na isang tao lamang ang siyang nakaka-alam kundi ako.

Kaibigan kita, kaibigan mo'ko, kuntento na ako sa set-up na ganito, dahil alam ko na hanggang dito na lang tayo.

***

Nakikita ko kayo na masayang magkasama sa piling ng isa't isa, pinagmamasdan kita, kayo, iniisip na sana ako nalang siya, I smiled by the thought pero hanggang do'n nalang 'yon, dahil hindi pwede—suntok sa buwan na maging ako siya't ikaw ay maging akin.

Mahal mo siya at Mahal ka niya, at ako? Mananatiling kaibigan mo, pangako ko 'yan sa'yo.

Dahil ikaw at ako?, malabong mangyari, hindi kailanman mangyayari, dahil pagbali-baliktarin mo man, hindi siya—AKO.

***

Unti-unti, nadudurog ako, mahal kita, pero hindi ko kayang sabihin sa'yo dahil hanggang dito lang ako, tayo, mananatili akong nasa gitna upang mamili kung bibitaw ba ako o mananatili na nasa tabi mo.

Ikaw, Ako, Siya, ako ang siyang parating dehado dahil sa pinili kong manatili sa tabi mo, pikit-mata kong sasaluhin lahat ng sakit, dahil Mahal kita, kahit na alam kong mayroong siya sa buhay mo, parati akong naririto, maghihintay sa'yo kahit pa malabong mangyari ito.

Sana, dahil ito ang siyang panalangin ko.

***

Ngayon, dumating ako sa puntong hindi ko na kaya pang maghintay sa'yo, at tuluyan na akong nawalan nang pag-asa na magiging tayo.

Kaya naman habang kaya ko pang iwasan ka'y susubukan ko nang bumitaw sa nararamdaman ko, dahil sa alam kong mayroong kayo at kailanma'y walang magiging tayo.

Sa loob na maraming taon na ako'y umibig sa'yo, sa loob nang mga panahong bulag ako sa pagmamahal ko para sa'yo, sa tingin ko'y ito ang tanging desisyon na alam kong nararapat na gawin, ang siyang tama kong gagawin—ang bumitaw sa iyo, ang bumitaw sa nararamdaman ko para sa'yo.

Hanggang sa dulo'y hindi ko nagawang ipagtapat ito sa'yo; na Mahal kita simula pa nang maging mag kaibigan tayo, bago pa man siya dumating sa buhay mo, but this is the right thing to do, to let go my feelings for you even though I haven't said it yet to you.

You and Me will always be between the lines—as your friend to be exact.

Sa muli kong pagsulyap sa'yo-sa inyo'y nagpapalitan na kayo ng vows para sa isa't isa, sa harap ng altar, sa harap ng maraming tao at sa mismong sa harapan ko, kasabay nang pagpatak ng mga luha ko.

I wish that i'll be the one who's saying that to you, that i'll be the one you'll loved, but I choose to shut my mouth, because you and me are not meant for each other, because we'll always be between the lines.

Kasabay nang mga pagbitaw mo ng pangako para sa taong minamahal mo'y kasabay rin ng pagbitaw ko para sa'yo at para sa pagmamahal ko . Sana, magawa ko.

***

END …

Between The LinesWhere stories live. Discover now