Chapter 1

424 111 46
                                    

Hell POV

Napabalikwas ako ng bangon nang may biglang kumatok.
Pssh sino ba ang hinayupak na 'to. Tsk disturbo.
Ang ganda-ganda ng tulog ko eh.

"What?"
May inis na sigaw ko dito.

"Young lady 7:35 am na po, baka malate po kayo sa klase." Sigaw ni Butler Choi mula sa labas ng pinto.

"Ok,"

Tsk bakit ba kasi kailangan ko pang pumasok sa tanginang university na 'yan.
Halos alam ko naman lahat ng itinuro doon.
Kung hindi lang talaga dahil sa mission ko hindi ako papasok.
I hate going schools. It's just a waste of time.
Puro pasikat lang ang mga tao doon.

"Young lady tapos na po ba kayo?"

Bakit ba ang kulit ng matandang 'to. Sarap patayin, bwesit.

"I already said ok, now get lost!"

Pagkasabi ko nun ay tumayo na ako para maligo baka sumigaw na naman ang matanda na 'yon.

Pumasok na ako sa banyo at naligo. After that nagbihis na ako ng uniform.
Bakit ang ikli ng skirt na 'to. Uniform ba talaga 'to ng estudyante o ng prostitute?
Ano bang klase na university ang papasukan ko.
University ba 'yon ng mga taong malalandi?
Tsk.
Sa huli napagpasyahan ko na lang itong isuot dahil kahit  magrereklamo pa ako dito wala rin namang magbabago.

Nang tapos na akong mag-ayos ay bumaba na ako.

"Young lady kakain po ba kayo?"
Tanong ni Butler Choi habang pababa ako ng hagdan.

"Hindi,''

Sagot ko dito at naglakad na palabas. Pumunta ako sa garahe dahil nandoon ang motorbike na gagamitin ko.
Pagkarating ko ay sumakay agad ako sa aking Black Ducati at pinaharurot ito papuntang SU or Sin University.
Weird name right? Lahat siguro ng nag-aaral doon ay makasalanan.

Bigla kong natabig paliko ang motorbike na sinasakyan ko nang may putang Black Ferrari ang biglang dumaan. Bwesit muntik pa tuloy akong mabangga.

Malaman ko lang kung sino ang nagmamaneho nun ilulubong ko talaga siya ng buhay.

Tiningnan ko ang relo ko. Halos mapamura ako nang late na ako ng 40 minutes.

Mabilis kong pinatakbo ang Ducati.
Ilang saglit lang ay nandito na ako sa parking lot ng SU.
At ang masasabi ko lang ay ang daming sasakyan halos mapuno na ang parking lot sa dami.
Hindi naman nakapagtataka 'yon dahil sa laki ba naman ng school na 'to syempre mapupuno talaga.
Habang naghahanap ako ng maparkingan ng motor ko ay biglang naningkit ang mata ko nang makita ko ang Black Ferrari.
Dali-dali kong ipinark ang motor  at nakangising naglalakad palapit dito.
Tiningnan ko ang bawat anggulo nito. Mukhang bago, walang kahit isang gasgas.

Dumukot ako ng isang dagger sa hita ko. Hinihimas ko ito at itinapat sa Ferrari.

Its payback time. Sabi ko sa isip at ngumisi.

Hinawakan ko ang Ferrari at ginasgasan.
Pagkatapos ay sinulatan ko ng Go to hell gamit ang dagger.

Ngayon fair na tayo.

Nakangisi ako habang naglalakad. I wonder kung ano ang magiging reaksyon ng may-ari nun. Well its her/his fault anyway. Pasalamat siya hindi buhay niya ang sinira ko.

Ilang saglit pa ay nandito na ako sa harap ng room.
Sarado ito kaya meaning nagstart na ang klase.

Dahil sa likas akong tamad hindi ako kumatok. Sinipa ko ito ng malakas. Pagpasok ko ay ganito ang mga mukha nila na nakatingin sa akin.

Nanlaki ang mga mata na parang tarsier na halos lumuwa na sa laki.

Ang sarap lang tusukin.

Napalingon ako bigla sa isang babae na may mahabang buhok at may eyeglasses sa mata nang bigla itong magsalita. I think siya ang  prof.

"Excuse me Miss. Wala ka bang respeto? Bakit mo sinipa ang pinto? Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo kung---"

Hindi nito natapos ang dapat sabihin dahil inihagis ko sa kanya ang isang dagger.
You can insult me anytime you want but not my parents. Coz if you do then say goodbye to your fucking life.

Lumapit ako dito at tiningnan ito ng diritso sa mata.

"Say that again and your dead." Cold kong bulong sa tainga nito.

Napangiti ako ng nanginginig ang mga kamay at paa nito. Ganyan nga matakot ka dahil sa susunod papatayin na talaga kita.

Tumango ito at nagsalita.
"S--ss--oorry, go ahead in--troduce yourself."
Nauutal na sabi nito.

Tiningnan ko lang siya ng blanko at kumuha ng chalk.

Pumunta ako sa blackboard at isinulat ang pangalan ko.

Neri Hellish Yamasaki
17

Pagkatapos kong isulat 'yon ay naglakad na ako at umupo sa bandang likuran at hindi pinansin ang bulong-bulongan ng mga bubuyog.

Tsk this school is totally boring.



A/N: waah ang cold ni Hell. Sino kaya ang may-ari ng black Ferrari na yon? Kayo alam niyo ba? XD

Salamat sa mga nagbabasa at nagvote ng story na to. Sana Hindi kayo magsawa.

Votes and comments are highly appreciated.

-Lucy-chan_10

I am HELL(On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon